Ang pagkababae, peminidad, ugaling babae, o pagiging babae (Ingles: muliebrity, salitang hinango mula sa Latin na muliebris; womanhood, o femininity) ay isang pangkat ng mga katangian, mga kaasalan o pag-uugali, at mga gampanin na pangkalahatang may kaugnayan sa mga batang babae at kababaihang nasa wastong gulang na. Bagaman itinatag o nilikha ng lipunan, ang peminidad ay binubuo ng mga bagay-bagay na kapwa itinalaga ng lipunan at nilikha ng biyolohiya.[3][4][5][6] Dahil dito, naiiba ito mula sa payak na kahulugan ng pambiyolohiyang kasarian na pambabae,[7][8] bilang kababaihan, kalalakihan, at mga taong transhender na maaaring magpamalas ng mga katangiang peminino, katulad ng paglalarawang pagkabinabae (ng binabae) at kabaklaan (ng isang bakla). Kaya't ang pagkababae o pemininad ay isang neolohismo na kabaligtaran o kaya ay katambal ng pagkalalaki (birilidad) o kaya ng maskulinidad. Bukod sa pagbibigay ng kahulugan rito ng "pagiging babae" o "pagkababae", ito rin ay minsang nabibgyan ng kahulugan na may diwang "parang babae" (kung kumilos, sa kalinisan sa katawan, o manamit, bilang halimbawa). Minsan ding ginagamit ito bilang mapagtipong kataga para sa kababaihan.

Thumb
Ang dibuhong Pagsilang kay Benus na iginuhit ni Boticelli ay isang klasikong kinatawan ng peminidad.[1][2] Si Benus ay isang diyosa sa mitolohiyang Romano na pangunahing may kaugnayan sa pag-ibig, kagandahan, at pertilidad.

Ang mga katangiang may kaugnayan sa peminidad ay kinabibilangan ng isang kasamu't sarian ng mga bagay na panlipunan at pangkultura, at kadalasang nagbabagu-bago ayon sa lokasyon at konteksto.[9] Ang mga katangiang pangpag-uugali na itinuturing na peminino ay kinabibilangan ng kayumian, pagkabanayad, kalamyusan, empatiya (maunawain sa damdamin ng ibang tao), at sensitibidad (pagiging sensitibo).[10][11] Ang kabaligtaran ng peminidad ay ang maskulinidad.

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.