From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Zelote (Ingles: Zealots) o mga Makabayan[1] ay isang kilusang pampulitika noong unang siglo CE sa panahon ng Hudaismong Ikalawang Templo sa Herusalem na humikayat sa mga Hudyo sa Judea na maghimagsik laban sa Imperyong Romano at palayasin ang mga ito sa Israel at pinakilala rito noong Unang Digmaang Hudyo-Romano (66-70 CE). Ito ay tinawag ni Josephus na "ikaapat na sekta" o ""ikaapat na pilosopiyang Hudyo" noong unang siglo CE. Ang salitang zealot ay salin ng Hebreong Kanai (קנאי na karaniwang plural na קנאים, kana'im) na nangangahulugang "sa ngalan ng diyos" . Ang katagang ito ay hinango sa Griyegong ζηλωτής (zelotes), "manggagaya, masigasig na tagahanga o tagasunod".[2][3]
Mga Zelote קנאים | |
---|---|
Pinuno |
|
Itinatag | 6 CE |
Binuwag | 73 CE |
Punong-tanggapan |
|
Palakuruan |
|
Ayon kay Josephus sa Antiquities of the Jews[4], may tatlong pangunahing mga sektang Hudyo noong unang siglo CE, ang mga Fariseo, mga Saduceo, Mga Essene. Ang ikaapat ang mga Zelote na itinatag ni Judas ng Galilea o Judas ng Gamala noong taong 6 CE laban sa Censo ni Quirinio sa sandaling ihayag ng Imperyong Romano na ang Tetrarkiya ng Judea bilang probinsiya ng Imperyong Romano. Sila ay umaayon sa lahat ng ibang mga bagay sa mga paniniwala ng mag Pariseo ngunit may hindi matututulang pagdikit sa kalayaan at ang Diyos ang tanging kanilang Pinuno at Panginoon(XVIII.1.6)
Ayon sa Antiquities of the Jews ni Josephus XVIII.6:
Isa labindalawang alagad ni Hesus si Simon na Zelote.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.