From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang barko ay isang malaking sasakyang pantubig na ginagamit para sa pandagat na paglalakbay. Ang mga barko ay ginagamit ng pamahalaan (sa operasyong militar, pansagip, at bilang transportasyon), pribadong kompanya at institusyon (bilang transportasyon at sa pangingisda), at indibiduwal (sa personal na pananaliksik at personal na libangan tulad ng malalaking yate). Ang isang barko ay mayroong sapat na sukat upang makapagdala ng sarili nitong bangka. Isang tuntunin na "ang bangka ay kasya sa barko ngunit ang barko ay hindi kasya sa bangka."
Pagkatapos ng ika-15 dantaon, mahalagang naiambag ng mga bagong pananim mula at tungo sa Kaamerikahan sa pamamagitan ng mga mandaragat mula Europa sa paglago ng populasyon ng mundo.[1] Responsable ang transportasyong barko sa malaking bahagi ng komersyo ng mundo. Noong 2016, mayroong nang higit sa 49,000 barkong pangkalakal, na may kabuuang halos 1.8 bilyong toneladang kabigatan. 28% sa mga ito ang barkong-tangkeng panlangis, 43% bultong tagapagdala, 13% ang barkong lalagyan.[2]
Ang daong o arka ay isang malaking bangka[3], katulad ng Arka ni Noe na isang sasakyang pantubig na katulad ng isang lumulutang na bahay.[4] Magkasingkahulugan ang daong at barko. Sa Hebreo, katumbas ang arka ng salitang teba na may ibig sabihing kahon o kaban[5], katulad ng sa Kaban ng Tipan. Tinatawag din ito bilang arko subalit hindi dapat ikalito sa arko na katawagan sa arkitektura.
Kapag naging pandiwa ang salitang daong, tumutukoy na sa pagpondo, pag-angkla, o pagtigil sa daungan ng isang sasakyang pandagat kahit hindi isang daong ito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.