From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tubig ay isang walang lasa, walang amoy, at walang kulay na sustansiya sa kanyang dalisay na anyo, at mahalaga para sa lahat ng mga kilalang anyo ng buhay. Ito rin ng ang pinaka-unibersal na panunaw o solbent. Sagana ang daigdig sa tubig na matatagpuan sa lahat ng lugar at makikita sa iba't ibang anyo nito: ang yelo (buong anyo), singaw (water vapor), at likido (ang anyong dumadaloy). Matatagpuan ang karamihan ng tubig sa mga karagatan at mga suklob na yelong polar (ice cap), ngunit matatagpuan din ito kahit na sa mga alapaap, tubig ulan, at ilog. Sa katawan ng tao, may 7 libra ng tubig sa bawat 10 librang bigat ng katawan.[1] Ang World Water Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Marso 22. Ang World Water Monitoring Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Setyembre 18.
Ang tubig (chemical formula: H2O) ay isang malinaw na likido na bumubuo sa mga sapa, lawa, karagatan at ulan na makikita sa mundo at ito rin ang pinakamahalagang sangkap na likido na makikita sa mga organismo. Bilang isang chemical compound, ang molecule ng tubig ay may isang oxygen at dalawang hydrogen atom na pinagdikit sa pamamagitan ng mga covalent bond (ang Mono at Dual or Di). Ang tubig ay nasa anyong likido sa isang pamantayan na temperatura at presyon ngunit madalas itong nakikita sa mundo bilang yelo kung nasa solid na kalagayan at singaw (water vapor) kung nasa gaseous na kalagayan. Maaari rin itong maging niyebe, fog, hamog at ulap.
Pitumput-isang porsiyento (71%) ng mundo ay sakop ng tubig. Ito ay mahalaga sa lahat ng nabubuhay na organismo. Sa mundo, 96.5% ng tubig ay makikita sa mga karagatan at dagat, 1.7% ay makikita sa tubig-bukal, 1.7% ay mga gleysyer at malalaking yelo na makikita sa Antartica at Greenland, at 0.001% ay makikita sa mga singaw, ulap at ulan. Dalawa't kalahating porsiyento (2.5%) lamang ang tubig sa mundo ay tubig-tabang at 98.8% nito ay nasa mga yelo at tubig-bukal. Mas mababa sa 0.3% ng tubig-tabang ay ang makikita sa mga ilog, lawa at sa kapaligiran, at mas mababa pa nito ang makikita sa loob ng ating mga katawan at sa mga produkto.
Ang tubig sa mundo ay patuloy na dumadaloy sa pamamagitan ng water cycle na may mga prosesong ebaporasyon at transpirasyon (evapotranspiration), condensation, precipitation at runoff na madalas umaabot sa karagatan. Ang evaporation at transpiration ay umaabuloy sa precipitation na nasa lupa. Ang tubig na ginamit sa paglikha ng produkto o serbisyo ay kilala sa tawag na virtual water.
Ang pahina na ito ay isinalin mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Water
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.