From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pagtatalik na pampuki o Pagtatalik na ginagamit ang titi at puki, na tinatawag ding interkursong seksuwal, ay ang anyo ng pagbulog o pagkasta sa tao. Habang ang pangunahing likas na layunin nito at resulta ay ang reproduksiyon, kadalasang itong ginagawa sa kabuuan para sa kasiyahan at/o bilang isang pagpapadama ng pag-ibig at ng pagiging matalik at pagkakalapit ng kalooban ng mga nagmamahalan.[1][2] Kilala rin bilang coitus, sexual intercourse, o vaginal sexual intercourse sa Ingles, ito ang payak o basikong paraan ng reproduksiyon ng mga tao, at maaaring pabungaran ng paglalaro bago magtalik, na humahantong sa kaantigang seksuwal ng magkapareha, na nagreresulta sa pagkagalit ng titi at sa pangkaraniwan ng likas na pagdulas (likas na lubrikasyon) ng puki. Upang makalahok sa pagtatalik na pangtiti at pampuki, ang nakatayo at naninigas na titi ay ipinapasok sa loob ng puki at isa o kapwang gagalaw ang mga nagtatalik upang maipaindayog ang titi na pasulong at paurong habang nasa loob ng puki upang makapagdulot ng pagkuskos at paghagod, na karaniwang hindi tinatanggal ng lubusan ang titi. Sa ganitong paraan, naeestimula o napananabik ng magkatalik ang bawat isa, na kadalasan nagpapatuloy sa gawaing ito hanggang sa marating ang kasukdulan na isa sa kanila o kapwa nila makakamtan ang orgasmo. Para sa kababaihang tao, ang estimulasyon ng tinggil ay may isang mahalagang gampanin sa pagtatalik; karamihan sa mga babae (70-80%) ang nakararating lamang sa kasukdulan sa pamamagitan ng tuwirang estimulasyon ng tinggil, bagaman ang estimulasyong pangtinggil (halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatalik na pampuki) ay maaari ring hindi maging sapat (tingnan ang orgasmong pambabae).[3][4][5][6] Ang penetrasyon o pagpapasok sa pamamagitan ng matigas at nakatayong titi ay tinatawag ding intromisyon (intromission sa Ingles), o sa katawagan nito sa Latin na immissio penis (Latin para sa "pagpasok ng titi"). Sa oras ng ehakulasyon o pagpapalabas ng tamod ng titi, na kasangkot sa pagdating sa kasukdulan ng lalaki, isang magkakasunod na mga kontraksiyon ng masel o pagsaginsin ng kalamnan ang nagpapadal ng semen o tamod na naglalaman ng mga gameto (gamete) na tinatawag na mga sihay na esperma o espermatosoa mula sa titi papasok sa loob ng puki.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.