Ruminantia

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ruminantia

Ang mga Ruminante (suborden Ruminantia) ay may mga ungguladong mamalya na nakakukha ng sustansiya sa mga halaman sa pammaagitan ng permentasyon na espesyalisado sa kanilang mga tiyan bago ang dihestiyon sa pamamagitan ng mga aksiyon ng bakterya. Ang prosesong ito ay tinatawag na permentasyong foregut na nangangailangan ng permentadong ingesta (cud na bahaging na-dihesta) na muling ibinabalik sa bibig mula sa tiyan o rehurhistasyon at muling nginunguya. Ang proseso ng muling pagnguya ng cud ay karagdagang tumutunaw sa halaman at nagdudulot ng dihestiyon na tinatawag na ruminasyon.[1][2]

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Infraorders ...
Ruminante
Temporal na saklaw: Early Eocene - present
Thumb
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Klado: Cetruminantia
Klado: Ruminantiamorpha
Spaulding et al., 2009
Suborden: Ruminantia
Scopoli, 1777
Infraorders
  • Tragulina (paraphyletic)
  • Pecora
Isara

May mga 200 espesye ng mga ruminante na kinabibilangan ng mga ligaw at domestikadong espesye.[3] Kabilang dito ang mga baka at mga ligaw na bovine, mga kambing, giraffe, usa, gazelle at antelope.[4]

Sa taksonomiya, ang suborden na Ruminantia ay angkan ng mga herbiboro na kasapi ng artiodactyla na kinabibilangan ng pinakamaunlad at malawakang mga unggulado.[5] Ang suborden na Ruminantia ay kinabibilangan ng anim na pamilya:Tragulidae, Giraffidae, Antilocapridae, Moschidae, Cervidae, at Bovidae.

Piloheniya

Ang Ruminantia ay isang grupong korona ng mga ruminante sa loob ng orden na Artiodactyla na sa kladistika ayon kay Spaulding et al. as ay kinabibilangan ngBos taurus (baka) at Tragulus napu (dagang usa)". Ang Ruminantiamorpha ay isang mas mataas na lebel na klado ng mga artiodactyl na sa kladistika ayon kay Spaulding et al. ay mga Ruminantia kabilang ang ekstinkt na taxa na mas malapit sa umiiral na kasapi na Ruminantia kesa sa anumang nabubuhay na espesya.[6] Bilang grupong korona, ang mga ruminante ay kinabibilangan lamang ng huling karaniwang ninuno ng lahat ng nabubuhay na ruminante at mga inapo nito (buhay o ekstinkt na ) samantalang ang Ruminantiamorpha bilang grupong tangkay ay kinabibilangan rin ng basalyong mga ekstint na nabubuhay na taxa (neontolohiya) na mas malapit na nauugnay sa mga nabubuhay na ruminante sa halip na sa ibang mga kasapi ng pangkat ng Artiodactyla.

Ang mga kasapi ng Ruminantia ay makikita sa kladograma na :[7][8][9][10][11]

Artiodactyla 

Tylopoda (camels)


 Artiofabula 

  Suina (pigs)


 Cetruminantia 
 Ruminantia (ruminants) 

 Tragulidae (mouse deer)



 Pecora (horn bearers)



 Cetancodonta/Whippomorpha 

 Hippopotamidae (hippopotamuses)



 Cetacea (whales)






Sa loob ng Ruminantia, ang Tragulidae (dagang usa) ay itinuturing na pinakabasalyong pamilya,[12] at ang mga natitirang ruminante ay kabilang sa impraorden na with Pecora. Sa isang pag-aaral noong 2003 sa pilohenetika nina Alexandre Hassanin (ngNational Museum of Natural History, France) at mga kasama niya, batay sa mitochondrial at mga pag-aanlisang nuclear, nahayag na ang Moschidae at Bovidae ay bumubuo ng kapatid na klado ng Cervidae. Ayon sa pag-aaral na ito, ang Cervidae ay humiwalay sa kladong Bovidae-Moschidae noong 27 hanggang 28 milyong taon ang nakakalipas.[13] The following cladogram is based on a large-scale genome ruminant genome sequence study from 2019:[14]

Ruminantia
Tragulina

Tragulidae


Pecora


Antilocapridae



Giraffidae





Cervidae




Bovidae



Moschidae






Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.