Araling pangpagtatalik
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Araling pangpagtatalik o edukasyong seksuwal ay ang pagsasabi sa mga tao ng tungkol sa pagtatalik. Sa pangkaraniwan, sinasabi ito ng mga magulang sa kanilang mga anak kapag sumapit na ang mga ito sa panahon ng kabagungtauhan. Karaniwang kasama rito ang mga bagay katulad ng paano gumawa ng mga sanggol, kung paano mapupruteksiyunan ang sarili laban sa hindi ginustong pagdadalangtao, at kung paano hindi makakakuuha ng anuman sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Sa maraming mga kultura, ang pagbanggit ng hinggil sa seks o edukasyong pangpagtatalik ay isang maselan o ipinagbabawal na paksa.
May ilang kaantasan din ng edukasyong pangseks na isinasakatuparan sa paaralan; sa maraming mga lugar, nagpapasa ang pamahalaan ng mga batas na nagsasaad na ang edukasyong pangpagtatalik ay dapat gawin sa paaralan. Ilang bahagi ng araling seksuwal ang nagkakaiba-iba ayon sa kalinangan, katulad ng mga aspetong pangmoralidad at pangkaasalan o etika.
Tumutukoy ang araling pangpagtatalik sa mga pormal na programa ng pagtuturo sa isang malawakang saklaw ng mga paksa o isyung may kaugnayan sa seksuwalidad na pangtao, kasama ang anatomiyang seksuwal (organong pangpagtatalik), pagpaparaming seksuwal, pagtatalik, kalusugang reproduktibo, pakikipag-ugnayang pangdamdamin, mga karapatang pangreproduksiyon at mga responsibilidad, abstinensiya (pagpipigil sa pagtatalik), kontrasepsiyon, at iba pang mga aspeto ng ugaling seksuwal ng tao. Pangkaraniwang mga "abenida" o daanan ng pagtuturo ng edukasyong pangseks ay ang mga magulang o mga tagapag-alaga, mga programa sa paaralan, at pampublikong mga kampanyang pangkalusugan.