Si Simon na tinawag na Zelote at isinalin sa ilang Bibliyang Tagalog na Simon na Makabayan[1] (Simon the Zealot sa Ingles).[2] ay isa sa mga unang labindalawang alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Simon na Cananeo[3] Tinawag siya ni San Lucas bilang Simon ang Mapagmalasakit.[3] Nangangahulugan ang salitang Cananeo (Cananaean sa Ingles) ng mapagmasakit, mapagmalasakit, masikap, masigasig, mabalasik, o "panatiko," isang "taong nagpapakita ng marubdob na pananalig o paglilingkod."[4][5][6] Ilang sudoepigrapikong sulat ang nakakonekta sa kanya, subalit hindi siya sinama ni Jeronimo sa De viris illustribus na sinulat sa pagitan ng 392 at 393 AD.[7]

Huwag itong ikalito kay Simon Pedro.
Thumb
Si San Simon na Cananeo.

Pagkakakilanlan

Makikita ang pangalang Simon sa lahat ng Sinoptikong Mabuting Balita at sa Aklat ng mga Gawa tuwing mayroong tala ng mga alagad, na walang binibigay na detalye:

Sila ay sina Simon, na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinawag na Zelote, si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.

Lucas, 6:14–16

}

Pagkasanto

Tinuturing si Simon, tulad ng ibang Alagad, na isang santo ng Simbahang Romano Katoliko, mga Simbahang Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, mga simbahan ng Komunyong Anglikano at Simbahang Lutherano. Naalala si Simon (kasama si Judas) ng Simbahan ng Inglatera sa pista tuwing Oktubre 28.[8]

Tingnan din

Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.