From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tukmol[1] (Ingles: turtle dove na may literal na kahulugang "kalapating pagong"; pangalang pang-agham: Streptopelia tranquebarica[2]) ay isang kasapi sa pamilya ng mga ibong (Aves) Columbidae, kung saan kabilang ang mga kalapati (Columbidae). Mas maliit at mas bahagya ang laki ng pangangatawan kung ihahambing sa iba pang mga kalapati, maaaring makilala ang tukmol dahil sa kaniyang mas kayumangging kulay, at sa itim at puting guhitang bakat sa leeg nito, ngunit nahahagip ng pananaw ng mata ang ang buntot kung lilipad ito mula sa tagapagmasid; kahugis ang bunto ng isang kalang o kalso na may maitim na gitna at puting mga gilid at mga dulo; tila madilim na titik V ang hugis nitong nasa kalatagang maputi. Mapapansin ito kapag yumuyukod ang ibon para uminom, sapagkat itinataas ng ibon ang kaniyang nakabukang buntot. Nalalaman ding mabalasik na mapagangkin ng nasasakupang pook ang isang tukmol.
Tukmol | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Columbiformes |
Pamilya: | Columbidae |
Sari: | Streptopelia |
Espesye: | S. tranquebarica |
Pangalang binomial | |
Streptopelia tranquebarica | |
Ginagamit kadalasan ang salitang tukmol bilang salitang balbal na nangangahulugang pangit o nakakainis na tao.[3][4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.