From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sapilitang trabaho ay kahit anumang ugnayan sa trabaho, lalo na sa makabago o maagang makabagong kasaysayan, kung saan nagtratrabaho ang mga tao laban sa kanilang kalooban na may kasamang banta ng kahirapan, detensyon, karahasan kabilang ang kamatayan at pamimilit, o ibang anyo ng matinding paghihirap sa mga tao na nagtratrabaho o sa pamilya nila.
Kabilang sa hindi malayang paggawa ang lahat ng anyo ng pang-aalipin, trabaho bilang parusa at ang mga katumbas na institusyon, tulad ng pagkaalipin sa utang, kaalipinan (serfdom), corvée (sapalitang trabaho na walang bayad) at mga kampo sa paggawa.
Sinasakop din ng katawagang sapalitang trabaho ang maraming anyo ng hindi malayang paggawa, na binibigay kahulugan ng International Labour Organization (ILO) bilang ang lahat ng hindi boluntaryong trabaho o serbisyo na ginawa sa ilalim ng banta ng parusa.[1]
Bagaman, sa ilalim ng ILO Forced Labour Convention noong 1930, hindi kasama sa katawagang sapilitan o puwersahang trabaho ang:[2]
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa Batas ng Indiyas, kailangang magserbisyo ang lahat ng mga lalaki na may gulang na 16 hanggang 60 sa loob ng 40 araw bawat taon.[3] Tinatawag ang serbisyong ito bilang polo y servicio[4] at polista naman ang tawag sa nagbibigay ng serbisyo.[5] Tumutukoy naman ang polo sa gawang pampamayanan na kinabibilangan ng pagtrotoso, paggawa ng bapor, pagkumpuni ng mga simbahan at gusaling pampamahalaan, at sa konstruksyon ng mga lansangan at tulay.[5] Maari din silang maging manggagaod ng barko o mandirigma sa pagsasagawang militar sa mga paggalugad ng mga Kastila sa mga bagong lupain.[3]
Makakatanggap dapat ang mga polista ng sangkapat na real kada araw at bibigyan ng bigas kapag nagkapagtrabaho sila.[3] Maaring magbayad ng isang real at kalahati upang hindi makapagtrabaho; tinatawag ang kabayaran bilang falla.[3] Kadalasang nagbabayad ang mga mayayaman na ayaw magtrabaho.[5] Noong 1884, nabawasan ang araw ng pagtrabaho mula 40 sa 15 at ang falla ay naging 22.5 real.[5]
Subalit, sa aktuwal na pagpapatupad ng kasanayan ng polo y servicio, nagkaroon ng sapilitang trabaho at hindi sila nababayaran.[3] Karagdagan pa nito, maaring ilagay ang mga trabahador sa kahit anumang trabaho kahit pa na mapangib at may banta sa kalusugan ang kanilang gagawin.[5] Hindi lamang sa Pilipino pinatupad ang kasanayang kundi pati sa mga mestisong Tsino.[5] Tinuturing ang kasanayang sapilitang trabaho ng Pilipino bilang isa sa mga simbolo ng pag-aalipin ng mga Kastila sa kanila. Isa sa dahilan ang saplitang trabaho sa paghihimagsik ng mga Pilipino.[3] Nagdulot din ang polo y servicio ng gutom dahil nawala ang kanilang kakayahan na pakainin ang sarili na nagagawa nila dati sa pamamagitan ng pagtatanim upang makakain sila.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.