Ang mga Sakit na naipapasa sa pakikipagtalik o mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik(Ingles: sexually transmitted infections o STI[1], sexually transmitted diseases o STD[2], o venereal diseases o VD [2]) [1][2] ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng mga impekisyon na naipapasa o nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroong ganitong uri ng karamdaman. Nanggagaling ang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik mula sa mga mikrobyong nasa ibabaw ng balat ng tao, at maging mula sa mga likido o pluido ng katawan, katulad ng semilya ng mga nahawaang lalake, pluwido sa mga ari ng mga nahawaang babae, o mula sa dugo ng parehong lalake at babae. Kumakalat ang mga mikrobyo mula sa isang taong may sakit sa pamamagitan ng sekswal na padidikit ng mga balat, dugo at iba pang mga pluido mula sa katawan. Pumapasok ang mikrobyo sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagpasok sa ari ng babae, sa bibig, sa butas ng puwit, sa mga sariwang sugat at mga hiwa. Hindi lumalaganap ang mga karamdamang nakukuha sa pagtatalik sa pamamagitan ng pangkaraniwan lamang o kaswal na paglalapit ng balat. Hindi rin ito natatanggap sa pamamagitan ng paliligo sa mga pampublikong languyan, at hindi rin nagmumula sa simpleng pag-upo sa isang kasilyas.[2] Ang salitang venereal ay isang hindi gaanong ginagamit na kataga para sa mga sakit na nakukuha dahil sa pakikipagtalik.[3]
Apektadong kasarian
Bagaman kapwa naapektuhan ang lalaki at babae ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, mas madaling mahawa ang mga babae, at mas mataas rin ang tiyansa na magkaroon ng kumplikasyon sa mga babae, partikular na sa kapanahunan ng pagdadalang-tao at pagkalipas na mailuwal ang sanggol. Nanganganib din ang buhay ng isang sanggol dahil dito.[1]
Hindi rin kaagad na nalalaman kapag nagtataglay na ang isang tao ng ganitong uri ng sakit sapagkat madalas na walang sintomas na lumilitaw o matagal bago lumabas ang mga palatandaan. Nagkakaiba-iba rin ang mga nagiging palatandaan. Maaring malubha at maaaring hindi.[1] Mayroon ring mga taong hindi nakikitaan ng mga sintomas bagaman meron na silang nakakahawang sakit, kaya maaari nilang mahawaan ang ibang tao nang hindi nila nalalaman o napapansin.[2]
Mga uri
Bakteryal
- Chancroid (Haemophilus ducreyi)
- Chlamydia (Chlamydia trachomatis)
- Granuloma inguinale or (Klebsiella granulomatis)
- Gonorrhea (Neisseria gonorrhoeae) o sa tagalog ay tulo.
- Syphilis (Treponema pallidum)
Fungal
- Candidiasis (impeksiyon ng yeast)
Viral
- Viral hepatitis (Hepatitis B virus) naipapasa sa laway, mga pluido ng ari.
(Ang Hepatitis A at Hepatitis E ay naipapasa sa pamamagitan ng rutang dumi-bibig ; ang Hepatitis C ay bihirang naipapasa sa pakikipagtalik, [4] at ang ruta ng pagpasa ng Hepatitis D (tanging kung impektado ng B) ay hindi tiyak ngunit maaring kabilang ang pagpasa sa pakikipagtalik.[5][6][7]) - Herpes simplex (Herpes simplex virus 1, 2) balat at mucosal, maipapasa ng meron o walang makikitang mga blister
- HIV (Human Immunodeficiency Virus)—mga pluido ng ari, semilya, gatas ng suso, dugo
- HPV (Human Papillomavirus)—pagdikit sa balat at mucosal. Ang mataas na panganib na mga uri ng HIP ay nagsasanhi ng lahat ng kanser sa cervix gayundin ng ilang mga kanser sa anus, kanser sa titi, at kanser sa vulva. Ang ibang mga uri ng HPV ay nagsasanhi ng kulugo sa ari.
