gulay na kulay lila From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang talong ay isang espesye sa pamilyang Solanaceae. Itinatanim ang solanum melongena sa buong mundo para sa nakakaing prutas nito.
Talong | |
---|---|
Ang mga namumungang prutas sa halaman | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Solanales |
Pamilya: | Solanaceae |
Sari: | Solanum |
Espesye: | S. melongena |
Pangalang binomial | |
Solanum melongena | |
Kadalasang kulay lila, sinasangkap ang malaespongha, nakakasipsip na prutas sa ilang mga lutuin. Karaniwang ginagamit bilang gulay sa pagluluto, isa itong beri ayon sa botanika. Bilang miyembro ng genus Solanum, kabilang sa mga kamag-anak nito ang kamatis, sili, at patatas, ngunit galing sa Bagong Mundo ang mga iyon habang galing sa Lumang Mundo ang talong. Tulad ng kamatis, maaaring kainin ang balat at binhi nito, ngunit, kagaya ng patatas, kadalasan itong niluluto bago kainin. Mababa ang makrosustansiya at mikrosustansiya ng talong, ngunit ginagamit ito sa kulinarya dahil nakakasipsip ang prutas ng mga mantika at lasa habang niluluto.
Unang dinomestika ito mula sa S. incanum,[1][2][3] marahil nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagdodomestika: isa sa Timog Asya, at isa sa Silangang Asya.[4] Noong 2021, 59 milyong tonelada ang produksiyon ng talong sa mundo, at nanggaling sa Tsina at Indiya ang 86% ng kabuuan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.