Ang Prepektura ng Okayama ay isang prepektura sa bansang Hapon. Ito ay matatagpuan kasama ang Panloobang Dagat ng Seto (Seto Inland Sea) sa Rehiyong Chugoku. Ang Lungsod ng Okayama ang kabisera ng prepekturang ito. Sa may kanlurang bahagi ng lungsod matatagpuan ang Kurashiki, kung saan dinadayo ng mga turista ang lumang kanal nito.[1]

Agarang impormasyon Bansa, Kabisera ...
Prepektura ng Okayama
Thumb
Simbulo ng Prepektura ng Okayama
Thumb
Thumb
Mga koordinado: 34°39′42″N 133°56′05″E
BansaHapon
KabiseraLungsod ng Okayama
Pamahalaan
  GobernadorRyūta Ibaragi
Lawak
  Kabuuan7.113,21 km2 (2.74643 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak17th
  Ranggo21st
  Kapal273/km2 (710/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166JP-33
BulaklakAmygdalus persica
IbonPhasianus versicolor
Websaythttp://www.pref.okayama.lg.jp/
Isara

Kasaysayan

Bago ang Panunumbalik ng Panahong Meiji noong 1868, ang lugar ng kasalukuyang prepekturang Okayama ay hinati sa pagitan ng mga lalawigang Bitchū, Bizen at Mimasaka. Ang prepekturang Okayama ay nabuo at pinangalanan noong 1871 bilang bahagi ng malakihang administratibong mga reporma sa unang bahagi ng panahon ng Meiji (1868–1912), at ang mga hangganan ng prefecture ay itinakda noong 1876.[2][3]

Mga tanawin

Harding Korakuen ng Okayama

Thumb
Ang harding Korakuen ng Okayama

Ang harding ito ay itinayo mahigit tatlong daang taon nang nakakaraan ng isang daimyo. Isa itong simbolo ng kapangyarihang samurai sa lugar at isa sa mga magagandang hardin sa bansang Hapon kasama na ang Kenroku-en ng Lungsod ng Kanazawa at Kairakuen ng Lungsod ng Mito. Ang harding ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Okayama.[4]

Kastilyo ng Bicchu Matsuyama

Itinayo noong 1240, isa ito sa mga importanteng kultural na lugar sa bansang Hapon. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng isang bundok na may altitud na 430 metro, kung saan isa ito sa pinakamataas na kuta na may toreng kastilyo sa Hapon. Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Takahashi.[5]

Munisipalidad

Thumb
Ang Lungsod ng Okayama
Rehiyong Okayama
Kita-ku, Naka-ku, Higashi-ku, Minami-ku
Kibichūō
Rehiyong Kurashiki
Hayashima
Rehiyong Tōbi
Wake
Rehiyong Igasa
Satoshō
  • Distrito ng Oda
Yakage
Rehiyong Tsuyama
Kumenan
Misaki
  • Distrito ng Tomata
Kagamino
Rehiyong Takahashi
Rehiyong Maniwa
Shinjō
Rehiyong Shōei
Nishiawakura
  • Distrito ng Katsuta
Nagi, Shōō
Rehiyong Niimi

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.