Susuman
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Susuman (Ruso: Сусума́н) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Susumansky sa Magadan Oblast, dulong-silangang bahagi ng Rusya. Matatagpuan ito sa Ilog Berelyokh, 650 kilometro (400 milya) hilagang-kanluran ng Magadan, ang sentrong pampangasiwaan ng oblast. Populasyon: 5,855 (Senso 2010);[2] 7,833 (Senso 2002);[7] 16,818 (Senso 1989).[8]
Susuman Сусуман | |||
---|---|---|---|
Tanawin ng kabayanan ng Susuman | |||
| |||
Mga koordinado: 62°47′N 148°10′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Magadan Oblast[1] | ||
Distritong administratibo | Susumansky District[1] | ||
Itinatag | 1936 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1964 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 28 km2 (11 milya kuwadrado) | ||
Taas | 650 m (2,130 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 5,855 | ||
• Kapal | 210/km2 (540/milya kuwadrado) | ||
• Kabisera ng | Susumansky District[1] | ||
• Distritong munisipal | Susumansky Municipal District[3] | ||
• Urbanong kapookan | Susuman Urban Settlement[3] | ||
• Kabisera ng | Susumansky Municipal District[4], Susuman Urban Settlement[3] | ||
Sona ng oras | UTC+11 ([5]) | ||
(Mga) kodigong postal[6] | 686314 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 41345 | ||
OKTMO ID | 44713000001 | ||
Websayt | magadan.ru/ru/municipal/rnsusuman/susuman.html |
Itinatag ang Susuman noong 1936 bilang isang pamayanan ng isang sovkhoz na tinawag na Susuman, na mula sa kalapit na ilog na may kaparehong pangalan.[kailangan ng sanggunian] Noong 1938, higit na pinalawak ang pamayanan upang maging sentro ng pagmimina ng ginto sa kanlurang bahagi ng kasalukuyang Magadan Oblast sa ilalim ng pamamahala ng Dalstroy. Malakihang nakadepende ang mga gawaing industriyal sa rehiyon (tulad ng pagmimina ng ginto) sa mga corrective labor camp ng sistemang Gulag, kasama ang isang malaking bilang na nagpapatakbo sa lugar ng Susuman. Mula 1949 hanggang 1956, ang Susuman ay base para sa isa sa mga pinakamalaking corrective labor camp ng Unyong Sobyet, ang Zaplag ng programang Dalstroy. Sa panahong ito, umaabot sa 16,500 bilanggo ang itinago sa mga kampo.
Binigyan ng pambayan na katayuan ang Susuman noong 1964.[kailangan ng sanggunian]
Sa panahong kasunod ng Unyong Sobyet, bumaba ang populasyon ng lungsod mula sa mga 18,000 katao noong 1991, pababa sa 5,855 katao magmula noong senso 2010.
Matatagpuan ang lungsod sa rehiyong Kolyma malapit sa tagpuan ng Ilog Susuman at Ilog Berelyokh. Nakapuwesto ang lungsod sa M56 Kolyma Highway, isang hindi-nakaaspalto na daan na kadalasang kilala bilang "Daan ng mga Buto" ("Road of the Bones"), na nag-uugnay ng Yakutsk sa Magadan.
Malakihang nakadepende ang ekonomiya ng lungsod sa katayuan nito bilang isa sa mga sentro ng pagmimina ng ginto sa rehiyon.
Dating pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Susuman na ginawa ngayong monasteryo at simbahang Russian Orthodox.
Ang Susuman ay may matinding tuyong-taglamig na klimang subartiko (Koppen climate classification Dwd/Dwc), na may lubhang maginaw at tuyong taglamig at maigsi ngunit banayad na tag-init. Isa ito sa mga pinakamalamig na tinitirhang pamayanan sa mundo, na may taun-taon na tamtamang temperatura na −12.5 °C (9.5 °F)
Datos ng klima para sa Susuman (1937-2012) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | −5.2 (22.6) |
−5.2 (22.6) |
0.2 (32.4) |
12.1 (53.8) |
26.1 (79) |
32.0 (89.6) |
35.0 (95) |
33.0 (91.4) |
24.4 (75.9) |
11.3 (52.3) |
2.1 (35.8) |
−1.6 (29.1) |
35 (95) |
Katamtamang taas °S (°P) | −33.7 (−28.7) |
−28.2 (−18.8) |
−17.6 (0.3) |
−4.9 (23.2) |
8.0 (46.4) |
18.6 (65.5) |
21.2 (70.2) |
17.7 (63.9) |
8.7 (47.7) |
−8 (18) |
−25.2 (−13.4) |
−33.6 (−28.5) |
−6.4 (20.5) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −37.9 (−36.2) |
−33.6 (−28.5) |
−25.4 (−13.7) |
−12.7 (9.1) |
1.9 (35.4) |
11.2 (52.2) |
13.9 (57) |
10.6 (51.1) |
2.8 (37) |
−13.6 (7.5) |
−29.7 (−21.5) |
−37.5 (−35.5) |
−12.5 (9.49) |
Katamtamang baba °S (°P) | −42.1 (−43.8) |
−39 (−38) |
−33.1 (−27.6) |
−20.5 (−4.9) |
−4.3 (24.3) |
3.8 (38.8) |
6.5 (43.7) |
3.4 (38.1) |
−3.2 (26.2) |
−19.2 (−2.6) |
−34.2 (−29.6) |
−41.4 (−42.5) |
−18.6 (−1.5) |
Sukdulang baba °S (°P) | −60.6 (−77.1) |
−59.9 (−75.8) |
−53.7 (−64.7) |
−44 (−47) |
−27.5 (−17.5) |
−8.8 (16.2) |
−4.1 (24.6) |
−11.1 (12) |
−24.3 (−11.7) |
−44.7 (−48.5) |
−53.8 (−64.8) |
−58.5 (−73.3) |
−60.6 (−77.1) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 9.0 (0.354) |
7.2 (0.283) |
4.3 (0.169) |
5.8 (0.228) |
13.7 (0.539) |
44.6 (1.756) |
58.3 (2.295) |
58.5 (2.303) |
30.6 (1.205) |
16.5 (0.65) |
11.6 (0.457) |
10.7 (0.421) |
270.8 (10.66) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 13.9 | 11.8 | 8.1 | 6.1 | 7.4 | 12.7 | 13.7 | 13.2 | 10.2 | 11.6 | 13.5 | 13.1 | 135.3 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 20 | 89 | 213 | 283 | 273 | 291 | 274 | 223 | 152 | 132 | 53 | 10 | 2,013 |
Sanggunian: climatebase.ru (1937-2012)[11] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.