From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Antigedades ng mga Hudyo o Sinaunang Panahon ng mga Hudyo (Ingles:Antiquities of the Jews; Latin: Antiquitates Iudaicae; Griyego: Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία, Ioudaikē archaiologia) ay isang 20 bolyum na akdang historyograpikal na isinulat sa Sinaunang Griyego ng mananalaysay na si Flavio Josefo noong ika-13 taon ng pamumuno ng emperador ng Imperyong Romano na si Flavio Domiciano noong mga 93 o 94 CE.[1] Sinasalaysay nito ang kasaysayan ng mga Hudyo para sa mga patron na hentil ni Josefo. Sa unang sampung bolyum, sinalaysay ni Josefo ang mga pangyayari sa Bibliyang Hebreo mula sa paglikha kina Adan at Eba. Sinasalaysay ng ikalawang bolyum ang kasaysayan ng mga Hudyo hanggang sa Unang Digmaang Hudyo-Romano noong mga 66-73 CE. Nagbibigay ang akdang ito ni Josefo kasama ang isa pang pangunahing akda, ang Digmaang Hudyo (De Bello Iudaico), ng mahalagang materyal para sa mga dalubhasa sa kasaysayan na nais maunawaan ang Hudaismo noong unang siglo CE at panahon ng sinaunang Kristiyanismo.[2]
May-akda | Flavio Josefo |
---|---|
Orihinal na pamagat | Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία |
Tagapagsalin | Thomas Lodge William Whiston Henry St. John Thackeray Ralph Marcus |
Bansa | Imperyong Romano |
Wika | Griyegong Koine |
Paksa | Kasaysayan ng mga Hudyo |
Dyanra | historyograpiya |
Nilathala | 93 o 94 CE |
Nilathala sa Ingles | 1602 |
Uri ng midya | manuskrito |
Dewey Decimal | 296.093 |
Klasipikasyon ng Aklatan ng Kongreso | DS116.J7418 |
Orihinal na teksto | Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία at Griyego Wikisource |
Salin | Antigedades ng mga Hudyo Sinaunang Panahon ng mga Hudyo at Wikisource |
Isang mahalagang mapagkukunan ang Sinaunang Panahon ng mga Hudyo para sa kasaysayan ng panahong intertestamentaryo at ang digmaan ng mga Hudyo laban sa Roma. Mahahati ito sa 20 bolyum:
Bolyum | Mula | Hanggang | Sakop na mga taon |
---|---|---|---|
I | Ang Paglikha ayon sa Bibliya | Kamatayan ng anak ni Abraham na si Isaac | 3,833 |
II | Kasaysayan ng mga anak ni Isaac | Exodo ng mga Hudyo mula sa Ehipto | 250 |
III | Exodo mula sa Ehipto | Unang 2 taon ng 40 taon sa ilang | 2 |
IV | Ang natitirang 38 taon sa ilang | Kamatayan ni Moises sa padating sa Canaan | 38 |
V | Pagpalit ni Josue kay Moises bilang pinuno | Kamatayan ng paring si Eli | 476 |
VI | Pagkuha ng Kaban ng mga Filisteo | Kamatayan ni Haring Saul | 32 |
VII | Pag-akyat ni David sa trono ng Kaharian ng Israel | Kamatayan ni David | 40 |
VIII | Pag-akyat ni Solomon bilang Hari ng Israel | Kamatayan ni Haring Ahab sa pakikipaglaban sa hukbong Siria, at ang pagligtas ng hukbo ni Josapat | 163 |
IX | Paghahari ni Haring Josapat | Pagbasak ng Samaria | 157 |
X | Pagkabihag ng Babilonia ng mga Hudyo | Si Daniel at pagwasak ng Imperyong Neo-Asiryo | 182 |
XI | Simula ng Imperyong Persa ni Dakilang Ciro | Kamatayan ni Alejandrong Dakila | 253 |
XII | Kamatayan ni Alejandrong Dakila | Himagsikang Macabeo at ang kamatayan ni Judas Macabeo | 170 |
XIII | Mga pinagmulan ng dinastiyang Asmoneo | Kamatayan ni Reyna Alejandra | 82 |
XIV | Kamatayan ni Reyna Alejandra | Kamatayan ni Antigono Matatias | 32 |
XV | Pagkuha ni Herodes ang Dakila ng Jerusalem | Pagkumpleto ng templo ni Haring Herodes sa Jerusalem | 18 |
XVI | Pagkumpleto ng templo ni Haring Herodes | Kamatayan ng mga anak na lalaki ni Herodes | 12 |
XVII | Kamatayan ng mga anak na lalaki ni Herodes | Pagpapatapon kay Haring Arkeleo | 14 |
XVIII | Pagpapatapon kay Haring Arkeleo | Pagpapatapon ng mga Hudyo na nakatira sa Babilonia | 32 |
XIX | Pagpapatapon ng mga Hudyo na nakatira sa Babilonia | Mga Fado, ang mga Romanong prokurador ng Judea | 3 |
XX | Panahon ni Emperador Claudio | Prokurador ng Judea Floro, na inaaway ang mga Hudyo na nagdulot ng Digmaang Hudyo | 22 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.