From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang yogur[a] o yogurt mula sa Turkong Otomano: یوغورت, romanisado: yoğurt,[b] binabaybay din sa Ingles bilang yoghurt, yogourt o yoghourt) ay isang pagkain gawa sa binurong gatas.[1] Ang bakterya dulot ng pagbuburo ng yogur ay kilala bilang mga kolonya ng yogur (o yogurt culture). Ang pagbuburo ng mga asukal sa mga gatas ng mga bakteryang ito ay nakakagawa ng asido laktiko, na umaakto sa protina ng gatas upang bigyan ang yogur ng kanyang kayarian at maasim na lasa.[1] Pinakakaraniwan ang gatas ng baka sa paggawa ng yogur. Ginagamit din ang mga gatas mula sa kalabaw, kambing, obeha, jegwa o babaeng kabayo, kamelyo, at yak para makagawa ng yogur. Maari ang gatas na ginamit na may homohenesasyon o wala. Maaring pasteurisado o sariwa. Nagdudulot ang bawat uri ng gatas ng iba't ibang resulta.
Ginagawa ang yogur gamit ang kolonya ng Lactobacillus delbrueckii subesp. bulgaricus at Streptococcus thermophilus na bakterya. Dinagdag din minsan ang mga lactobacillus at bifidobacteria habang o pagkatapos ng pagkolonya ng yogur. May ilang bansa ang nagbibigay panangangailangan sa yogur na naglalaman ng isang tiyak na halaga ng mga colony-forming unit (CFU, yunit ng pagbuo ng kolonya) ng bakterya; sa Tsina, halimbawa, ang pangangailangan para bilang ng bakteryang lactobacillus ay hindi bababa sa 1 milyong CFU bawat milimetro.[2]
Hinahalo ang kolonya ng bakterya, at pinapanatili ang isang mainit-init na temperatura na 30–45 °C (86–113 °F) sa loob ng 4 hanggang 12 oras upang pahintulutan ang pagburo na maganap, na mas mabilis sa mas mataas na temperatura subalit may panganib na bukol-bukol ang itsura o naghiwalay na lagnaw.[3][4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.