Lagnaw
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lagnaw ay ang bahaging likido, serum, o plasma ng gatas na hindi nakukulta sa paggawa ng keso.[1][2] Nagmumula ang pangalawang produktong ito mula sa paggawa ng keso (ang keso ang pangunahing produkto) o isang komponenteng humihiwalay mula sa gatas pagkaraan ng pagpapalapot at pamumuo, na nagaganap kapag dinagdagan ng reneto (kilala rin bilang renino, ang ensaym na pampabuo o pampakulta ng gatas sa paggawa ng keso) o iba pang nakakaing maasim na sustansiya.[2] Sa lagnaw nanggaling ang protinang kilala bilang protina ng lagnaw (whey protein sa Ingles) na karaniwang ipinagbibili bilang isang pangdagdag sa kinakain o suplementong pangnutrisyon, at natatanging bantog sa larangan ng paghuhubog ng katawan.

Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.