- Molluscum contagiosum (molluscum contagiosum virus MCV)—malapit na pagdidikit
Parasito
- Kutong alimango na kilala bilang "crab" sa Ingles o kutong pubiko (Pthirus pubis)
- Galis-aso (Sarcoptes scabiei)
Protozoal
- Trichomoniasis (Trichomonas vaginalis)
Mga ruta ng pagpasa
Mga pagiging malamang ng pagpasa sa bawat hindi protektadong pakikipagtalik sa isang impektadong indibidwal | |||
---|---|---|---|
Mga alam na panganib | Mga posible o hindi alam na mga panganib | ||
Nagbigay o gumamit ng bibig sa titi ng lalake (fellatio) |
Sa puwet tungo sa bibig na mga gawain:
|
| |
Nagbigay o gumamit ng bibig sa puke ng babae (Cunnilingus) |
|
||
Lalakeng tumanggap o ginamitan ng bibig sa titi nito | |||
Babaeng tumanggap o ginamitan ng bibig sa puke nito | |||
Lalakeng ipinasok ang titi nito sa puke | |||
Babaeng pinasukan ng titi sa puke nito | |||
Pumasok sa anus ng puwet (lalake sa lalake o lalake sa babae) | |||
Pinasukan sa anus ng puwet (lalake sa lalake o babae sa lalake) | |||
Bibig-anus na pakikipagtalik (babae at lalake) |
|
| |
Pag-iwas
Ang pag-iwas (prevention) ang susi sa pagtugon sa mga hindi magagamot na STI gaya ng HIV at herpes. Ang mga klinika ng sekswal na kalusugan ay lumalaban upang itaguyod ang paggamit ng kondom at magbigay ng paglapît sa mga nasa panganib na pamayanan.
Ang pinakepektibong paraan sa pag-iwas na mapasahan ng STI ay iwasan ang pagdidikit ng mga bahagi ng katawan o pluido na maaaring magdulot ng paglipat mula sa isang impektadong kasintahan o asawa. Hindi lahat ng mga gawaing sekswal ay kinasasangkutan ng pisikal na pagdidikit ng katawan gaya ng cybersex, phonesex o masturbasyon. Ang tamang paggamit ng kondom ay bumabawas ng pagdikit at panganib ng pagpasa ng STI. Bagaman, ang kondom ay epektibo sa paglilimita ng pagkakalantad sa STI, ang ilang mga pagpasa ng STI ay maaaring mangyari kahit may kondom.[14]
Sa mas kanais nais na paraan, ang parehong magkasintahan o mag-asawa ay dapat magpasubok(test) o magpasuri sa presensiya ng STI bago ang pakikipagtalik o kung ang kasintahan ay nakipagtalik sa iba pang indibidwal. Maraming mga impeksiyon ay hindi agada matutukoy pagkatapos ng pagkakalantad sa STI kaya ang sapat na panahon ay kailangang hayaan sa pagitan ng posibleng pagkakalantad at pagsubok upang maging tumpak ang resulta. Ang ilang mga STI partikular ang ilang mga patuloy na virus gaya ng HPV na nagsasanhi ng kulugo sa ari ay maaaring imposibleng makilala o matukoy sa kasalukuyang mga pamamaraang medikial. Maraming mga sakit na nagbibigay ng permanenteng mga impeksiyon ay maaaring sumakop sa sistemang imuno ng katawan na ang ibang pang mga sakit ay mas madaling maipasa. Ang likas na sistemang imuno na pinangungunahan ng defensin laban sa HIV ay maaaring mag-iwas ng pagpasa ng HIV kung ang bilang na viral(viral count) ay napakababa ngunit kung ito ay masyadong okupado sa ibang mga virus sa katawan o napanaigan, ang HIV ay mananaig. Ang ilang mga viral na STI ay malaking nagpapadagdag ng panganib ng kamatayan para sa mga impektado ng HIV na pasyente.
Mga bakuna
Ang mga bakuna ay makukuha na magpoprotekta laban sa ilang mga viral STI gaya ng Hepatitis A, Hepatitis B, at ilang uri ng HPV. Ang pagpapabakuna bago ang pagsisimula ng pakikipagtalik ay ipinapayo upang masiguro ang pinakamalaking proteksiyon.
