Remove ads

Si San Pedro o Simon Pedro (Ebreo: שמעון פטרוס, Shim‘on Petros) ay isa sa mga orihinal na labindalawang alagad o apostol ni Hesus.[3], at ang unang pinuno ng maagang Kristiyanismo.

Agarang impormasyon Apostol San Pedro, Simbahan ...
Apostol San Pedro
Apostol, Papa, Patriyarka, at Martir
Thumb
San Pedro, (1506) ni Vasco Fernandes. Inilalarawan si San Pedro bilang Santo Papa at hawak ang mga Susi ng Langit at isang libro na kumakatawan sa ebanghelyo
SimbahanMaagang Kristiyanismo Dakilang Simbahan
Sede
NaiupoAD 30[1]
Nagwakas ang pamumunogitna ng AD 64 at 68[2]
Kahalili
  • Obispo ng Roma: Lino
  • Obispo ng Antioquia: Evodius
Mga orden
OrdinasyonAD 33
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanShimon (Simeon, Simon)
KapanganakanBethsaida, Gaulanitis, Syria, Imperyong Romano
Yumaomga gitna ng AD 64 at 68
Clementinong Kapilya, Burol ng Vaticano, Roma, Italya, Imperyong Romano
Mga magulangJohn (o Jonah; Jona)
Hanapbuhaymangingisda, kleriko
Kasantuhan
Kapistahan
Pinipitagan saSa lahat ng mga Kristiyanong denominasyon na pumipintuho sa mga santo, Islam
KanonisasyonBago ang Kongregasyon
AtribusyonSusi ng Langit, Pulang Martir, pallium, kasuotan ng Santo Papa, tandang, lalaking nakapako sa krus ng patiwarik, apostol, may hawak na libro o pergamino, Krus ni San Pedro, siya ay inilalarawan na may puting balbas at buhok.
PamimintakasiListahan ng mga kapistahan
Mga dambanaBasilika ni San Pedro
Isara
Huwag itong ikalito kay Simon ang Cananeo. Para sa iba pa, tingnan ang Pedro (paglilinaw) at Peter (paglilinaw).

Itinuturing din siya sa Katolisismo bilang unang Papa. Isa siyang mangingisda na pinangalanang Pedro - Na ang Kahulugan ay maliit na bato - Sa kaniya binanggit ng Panginoong Jesus ang ganitong wika Katotohanang Sinasabi Ko sa iyo na "Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng Batong ito itatayo ko ang aking Iglesia" Tinutukoy ng Panginoong Jesus ang Kanyang Sarili bilang Batong Panulok ang matibay na Pundasyon (Mat 16:18) Nakikilala rin siya bilang Simon lamang o kaya Kefas[4], Cefas[4] o Cephas,[3] na nangangahulugang maliit na "bato" sa wikang Arameo, at katumbas ng Griyegong Petros at ng Lating Petrus. Si San Pedro ang nagsisilbing unang pinuno ng Iglesyang itinayo ng Panginoong Jesukristo.[4] Kasama ni San Pablo, isa si San Pedro sa mga patron ng Roma.[5] Batay sa salaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya, dating ipinagkaila ni San Pedro na nakikilala niya si Hesus, subalit napasa kay Pedro ang Diyos.[3] Sinulat ni Pedro ang dalawa sa mga aklat na napabilang sa Bagong Tipan ng Bibliya: ang Unang Sulat ni Pedro at Ikalawang Sulat ni Pedro.[3] Sa Sulat sa mga Galata ng Bagong Tipan ng Bibliya, dinalaw ni San Pablo si San Pedro upang magbigay-galang kay Pedrong itinuturing na Puno ng Iglesya.[4] Kay San Pedro Ipinagkatiwala ng Panginoon ang Kanyang mga Kawan na sa Lumaon sa Kanyang Pangangaral noong Panahon ng Pentekostes ay nakahikayat siya ng Tatlong libong kaluluwa sa Kanya binanggit ni Jesus ang ganito Ipinagkakatiwala Ko sa iyo ang mga susi ng langit [4]

