Tulo ng utong
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tulo ng utong o katas ng utong (Ingles: nipple discharge) ay ang pluwidong lumalabas o kumakatas magmula sa mga utong ng mga suso. Bagaman itinuturing itong normal sa isang malawak na samu't saring mga kalagayan, itong ang ikatlong pangunahing dahilan na kinasasangkutan ng mga suso kung kailan nagpapatingin sa mga manggagamot ang mga babae, pagkaraang ng bukol o umbok sa suso at pananakit ng suso. Nalalaman din na nagaganap ito sa mga adolesenteng mga batang lalaki at mga batang babae sa panahon ng pubertad. Matatawag ding diskarga ng suso, ang lumalabas ng pluwido ay kadalasang resulta ng estimulasyon ng mga suso o dahil sa iritasyon na sanhi ng damit.
Tulo ng utong | |
---|---|
![]() | |
Gatas na lumalabas sa utong | |
Espesyalidad | Gynecology |
Uri | Physiologic, pathologic[1] |
Pagsusuri | Normal: Late pregnancy, after childbirth, newborns[2][3] Abnormal: Intraductal papilloma, duct ectasia, blocked milk duct, infected breast, breast cancer, high prolactin[1][4][3] |
Paggamot | Depends on the cause[2] |
Dalas | Common[2] |
Mga uri ng tulo ng utong
Marami at iba't iba ang mga uri ng tulo ng utong. Ilan sa mga uri at mga kaugnayan nito ang mga sumusunod:
- maulap o malabong puting kulay - pinaka karaniwan, maaaring ito ay galaktoreya
- malinaw o mahina ang kaputian - pagdadalangtao
- pula - naglalaman ng dugo - pinaka madalas na dahil sa impeksiyon ng suso o mga papilomang intraduktal, subalit maaaring kanser sa suso
- putiang dilaw, dilaw, o lunti - nana dahil sa impeksiyon
Sanggunian
Tingnan din
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.