Mga kondom
Ang mga Condom at pambabaeng condom ay nagbibigay lamang ng proteksiyon laban sa STD kung ginagamit ng tama bilang harang at tanging sa at mula sa lugar na tinatakpan nito. Sa kaso ng HIV, ang mga ruta ng pagpasa ng STI ay palaging kinasasangkutan ng titi dahil ang HIV ay hindi maaaring kumalat sa pamamagitan ng walang sugat o hiwang balat kaya ang ang tamang pagbabalot sa ipinapasok na titi na may tamang isinuot na kondom mula sa puke o anus ay epektibong humihinto ng pagpasa ng HIV. Ang isang impektadong pluido sa may hiwa o sugat na balat na nagdadala ng direktang pagpasa ng HIV ay hindi maituturing na naipasang sekswal ngunit teoretikal na umiral habang isinisagawa ang pakikipagtalik. Ito ay maiiwasan sa simpleng hindi pakikipagtalik kung may mga sugat sa balat. Ang ibang mga STI kahit ang mga impeksiyong viral ay maiiwasan sa paggamit ng condom na latex, polyurethane o polyisoprene bilang harang. Ang ilang mga virus ay sapat na maliit upang makadaan sa mga pore sa mga may natural na balat na kondom ngunit mas malaki pa rin upang dumaan sa latex o sintetikong kondom.
Ang tamang paraan ng paggamnit ng kondom ay:
- Hindi paglalagay ng kondom na sobrang sikip sa dulo at pag-iiwan ng 1.5 cm (3/4 inch) na espasyo sa dulo para sa ehakulasyon. Kung ilalagay ng mahigpit ang kondom ay palaging magdudulot ng pagkabigo sa pagpoprotekta nito.
- Ang pagsusuot ng kondom na sobrang luwag ay maaaring tumalo sa pagharang nito.
- Pag-iwas sa pagbaligtad at pagtatapon ng kondom na minsang isinuot kahit pa may semilya o wala.
- Pag-iwas sa mga kondom na gawa sa mga substansiya na hindi gawa sa latex, polyisoprene or polyurethane dahil ang mga ito ay hindi pumoprotekta sa HIV.
- Pag-iwas sa paggamit ng nakabase sa langis(oil) na mga lubrikante(pampadulas) sa mga kondom na latex dahil ang langis ay maaaring kumain o lumikha ng butas dito.
- Paggamit ng may lasang kondom para sa tanging pakikipagtalik gamit ang bibig dahil ang asukal sa pampalasa ay maaring magdulot ng mga impeksiyon ng yeast kung gagamitin upang ipampasok.
Upang mahusay na maprotektahan ang sarili at kasintahan sa STI o STD, ang lumang kondom at mga nilalaman nito ay dapat ipagpalagay na impektado. Kaya ang luma o ginamit na kondom ay dapat na tamang itapon. Ang bawat bagong kondom ang dapat gamitin sa bawat akto ng pakikipagtalik dahil ang paulit ulit na paggamit ng ginamit nang kondom ay nagdadagdag ng tsansa ng pagkasira na tumatalo sa pagiging epektibo nitong bilang harang o proteksiyon.
Pagpapasuri
Panahon ng pagpapatingin
Kailangang magpatingin sa manggagamot ang isang tao kung nakipagtalik ito sa pamamagitan ng bibig, puwit, o kahit na sa normal na paraan subalit hindi gumamit ng kondom. Isa pang dahilan para magpasuri ay kung nakisalo ang isang indibidwal sa ibang tao sa paggamit ng mga karayom na pinanginiksiyon ng mga bawal na gamot. O kaya, kapag nakipagtalik ang isang tao sa isa pang tao na nalalamang gumagamit ng ganitong uri ng mga karayom para kumunsumo ng droga. Bilang pag-iingat, iminumungkahi rin na magpadoktor kapag naghihinala ang isang tao na nalantad siya sa ganitong mga uri ng karamdaman, o kapag nakaramdam ng mga sintomas ng mga ito.[2]
Lugar ng pagpapasuri
Isinasagawa ang pagsusuri ng isang pansariling doktor sa isang klinika o ospital, sa isang lokal na paggamutan, o sa isang kagawarang pangkalusugan.[2]
Mga gawi sa pagpapasuri
Karaniwang isinasagawa ang pagsusuri na hindi kinakailangan ang anumang katunayan ng pagkakakilanlan. May mga pasurian o paggamutan na sumisingil ng maliit na halaga lamang para sa pagpapatingin kung mayroong nakahahawang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, samantalang karaniwang wala namang bayad ang para sa pag-alam kung may HIV.[2]
Kapag nagkaroon ng sakit
Kung napag-alamang may sakit na nakuha sa pakikipagtalik, minamainam na ipagtapat at ipagbigay alam ito sa kapareha, para sa kapakanan ng bawat isa. At sapagkat hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga ganitong uri ng karamdaman, mahalaga ang agad na pagpapakunsulta sa isang manggagamot, kahit na may napupunang palatandaan o wala man. Mahalaga rin ang pagkukumpleto sa pagkunsumo ng gamot ayon sa pagbibilin ng doktor. Malalaman lang kung nagamot nga ang sakit makaraan ang panahong itinakda para sa pag-inom ng mga niresetang gamot. Kapag hindi maiiwasan ang pakikipagtalik, minumungkahi ang paggamit ng kondom. Ipinagagawa ang mga bagay na ito upang huwag mapabayaang lumubha ang karamdaman.[1]
Pangangalagang pangkalusugan
Katangian ng mga sakit
Nagagamot ang karamihan sa mga karamdamang nakukuha dahil sa pakikipagtalik. Subalit mayroong mga uri na hindi nabibigyan ng kalunasan, pero may mga karampatang gamot na nakapagpapagaan sa mga nararandamang sintomas. Napipigil ng mga gamot na ito ang paglala ng mga sakit na hindi nalulunasan.
