Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Universal Records Philippines Inc. ay isang kompanyang pangmusika sa Pilipinas na itinatag noong 1977 bilang bahagi ng Warner Music Group.[1] Simula noong 1992, ito ay nagsarili. Ang label ay kasalukuyang miyembro ng Philippine Association of the Record Industry.[2]
Universal Records (Pilipinas) | |
---|---|
Itinatag | 1977 (bilang WEA Records Philippines) |
Tagapagtatag | Warner Music Group Bella Dy Tan |
Estado | Active |
Tagapamahagai | sariling-tagapamahagi |
Genre | iba-iba |
Bansang Pinanggalingan | Pilipinas |
Lokasyon | 9/F, Universal Tower, 1487 Quezon Avenue, West Triangle, Quezon City, Metro Manila, Philippines |
Opisyal na Sityo | universalrecords.com.ph |
Ang URPI ay itinatag noong 1977 bilang WEA Records Philippines. Nagkaroon ang kompanya ng 15 taong pakikipagsamahan sa WMG, ngunit nagpasya pa rin ang WMG na ilagay ang sarili nitong tanggapan, ang prekursor ngayon ay ang Warner Music Philippines.
Noong 1992, pinagtibay ng kumpanya ang isang bagong pangalan, Universal Records Philippines Inc., at mula noon ay tumaas ito bilang isa sa pinakamahusay at pinakamalaking record label sa Pilipinas.
Opisyal na ipinamahagi ng Universal Records ang mga K-pop album mula Setyembre 2009, na susundan ng ilang J-pop album na inihayag noong huling bahagi ng Mayo 2011.
Sa kasalukuyan, ito ang nangungunang independent recording company sa bansa, na tahanan ng pinakamabentang OPM artists.
Noong 2018, inilunsad ng kumpanya ang Mustard Music, isang sublabel na nakatuon sa paglago ng mga homegrown indie acts.
Simula noong 2011 :
Hindi magagamit ng Universal Music Group ang pangalang "Universal" sa Pilipinas sa kadahilanang mayroong karapatan ang URPI sa nasabing pangalang pangkalakalan. At dahil dito, kasalukuyang nasa negosyo ang UMG sa Pilipinas bilang MCA Music, Inc. - ang lumang pangdaigdigang pangalan ng UMG.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.