From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Hedjkheperre Setepenre Shoshenq I (Egyptian ššnq), (naghari noong c.943 BCE - 922 BCE) na kilala rin bilang Sheshonk o Sheshonq Iay isang Meshwesh Berber na paraon at tagpagtatag ng Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto. Siya ay may liping Libyan [2] at anak ni Nimlot A, na Dakilang Hepe ng Ma at asawa nitong si Tentshepeh A na anak na babae ng Dakilang hepe ng Ma.
Shoshenq I | |
---|---|
Shishaq, Sesonkhosis, Sesonkhis | |
Pharaoh | |
Paghahari | 943 BCE – 922 BCE[1] (22nd Dynasty) |
Hinalinhan | Psusennes II |
Kahalili | Osorkon I |
Royal titulary | |
Konsorte | Patareshnes, Karomama A |
Anak | Osorkon I, Iuput A, Nimlot B |
Ang mga konseptong Libyan ng pamumuno ay pumayag para sa kahilerang pag-iral ng mga pinuno na nauugnay sa pamamagitan ng kasal at dugo. Si Sheshonk at kanyang mga kahalili ay gumamit ng kasanayang ito upang pagsamahin ang kanilang paghawak sa lahat ng Ehipto. Hininto ni Sheshonk ang paghaliling pagmamana ng Dakilang Saserdote ni Amun. Sa halip, siya at ang kanyang mga kahalili ay humirang ng mga lalake sa posisyon na kadalasang kanilang mga anak na lalake na isang kasanayan na tumagal ng isang siglo. [3]
Si Sheshonk I ay nagpursigi ng isang agresibong patakarang pandayuhan sa mga katabing teritoryo sa Gitnang Silangan tungo sa wakas ng kanyang paghahari. Ito ay pinatutunayan sa isang bahagi ng pagkakatuklas ng base na may pangalan niya mula sa lungsod ng Lebanon ng Byblos, bahagi ng isang monumental na stela mula sa Megiddo na may pangalan niya at isang talaan ng mga siyudad sa rheiyon na binubuo ng Syria, Philistia, Phoenicia, Negev at Kaharian ng Israel(Samaria) at iba iba pang mga talaang nakasulat ng mga pader ng templo ni Amun sa al-Hibah at Karnak. Siya ay pinaniniwalaan ng ilan na marahil ay binanggit sa Tanakh bilang si Shishaq na sumakop sa Herusalem. Sa kasawiang palad, walang ebidensiyang binanggit ng isang pag-atake o pananakop ni Sheshonk I sa Herusalem o tribute(kabayaran) mula sa Herusalem kay Sheshonq I na nagtulak sa ilan na magmungkahi si Sheshonk I ay hindi ang Shishak ng bibliya. May iba pang mga problema sa pagtukoy kay Sheshonq bilang ang Shishak ng bibliya. Ang Karnak ni Sheshonq ay hindi nagsama ng Herusalem na ayon sa Bibliya ay ang pinakamalaking gantimpala ni Shishak. Ayon sa salaysay ng Bibliya, tinangay ng isang Shishak ang maraming mga kayamanan ng templo sa Herusalem at ang palasyo ng Hari sa Herusalem kabilang ang mga kalasag na ginto na ginawa ni Solomon. Gayunpaman, ang talaan ni Sheshonk I ay nakatuon sa ibang mga lugar sa hilaga o timog ng Kaharian ng Judah na parang hindi niya sinalakay ang sentro nito. Ang pundamental na problemang kinakaharap ng mga historyan ay pagtatatag ng mga layunin ng dalawang mga salaysay at pag-uugnay ng impormasyon sa mga ito.[4] Bilang addendum sa kanyang patakarang pandayuhan, inukit ni Sheshonq I ang isang ulat ng kanyang mga kampanya sa Nubia at Palestina na may detalyeng talaan ng mga pananakop sa Palestina. [5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.