From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang aseksuwalidad o walang seksuwalidad ay ang kawalan ng seksuwal na atraksiyon kaninoman o mababa o kaya naman ay walang interes sa mga kilos seksuwal.[1][2][3] Maaari rin sabihin na ito ay kawalan ng oryentasyong seksuwal, o isa sa apat na uri nito, kasama ng heteroseksuwalidad, homoseksuwalidad, at biseksuwalidad.[4][5][6] Ayon sa isang pag-aaral noong 2004, isang porsyento ng populasyong Briton ang nagsabi ng pag-iral ng asekswalidad.
Ang asekswalidad ay naiiba sa pag-iwas mula sa mga gawaing sekswal at sa pag-iiwas mula sa kasal o iba pang mga katulad na relasyon, kadalasan ay may dahilang personal o pangrelihiyon.
Ilang taong asekswal ang patuloy na sumasali mga sekswal na gawain kahit na kulang sila sa kagustuhang makipagtalik o sa sekswal na pagkahumaling, dahil sa nagkakaibang mga katuwiran tulad ng kagustuhang mapasaya ang mga karelasyon o ang kagustuhang magkaroon ng mga anak.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.