Sinuiju
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sinŭiju ((Pagbabaybay sa Koreano: [ɕi.nɰi.dzu]); Sinŭiju-si) ay isang lungsod sa Hilagang Korea na nakatapat sa Dandong, Tsina sa kabilang panig ng pandaigdigang hangganan ng Ilog Yalu. Ito ay kabisera ng lalawigan ng Hilagang P'yŏngan. Bahagi ng lungsod ay nakasama sa Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Sinŭiju, na itinatag noong 2002 upang magsubok sa pagpapakilala sa pampamilihang ekonomiya.
Sinŭiju 신의주시 | |
---|---|
Transkripsyong | |
• Chosŏn'gŭl | 신의주시 |
• Hancha | 新義州市 |
• Revised Romanization | Sinuiju-si |
• McCune-Reischauer | Sinŭiju-si |
Isang malaking liwasan sa sentro ng Sinŭiju noong Agosto 2012, kasama ang isang bantayog ni Kim Il-sung. | |
Bansag: The emblem Magnolia. | |
Mapa ng lalawigan ng Hilagang P'yŏngan na nagpapakita ng kinaroroonan ng Sinŭiju | |
Mga koordinado: 40°06′N 124°24′E | |
Bansa | Hilagang Korea |
Lalawigan | Hilagang P'yŏngan |
Administrative divisions | 49 tong (mga 'mneighborhood), 9 ri (mga nayon) |
Lawak | |
• Kabuuan | 180 km2 (70 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008)[1] | |
• Kabuuan | 359,341 |
• Wikain | P'yŏngan |
Pinaunlad bilang pangunahing pamayanan noong pamumuno ng Hapon sa Korea sa dulo ng isang tulay ng daambakal sa kabilang panig ng Ilog Yalu (Amrok), matatagpuan ito 7 milya kanluran ng kondado ng Ŭiju, ang lumang lungsod kung saang nagmula ang pangalang Sinŭiju (na nangangahulugang “Bagong Ŭiju”). Bilang isang bukas na pantalan, lumago ito lalo na sa konersiyo kalakip ng industriyang pagtotroso na gumagamit ng Ilog Yalu upang dalhin ang troso. Dagdag diyan, pinausbong ang industriyang kimikal pagkaraang itinayo ang Hidroelektrikong Saplad ng Sup'ung sa dakong itaas sa ilog.
Noong Digmaang Koreano, pansamantalang nilipat ni Kim Il-sung at ng kanyang pamahalaan ang kabisera sa Sinŭiju, kasunod ng kanilang paglisan ng P'yŏngyang[2][3] - bagaman paglapit ng mga puwersang UNC (United Nations Coalition), lumipat ang pamahalaan sa Kanggye.[3] Dinanas din ng lungsod ang mabigat na pagkasira mula sa pambobomba mula himpapawid bilang bahagi ng estratehikong pagbobomba ng Hilagang Korea ng Hukbong trategic bombing of North Korea ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos. Itinayo muli ang lungsod magmula wakas ng digmaan.
Hinahangganan ang Sinŭiju ng Ilog Yalu, at ng mga kondado ng P'ihyŏn at Ryongch'ŏn. Ang taas ng lungsod ay 4 talampakan, o mga isang metro, sa ibabaw ng lebel ng dagat. May ilang mga pulo sa bunganga ng Ilog Yalu - Pulo ng Wihwa-do, Pulo ng Imdo, Pulo ng Ryuch'o-do, at Pulo ng Silangang Ryuchodo (Tongryuch'o-do).
Bilang isang sentro ng magaang industriya sa Hilagang Korea, ang Sinŭiju ay may plantang gumagawa ng naka-enamel na kagamitang bakal. Gayundin, mayroon itong pagawaan ng tela, gilingan ng papel at isang pabrika ng afforestation. Ang timog-kanlurang daungan nito ay may pagawaan ng mga barko, bagaman ang pangunahing gawain ng pagawaang ito ay ang wari bagang paglalansag ng mga barko para sa kapirasong metal at ibang mga maaari pang gamitin na materyales sa halip ng paggawa ng mga bagong barko. Ang lugar ay may mga planta ng pagreresiklo na ulitang ginagamit ang maraming mga materyales, kabilang ang mga produktong hindi pinapahintulot ang muling paggamit sa Tsina.[4][5][6] Matatagpuan ang Sinŭiju Cosmetics Factory sa Namsinŭiju (Timog Sinŭiju).
Isang malaking bahagi ng pandaigdigang kalakalan ng Hilagang Korea, kapuwa ligal at iligal, ay dumadaan sa Sinŭiju at Dandong, sa kabila ng Ilog Yalu sa Tsina.[7]
Mula noong 2002, nakasentro ang buhay-komersiyo sa Pamilihan ng Chaeha-dong.[8] Batay sa imaheng buntabay na kinuha noong ika-30 ng Oktubre 2012, nawasak na ang pamilihan at kasalukuyang ginagawa na isang bagong liwasan.[8]
Ang Sinŭiju ay may populasyon na 359,341 noong 2008,[1] isang pagdagdag mula sa tinatayang populasyon nito na 352,000 noong 2006.
Ilan sa mga kilalang pook-palatandaan at pasilidad sa Sinŭiju ay ang Sinŭiju High School, Sinŭiju Commercial High School, Eastern Middle School, Sinŭiju Light Industry University, Sinŭiju University of Medicine at ang Sinuiju University of Education. Kabilang sa mga matanwing lugar ang Tonggun Pavilion, Waterfall, at Hot Springs.
Mayroon din isang ruweda na nakatanaw sa Ilog Yalu na iniulat na sira.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.