Habang ginagamot
Mahigpit na pinagsasabihan ng mga maiinam na mga mungkahi ang mga nagpapagamot na may mga nakahahawang sakit na ito. Kabilang dito ang pag-iwas sa paggawa ng anumang uri ng pakikipagtalik habang ginagamot pa. Ipinagbibilin din ang pag-inom ng mga antibiyotik na naaayon sa pinagbilin ng manggagamot hanggang sa wakas ng panahon ng gamutan. Dagdag pa rito ang pag-inom sa lahat ng mga gamot na inireseta ng doktor. Inuulit ang pagsusuri tatlong linggo matapos na maubos ang lahat ng mga gamot, partikular na ang pagkakunsumo ng mga antibiyotik. Ibinibilin sa taong nagpapagamot na makipagtipan at makipagtiyap sa manggagamot kapag umabot na sa panahon at kalagayang ito. Iminumungkahi ang mga dahilang ito sapagkat may mga nakaabang na mga panganib o suliranin kung hindi magagamot ang isang taong may nakahahawang sakit, o kung hindi makumpleto ang paggagamot.[2] Dahil mahalaga, nagsasagawa din ng pagsusuring bahid isang ulit kada buwan, at maging ang pagsusuring Papanicolau isang ulit bawat ikaanim na buwan.[1]
Pagbabago sa kalusugan
Ibinibilin din sa nagpapagamot ang agad na pagbalik sa tanggapan ng duktor o ang pagpunta sa departamento ng emerhensiya kapag lumalala ang mga sintomas ng karamdaman, sa kabila ng pag-inom ng mga gamot. Partikular rin ang kung magkaroon ng lagnat na higit sa grado o degring 38 Centigrade (101 Fahrenheit). Nakahanda ang mga manggagamot at mga nars na tugunin ang mga katanungan at pag-aalala ng isang taong may karamdaman.[2]
Pangangasiwa at paggamot
Bagaman ang ilan sa mga STD ay masakit(painful) at kinabibilangan ng mga makikitang singaw at nilalabas na pluido(discharge), ang iba ay maaaring hindi mapansin sa ilang panahon habang ang mga ito ay hindi sinasadyang naipapasa sa iba. Gayundin, bagaman ang ilan sa mga STD ay magagamot, ang iba ay hindi.[15]
Magagamot
Kabilang sa mga STD na magagamot ang:
- Chlamydia: Ito ay epektibong magagamot ng mga antibiotiko kapag ito ay natukoy. Ang kasalukuyang mga antibiotiko para dito ang azithromycin, doxycycline, erythromycin, o ofloxacin. Ang mga antibiotiko namang nirerekomiyenda para sa mga buntis na babae ay kinabibilangan ng erythromycin o amoxicillin.
- Gonorrhea: Ang gonnorhea na hindi nagamot ay maaaring tumagal ng mga linggo hanggang buwan ng may mas mataas na panganib ng mga komplikasyon.[16] Mula 2010, ang itinuturok na ceftriaxone ay lumilitaw na isa sa ilang epektibong mga antibiotiko sa paggamot ng sakit na ito.[17] Ang marami sa mga antibiotiko na minsang epektibo kabilang ang penicillin, tetracycline at fluoroquinolones hindi na nirerekomiyenda dahil sa mataas na rate ng hindi pagtalab ng antibiotiko sa bacterium na Neisseria gonorrhoeae .[17] Mula 2011, may mga ulat ng ilang strain ng gonorrhea na nagpapakita na hindi ito tinatablan ng maraming ahenteng antibiotiko lalo na ng parehong cefixime at ceftriaxone.[18][19][20][21]
- Pelvic Inflammatory Disease: Ang mga antibiotikong ginagamit para magamot ito ay kinabibilangan ng cefoxitin o cefotetan na dinagdagan ng doxycycline, clindamycin na dinagdagan ng gentamicin, ampicillin at sulbactam na dinagdagan ng doxycycline, at ceftriaxone o cefoxitin na dinagdagan ng doxycycline.
- Syphilis: Ang unang pinagpipiliang gamot sa hindi komplikadong syphilis ay nananatiling isang dosis ng intramuskular na penicillin G o isang dosis ng iniinom na azithromycin. Ang doxycycline at tetracycline ang mga alternatibong mapagpipiliang gamot ngunit ang mga ito ay hindi maaring gamitin sa mga buntis na babae. Ang hindi pagtalab ng antibiotiko ng Treponema pallidum ay nabuo sa ilang mga ahente kabilang ang macrolides, clindamycin, at rifampin. Ang Ceftriaxone na ikatlong henerasyong antibiotikong cephalosporin ay maaaring epektibo tulad ng paggamot gamit ang pennicilin.
- Trichomoniasis: Ang paggamot sa parehong buntis at hindi buntis na mga pasyente ay karaniwang gumagamit ng metronidazole (Flagyl) na 2000 mg na isang beses na iinumin ngunit may pag-iingat lalo sa mga simulang yugto ng pagbubuntis sa mga babae[22]. Ang mga mag-katalik kahit pa walang sintomas ay dapat sabay na ginagamot nito.[23] Bagaman ang parehong mga lalake at babae ay madaling mahawaan ng impeksiyon, ipinagpapalagay na higit sa kalahati ng mga lalake na nahawaan nito ay natural na mailalabas ang parasitong ito sa loob ng 14 araw [24] samantalang sa mga babae, ito ay magpapatuloy na umiral malibang ito ay magamot.
- Kuto sa bulbol: Ang mga kutong ito ay maaaring magamot ng 1% permethrin na kremang panghugas at mga pyrethrin.
Hindi magagamot
Kabilang sa mga STD na hindi magagamot ang:
- HIV: Hindi magagamot ngunit maaaring makontrol ang replikasyon(pagdami) ng virus na HIV sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga drogang antiretroviral, tagapigil ng protease(protease inhibitors) at iba pa.
- Herpes simplex: Walang paraan para malipol ang virus Herpes simplex virus mula sa katawan ngunit ang mga gamot na antiviral ay maaaring magbawas ng kadalasan, tagal at tindi ng paglitaw nito. Kabilang sa mga antiviral upang gamutin ang herpes simplex ang aciclovir (acyclovir), valaciclovir (valacyclovir), famciclovir, at penciclovir. Ang analhesiko gaya ng ibuprofen at acetaminophen ay maaaring magbawas ng sakit at lagnat. Ang mga topikal(pang-balat) na anesthetiko gaya ng prilocaine, lidocaine, benzocaine o tetracaine ay maaaring makatulong upang maibsan ang pangangati at sakit.[25][26][27]
- Herpes genitalis(Genital herpes): Sa kasalukuyan ay walang gamot para sa herpes genitalis. Gayunpaman, mayroong ilang mga droga na maaaring magpaikli ng paglitaw at gawin itong mas hindi malubha na kinabibilangan ng acyclovir, valacyclovir and famciclovir
- Human Papillomavirus: Sa kasalukuyan ay walang spesipikong gamot para sa impeksiyong HPV.[28][29][30] Gayunpaman, ang impeksiyong ito ay karaniwang nawawala sa sarili nito.[31] Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, ang sistemang immuno ng katawan ay natural na nag-aalis ng HPV sa loob ng dalawang taon sa mga 90% ng mga kaso.[28] Gayunpaman, ang mga eksperto ay magkakaayon sa kung ang virus ay kompletong naalis o nababawsan sa mga lebel na hindi matukoy at mahirap malaman kung ito ay nakakahawa.[32]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.