From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sirko Maximo o Circus Maximus (Latin para sa pinakadakila o pinakamalaking sirko; Italyano: Circo Massimo) ay isang sinaunang Romanong estadyong pangkarera ng karo at malawakang pinagdadausan ng libangan sa Roma, Italya. Sa agwat sa pagitan ng mga burol ng Aventino at Palatino, ito ang una at pinakamalaking estadyo sa sinaunang Roma at sa kalaunan ng Imperyo. Ito ay may habang 621 metro (2,037 tal) at may lapad na 118 metro (387 tal) at kayang magpapasok ng higit sa 150,000 mga manonood.[2] Sa ganap nitong porma, naging modelo ito para sa mga sirko sa buong Imperyong Romano. Ang pook ay isa nang pampublikong parke.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.