Remove ads

Doktrinang primasiya ni Pedro

Ang primasiya ni Pedro ang doktrinang pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro ang pinaka-prominenteng apostol ni Hesus na prinsipe ng mga apostol at pinaboran ni Hesus. Dahil dito, ikinatwiran ng Romano Katoliko na si Pedro ay humawak ng isang unang lugar ng karangalan at autoridad.[6] Ikinakatwiran rin ng Simbahang Katoliko Romano na ang primasiya ni Pedro ay dapat lumawig sa Obispo ng Roma o Papa ng Romano Katoliko sa ibabaw ng ibang mga obispo ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng doktrinang katoliko na paghaliling apostoliko. Gayunpaman, ang mga karamihan ng mga skolar ngayon ay naniniwalang ang mga papel ng mga Obispo sa mga simbahan ay nag-ebolb lamang sa mga kalaunang siglo ng Kristiyanismo. Ayon sa mga skolar, walang nagkakaisang pamayanang Kristiyano sa ilalim ng isang pinuno sa mga simbahang Kristiyano noong unang siglo. Ito ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.[7] Ang isang pangunahing debate sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante sa primasiya ni Pedro at ng papang Romano ay nakasentro sa Mateo 16:18 kung saan sinabi ni Hesus kay Pedro na: " At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades." Ang talatang ito ay pinapakahulugan ng mga Romano Katoliko na sinasabi ni Hesus na itatag ang kanyang iglesia kay Pedro. Kanila ring inangkin na si Pedro ang ginawang pastol ng apostolikong kawan sa Juan 21:15–19. Sa Griyego ng Mateo 16:18 na pinaniniwalaang orihinal na wika ng Bagong Tipan, ang pangalang ibinigay ni Hesus kay Simon ay petros ngunit kanyang tinukoy ang "bato(rock)" bilang petra. Ayon sa ilang skolar, may pagtatangi sa pagitan ng dalawang mga salitang petra at petros na ang petra ay "bato(rock)" samantalang ang petros ay maliit na bato(pebble). Pinapakahulugan ng mga Protestante na ang "batong ito" ay hindi si Pedro kundi sa konpesyon ng pananampalataya ni Pedro sa mga nakaraang talata at kaya ay hindi naghahayag ng primasiya ni Pedro kundi ay naghahayag na itatayo ni Hesus ang kanyang simbahan sa pundasyon ng pahayag at konpesyon ng pananamapalataya ni Pedro na si Hesus ang Kristo. Gayunpaman, ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng ilang mga skolar na Protestante gaya nina Blomberg at Carson. Ang ilang mga Protestante ay naniniwalang ang "batong ito" ay tumutukoy kay Hesus bilang reperensiya sa Deuteronomio 32:3-4, "Ang diyos...ang bato(rock), ang kanyang gawa ay sakdal" na kanila ring sinusuportahan ng mga talatang 1 Corinto 10:4 at Efeso 2:20. Ang Efeso 2:20 ay nagsasaad na ang mga apostol ang saligan at hindi lamang ang isang apostol. Ang ilan ay nag-aangkin na ang mga susi sa Mateo 16:18 ay hindi lamang ibinigay kay Pedro kundi sa lahat ng mga apostol ng magkakatumbas. Ang interpretasyong ay kanilang inangking tinanggap ng maraming mga ama ng simbahan gaya ninaTertullian,[8] Hilary of Poitiers,[9] John Chrysostom,[10] Augustine.[11][12][13][14] Tungkol sa interpretasyon ng Mateo 16:18–19, isinulat ni Jaroslav Pelikan na "Gaya ng pag-amin ngayon ng mga skolar na Romano Katoliko, ginamit ito ng sinaunang amang Kristiyano na si Cipriano upang patunayan ang autoridad ng obispo hindi lamang ng obispo ng Roma ngunit ng bawat obispo" na tumutukoy sa gawa ni Maurice Bevenot tungkol kay Cipriano. Bagaman sa 12 alagad, si Pedro ang nananaig sa mga unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol, si Santiago na kapatid ng Panginoon ay ipinakitang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa mga kalaunang kabanata ng Mga Gawa. Ang ilan ay nag-aangkin na mas nanaig sa ranggo si Santiago kesa kay Pedro dahil si Santiago ang huling nagsalita sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa* na nagmumungkahing ito ang huling pagpapasya na pinagkasunduan ng lahat. Ang katusuan rin ni Santiago ay sinunod sa lahat ng mga Kristiyano sa Antioch na nagpapahiwatig na ang autoridad ni Santiago ay lagpas sa Herusalem. Gayundin, binanggit ni Apostol Pablo si Santiago bago kay Pedro at Juan nang tawagin ni Pablo ang mga ito na "mga haligi ng simbahan" sa Galacia 2:9. Ayon sa Galacia 2:11–13, sinunod ni Pedro ang kautusan ni Santiago na lumayo sa mga hentil at hindi lamang si Pedro kundi pati ang kasamang misyonaryo ni Pablong si Barnabas gayundin ang lahat ng mga Hudyo. Gayunpaman, ayon sa mga teologong Romano Katoliko, ang mga talatang Mga Gawa* at Galacia 1:18–19 ay nagpapahiwatig na si Pedro ang pinuno ng simbahang Kristiyano at si Pedro ang humirang kay Santiago na pinuno nang siya ay lumisan sa Herusalem. Gayunpaman, ayon sa mga hindi naniniwala sa interpretasyong ito ng Romano Katoliko, kung ang pagkakahirang kay Santiago ay kinailangan sa paglisan ni Pedro sa Herusalem, bakit hindi kinilala si Pedro na pinuno sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa*. Si Santiago ay nanatiling nasa papel ng pinuno kahit sa presensiya ni Pedro sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15. Ayon sa propesor na si John Painter, mas malamang na ang talata ay nagsasaad na si Pedro ay nag-uulat lamang ng kanyang mga gawain sa kanyang pinunong si Santiago. Ang Galacia 1:18-19 ay hindi malinaw at maaaring pakahulugan upang suportahan ang parehong pananaw na si Santiago o Pedro ang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem. Gayunpaman, ang katotohanang si Santiago ay binanggit maliban sa iba pang mga apostol ay nagpapakitang si Santiago ay napakahalaga para kay Pablo. Ayon kay Eusebio ng Caesarea, si Santiago ang unang obispo o patriarka ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.

Remove ads

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads