From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Heteroseksuwalidad (pinagsamang mga salitang hetero at seksuwalidad, na may literal na kahulugang "tuwid [o tama] ang seksuwalidad") ay ang katayuan ng pagkaakit na romantiko o seksuwal, o kaya ugaling pangpagtatalik sa pagitan ng dalawang mga kasapi ng magkaibang kasarian o organong pangkasarian. Bilang isang oryentasyong seksuwal, ang heterseksuwalidad ay tumutukoy sa "isang nagtatagal na padron ng o katayuan na makaranas ng pagkabighaning seksuwal, pangdamdamin, pangkatawan, o pangromansa sa mga tao ng kataliwas o kabaligtad na kasarian"; tumutukoy din ito sa "isang pagkadama ng personal at panlipunang pagkakakilanlan ng isang tao, mga asal ng pagpapadama ng mga ito, at kasapian sa isang pamayanan ng iba pang mga tao na gayon din ang pananaw o damdamin".[1][2] Ang kataga ay pangkaraniwang nilalapat sa mga nilalang na tao, subalit matutunghayan din sa lahat ng mga mamalya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.