From Wikipedia, the free encyclopedia
Sili (Ingles: chili pepper, chilli pepper, chile pepper) ang tawag sa bunga[1] ng halaman mula sa saring (genus) Capsicum, kabilang sa pamilya ng mga halamang nightshade (Solanaceae). Sa mga bansang Gran Britanya, Australia, New Zealand, India,[2] Malaysia at sa iba pang mga bansa sa Asya ang tawag dito ay chilli (sili) lang at walang "pepper".
Ang siling maanghang ay nagmula sa kontinente ng Amerika. Pagkatapos ng palitang Kolumbiyano o malawakang pagpapalitan noong 1492, kumalat na ang maraming uri ng sili sa buong mundo, nililinang at ginagamit kapwa sa pagkain at medisina.
Sa ngayon, ang India ang may pinakamaraming naaani, nagagamit at niluluwas (export) na chili pepper sa buong mundo.[3] Ang estado ng Andhra Pradesh ang nag-aambag ng 75% ng lahat ng siling niluluwas mula sa India,[4] at sa lungsod naman ng Guntur sa nabanggit na estado nagmumula ang 30% ng naaaning mga sili.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.