Vilyuysk
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Vilyuysk (Ruso: Вилюйск, IPA [vʲɪˈlʲʉjsk]; Yakut: Бүлүү, Bülüü) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Vilyuysky sa Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa Ilog Vilyuy, ang kaliwang sangang-ilog (tributary) ng Ilog Lena, sa layong humigit-kumulang 600 kilometro (370 milya) mula sa Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon ng lungsod (ayon sa Senso 2010) ay 10,234 katao.[3]
Vilyuysk Вилюйск | |||
---|---|---|---|
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyon ng distrito[1] | |||
Transkripsyong Iba | |||
• Yakut | Бүлүү | ||
| |||
Mga koordinado: 63°45′N 121°38′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Republika ng Sakha[1] | ||
Distritong administratibo | Distrito ng Vilyuysky[1] | ||
Lungsod | Vilyuysk[1] | ||
Itinatag | 1634[2][1] | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 18 km2 (7 milya kuwadrado) | ||
Taas | 105 m (344 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 10,234 | ||
• Kapal | 570/km2 (1,500/milya kuwadrado) | ||
• Kabisera ng | Distrito ng Vilyuysky[1], Lungsod ng Vilyuysk[1] | ||
• Distritong munisipal | Vilyuysky Municipal District[4] | ||
• Urbanong kapookan | Vilyuysk Urban Settlement[4] | ||
• Kabisera ng | Vilyuysky Municipal District[5], Vilyuysk Urban Settlement[4] | ||
Sona ng oras | UTC+9 ([6]) | ||
(Mga) kodigong postal[7] | 678200, 678202, 678219, 678229 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 41132 | ||
OKTMO ID | 98618101001 | ||
Websayt | vilyuisk.ru |
Matatagpuan malapit sa lungsod ang Paliparan ng Vilyuysk.[8]
Ang unang pampalagiang pamayanan sa sityo ng kasalukuyang lungsod ay isang pantaglamig na pamayanan ng mga Cossack na itinatag noong 1634[2] bilang Tyukanskoye o Verkhnevilyuyskoye.
Ipinatapon sa lugar ang mga kasapi ng isang himagsikan ng mga magbubukid na pinangunahan ni Yemelyan Pugachev noong dekada-1770. Sila ang nagtayo ng bagong bayan ng Olensk noong 1783. Hinango ang pangalan mula sa salitang Ruso na "олень" (olen) na nagngangahulugang "stag", na makikita pa rin sa mga sagisag ng lungsod. Binago ito sa Vilyuysk noong 1821, mula sa ilog na kinatatayuan nito.
Ang Vilyuysk ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc) na pangkontinente nang husto. Napakaginaw ang mga taglamig na may katamtamang mga temperatura mula −39.3 hanggang −32.2 °C (−38.7 hanggang −26.0 °F) sa Enero, habang mainit ang mga tag-init na may katamtamang mga temperatura mula +12.7 hanggang +24.8 °C (54.9 hanggang 76.6 °F) sa Hulyo. Dahil ito ay nasa pinakamainit na rehiyong tag-init para sa isang hilagang latitud, wala itong katamtamang pandagat (maritime moderation). Mababa ang pag-ulan, ngunit mas-madami sa tag-init kaysa sa ibang mga panahon ng taon.
Datos ng klima para sa Vilyuysk | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | −0.4 (31.3) |
−2.0 (28.4) |
10.1 (50.2) |
18.6 (65.5) |
30.3 (86.5) |
36.1 (97) |
37.4 (99.3) |
36.0 (96.8) |
27.7 (81.9) |
18.0 (64.4) |
3.3 (37.9) |
−2.1 (28.2) |
37.4 (99.3) |
Katamtamang taas °S (°P) | −32.2 (−26) |
−25.4 (−13.7) |
−11.7 (10.9) |
0.8 (33.4) |
11.4 (52.5) |
21.5 (70.7) |
24.8 (76.6) |
20.4 (68.7) |
10.3 (50.5) |
−3.8 (25.2) |
−22.0 (−7.6) |
−31.0 (−23.8) |
−3.08 (26.45) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −35.8 (−32.4) |
−30.4 (−22.7) |
−18.9 (−2) |
−5.6 (21.9) |
5.8 (42.4) |
15.4 (59.7) |
18.7 (65.7) |
14.4 (57.9) |
5.5 (41.9) |
−7.5 (18.5) |
−25.8 (−14.4) |
−34.5 (−30.1) |
−8.22 (17.2) |
Katamtamang baba °S (°P) | −39.3 (−38.7) |
−35.0 (−31) |
−25.7 (−14.3) |
−12.4 (9.7) |
0.0 (32) |
9.2 (48.6) |
12.7 (54.9) |
8.6 (47.5) |
1.2 (34.2) |
−11.2 (11.8) |
−29.5 (−21.1) |
−38.0 (−36.4) |
−13.28 (8.1) |
Sukdulang baba °S (°P) | −60.9 (−77.6) |
−58.0 (−72.4) |
−50.0 (−58) |
−40.2 (−40.4) |
−23.0 (−9.4) |
−5.3 (22.5) |
0.0 (32) |
−6.3 (20.7) |
−15.4 (4.3) |
−39.8 (−39.6) |
−52.7 (−62.9) |
−57.9 (−72.2) |
−60.9 (−77.6) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 11 (0.43) |
9 (0.35) |
9 (0.35) |
12 (0.47) |
23 (0.91) |
39 (1.54) |
50 (1.97) |
39 (1.54) |
35 (1.38) |
25 (0.98) |
20 (0.79) |
13 (0.51) |
285 (11.22) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 0 | 0 | 0.1 | 4 | 11 | 14 | 13 | 13 | 15 | 5 | 0.1 | 0 | 75.2 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 21 | 18 | 15 | 8 | 3 | 0 | 0 | 0 | 2 | 20 | 21 | 20 | 128 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 74 | 75 | 68 | 58 | 54 | 55 | 60 | 66 | 71 | 77 | 77 | 75 | 67.5 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 16 | 95 | 204 | 267 | 290 | 317 | 342 | 252 | 153 | 83 | 44 | 5 | 2,068 |
Sanggunian #1: pogoda.ru.net[12] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun only, 1961-1990)[13] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.