Taizhou, Jiangsu

From Wikipedia, the free encyclopedia

Taizhou, Jiangsumap
Remove ads

Ang Taizhou ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu sa silangang Tsina. Ito ay nasa hilagang pampang ng Ilog Yangtze, at hinahangganan ng Nantong sa kanluran, Yancheng sa hilaga at Yangzhou sa kanluran.

Agarang impormasyon Taizhou泰州市 Taichow, Bansa ...
Remove ads
Agarang impormasyon

Ayon sa senso 2010, may populasyon itong 4,618,937 katao, 1,607,108 sa kanila ay nasa built-up area (o kalakhang pook) na binubuo ng tatlong mga distritong urbano: Hailing, Jiangyan, at Gaogang.[2] Dalawang antas-kondado na mga lungsod ay may higit sa isang milyong katao – Xinghua na may 1,253,548 katao at Taixing na may 1,073,921 katao – kapuwang kabilang sa pinakamahalagang antas-kondado na mga lungsod sa Tsina. Itinuturing ni Hu Jintao na dating Kalihim Heneral ng Partido Komunista ng Tsina ang Taizhou bilang kaniyang sariling bayan, gayon din si Mei Lanfang na isa sa mga bantog na artista ng Peking opera sa makabagong kasaysayan ng Tsina.

Remove ads

Kasaysayan

Ayon sa paniniwala, nakilala ang Taizhou bilang "Hǎiyáng" (海陽) noong panahon ng Tagsibol at Taglagas.[3]

Bilang bahagi ng Linhuai Commandery, itinatag ang Kondado ng Hailing sa kasalukuyang Taizhou, noong panahon ng Kanluraning Han. Ipinapahiwatig ng pangalan nito "Hǎilíng" (海陵) na isa itong mataas na lugar sa baybaying dagat. Hiniwalay ang Hailing at mga kalapit na pook nito mula Yangzhou upang makatatag ng isang prepektura, Tai zhou, noong 937 PK nang namuno sa lugar si Li Bian ng Katimugang Tang. Noong 939 PK, ikinulong ni Li ang naulilang pamilyang Yang sa Palasyo ng Yongning, Taizhou, kasunod ng pagkamatay ni Yang Pu.

Ini-angat sa "lu" (circuit o isang uri ng distrito) ang katayuan ng Taizhou noong 1277, ngunit ibinalik at isinanib sa Yangzhou pitong taon pagkaraan nito.

Sa pasimula ng panahong Republikano sa Tsina, ginawang kondado ng Tai ang Tai zhou, at kinuha ito ng Partido Komunista ng Tsina noong Enero 21, 1949. Hiniwalay ang kabayanan ng kondado na naging lungsod ng Taizhou, na luklukan ng Komisyong Administratibo ng Hilagang Jiangsu hanggang Nobyembre. Itinatag ang Hukbong Pandagat ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (PLA Navy) sa Baimamiao, kondado ng Tai noong Abril 23, 1949.[4] Isinanib ang kondado at lungsod upang maging bagong kondado ng Tai noong Mayo 1950, ngunit ibinalik noong Oktubre. Muling sinanib ang dalawa noong 1958, subalit hiniwalay muli noong 1962.

Remove ads

Mga paghahating pampangasiwaan

Pinamamahala ng antas-prepektura na lungsod ng Taizhou ang anim na mga mga dibisyong antas-kondado, kasama ang dalawang mga distrito at apat na antas-kondado na mga lungsod.

Nahahati pa ang mga ito sa 105 mga dibisyong antas-township, kasama ang 91 mga bayan, walong mga township at anim na mga subdistrito.

Karagdagang impormasyon Map, Subdibisyon ...
Remove ads

Mga ugnayang pandaigdig

Mga kambal at kapatid na lungsod

Magkakambal ang Taizhou sa:

Mga sanggunian

Loading content...
Loading content...
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads