From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Biseksuwalidad (literal na "pang- o para sa dalawang kasarian" at karaniwan ding tinatawag na silahis) ay isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong pangkasarian na kinasasangkutan ng pangkatawan o maromantikong pagkabighani ng tao sa kapwa mga lalaki at pati sa mga babae.[1] Isa ito sa tatlong pangunahing mga kaurian ng oryentasyong seksuwal, kasama ng heteroseksuwalidad at ng homoseksuwalidad, at lahat ay bahagi ng kontinuum na heteroseksuwal-homoseksuwal. Ang panseksuwalidad ay maaari o hindi maaaring idagdag bilang kabahagi ng biseksuwalidad, na may ilang mga mapagkukunang mga babasahin ang nagsasaad na ang biseksuwalidad ay tumatagos sa pagkaakit na seksuwal o romantiko sa lahat ng mga katauhang pangkasarian.[2][3] Ang mga taong may kakaiba ngunit hindi panggayong kagustuhan para sa isang kaharian sa ibabaw ng iba ay maaari ring ipakilala ang kanilang mga sarili bilang biseksuwal,[4] samantalang ang mga taong walang pagkabighaning seksuwal sa kahit anumang kasarian ay nakikilala bilang mga aseksuwal (nasa kalagayan ng aseksuwalidad).
Mapupuna ang biseksuwalidad sa sari-saring mga lipunan ng tao[5] at pati na rin sa ibang lugar sa kaharian ng mga hayop[6][7][8] sa kahabaan ng naitalang kasaysayan. Subalit, ang katagang biseksuwalidad, katulad ng heteroseksuwalidad at homoseksuwalidad, ay naimbento noong ika-19 daantaon.[9]
Dahil nararamdaman ng ilang mga taong biseksuwal na hindi sila akma sa alin mang homoseksuwal o heteroseksuwal, at dahil mayroon silang pagkakataong "hindi makita" o "invisible" sa publiko, ang ilang mga taong biseksuwal ay nagpapasiyang bumuo ng sarili nilang pamayanan, kultura at mga kilusang pampolitika. Ang ilan naman na ang pagkakakilanlan nila ay biseksuwal ay maaaring umanib alinman sa mga lipunang homoseksuwal o heteroseksuwal. Gayunman, nakikita ng ilang mga biseksuwal ito bilang sapilitang pag-anib o bisexual erasure kaysa sa kusang-loob; maaaring maharap ang mga taong biseksuwal sa biphobia o pag-iwas mula sa mga homoseksuwal at heteroseksuwal na lipunan kapag sila ay lumantad.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.