Mga Saduceo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang Mga Saduceo o mga Saduseo (Ebreo: צדוקים, Tsedokim, "mga istudyante ni Tsadok") ay isang maliit subalit makapangyarihang pangkat o partido ng mga Hudyong dugong-bughaw.[1] Sa kapanahunan ng mga pangyayari sa Bagong Tipan ng Bibliyang Kristiyano, karamihang mga pari ang mga Saduseo[2] na sumusunod sa literalistang interpretasyon ng Tora o unang limang aklat ng Bibliya, na di-tulad ng sa mas malaking bilang ng mga Pariseong[2] naniwala sa paggamit ng rason sa pag-interpreta ng Torah at na nararapat itong maging makatuturan sa pang-araw-araw na buhay.[3][4][5] Dahil dito, nagtaliwasan sa maraming mga paksa at pagsasagawa ang mga Saduseo at mga Pariseo.[2][6]

Ang mga Saduceo ang isa sa apat na sekta ng pilosopiyang Hudyo na binanggit ni Josephus sa Antiquities of the Jews XVIII. Ang iba pang tatlo ang Mga Pariseo, Mga Zelote, at Mga Essene.

Pagtanaw sa Kristiyanismo

Katulad ng mga Pariseo, lagi ring nagkaroon ng kataliwasan sa pagitan ng mga pangaral nila at ni Hesus.[7] Hindi rin naniwala ang mga Saduseo sa pagkakaroon ng buhay pagkaraan ng kamatayan.

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.