From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ebola virus disease (EVD) o Ebola hemorrhagic fever (EHF), na maisasalin bilang sakit mula sa birus na Ebola at lagnat na may pagdurugo dahil sa Ebola, ay karamdaman ng tao na dulot ng birus na Ebola. Ang mga sintomas ay karaniwang nagsisimula sa dalawang araw hanggang tatlong linggo pagkatapos na mahawaan ng virus, nang may lagnat, masakit na lalamunan, mga pananakit ng kalamnan, at mga pananakit ng ulo. Karaniwan itong sinusundan ng pagkaramdam na parang nasusuka, pagsusuka, at pagtatae, na may kasamang panghihina ng atay at mga bato. Sa puntong ito, ang mga ilang tao ay magsisimulang magkaroon ng problemang pagdurugo.[1]
Ang birus ay maaaring maihawa sa pamamagitan ng pagkakontak sa dugo o (mga) likido mula sa katawan ng isang nahawaang hayop (na karaniwan ay mga tsonggo o fruit bat, paniking kumakain ng prutas).[1] Ang pagkakahawa sa pamamagitan ng hangin sa natural na kapaligiran ay hindi naidokumento.[2] Ang mga fruit bat ay pinaniniwalaang nagdadala at nagkakalat ng virus nang hindi nahahawaan. Sa sandaling nahawaan ang isang tao, kakalat na rin ang karamdaman sa mga tao. Ang mga kalalakihan nakaligtas ay maaaring maihawa ang karamdaman sa pamamagitan ng semilya nang halos dalawang buwan. Para makapaggawa ng diyagnosis, ang mga karaniwang karamdaman na may napaparehong sintomas na tulad ng malaria, cholera at mga iba pang viral hemorrhagic fever ay isasantabi muna. Para kumpirmahin ang diyagnosis, ang mga sampol ng dugo ay susuriin para sa viral na antibodies, viral na RNA, o ang mismong virus.[1]
Kasama sa pag-iwas ang pagbabawas ng pagkakahawa ng mga tao ng karamdaman galing sa mga naipeksiyon na tsonggo at baboy. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang mga naturang hayop ay may impeksiyon at pagpatay sa mga ito at maaayos na paglilibing sa mga ito kung natuklasang may karamdaman. Maaari ring makatulong ang pagluto ng mabuti ng karne at paggamit ng pamprotektang kasuotan kapag humahawak ng karne, pati rin ang pagsuot ng pamproteksiyon kasuotan at paghugas ng mga kamay kapag nasa paligid ng isang taong may karamdaman. Ang mga sampol ng mga likido at tisyu mula sa katawan ng mga taong may ganitong karamdaman ay dapat na bigyan na natatanging pag-iingat kapag gagalawin ang mga ito.[1]
Walang partikular na paggamot para sa karamdaman; ang pagsisikap para matulungan ang taong naimpeksiyon nito ay maaaring may kinalaman sa pagbigay ng alin man sa oral rehydration therapy (bahagyang matamis at maalat na tubig na iinumin) o intravenous fluids.[1] Ang sakit ay may mataas na bilang ng namamatay: madalas na pumapatay ng nasa pagitan ng 50% at 90% ng mga naimpeksiyon ng virus.[1][3] EVD ay unang natukoy sa Sudan at sa Democratic Republic of the Congo. Ang sakit at karaniwang nagaganap sa mga epidemya sa mga tropikal na rehiyon ng Sub-Saharan Africa.[1] Simula noong 1976 (noong ito ay unang natukoy) hanggang 2013, mas kaunti kaysa sa 1,000 na katao kada taon ang naimpeksiyon.[1][4] Ang pinakamalaking epidemya hanggang sa ngayon ay ang kasalukuyang nagaganap na 2014 na epidemya ng Ebola sa Kanlurang Aprika, na umaapekto sa Guinea, Sierra Leone, Liberia at malamang ang Nigeria.[5][6] Hanggang nito Agosto 2014, may mahigit sa 1600 na kaso na ang natukoy.[7] Kasalukuyang patuloy na pinagsisikapan ang makabuo ng bakuna; gayun pa man, wala pa rin ito.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.