Ang mga ungguladong mamalya[4] ay mga hayop na kabilang sa mga mamalya na nababalutan ang mga daliri sa paa sa halip na may mga ordinaryong kuko lamang. Unggulado ang tawag sa mga ito. Kabilang sa mga ito ang mga kabayo at mga baka.
Unggulado Temporal na saklaw: Huling Cretaceous - Kamakailan lamang | |
---|---|
Ang mga lyama, na dalawang daliri sa paa, ay mga artiodactyl -- mga ungguladong-hayop na may pantay na bilang ng daliri sa paa | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Klado: | Ungulatomorpha |
Grandorden: | Ungulata |
Mga orden at Klado | |
|
Paglalarawan
Mga katangian
Bilang isang grupo, karaniwang mga malalaking hayop ang mga ito. Tinatayang umaabot sa mga sanlibo ang bilang ng kanilang mga uri sa mundo. Kumakain ng mga halaman at mga bahagi ng halaman ang lahat ng mga ito. Karamihan sa kanila ang may mga sungay na tumutubo sa ulo. Sila lamang ang mga mamalyang tinutubuan ng mga sungay.[4]
Klasipikasyon
Dalawa ang pangunahing uri ng mga ungguladong mamalya: ang mga may pantay na bilang ng mga daliri at ang mga may di-pantay na bilang ng mga daliri. May pantay na bilang ng mga daliri sa lahat ng kanilang mga paa ang mga may pantay na bilang, samantalang may hindi-pantay na bilang ng mga daliri ang mga di-pantay ang bilang ng mga daliri sa kanilang mga panlikurang mga paa.[4]
May pantay na bilang ng mga kuko
May mga isandaan ang bilang ng iba't iba uri ng mga ungguladong may pantay na bilang ng mga kuko. Tinatawag silang mga Artiodactyla na kinatitipunan ng mga Suiformes (mga wangis-baboy), Tylopoda (mga kamelyo), at Ruminantia (kumakain ng mga ruminante).[4]
Suiformes
- May tatlong pamilya: baboy, pekaryo, hippopotamus
Tylopoda
- May isang pamilya: kamelyo, lyama, alpaka, gwanako, at bikunya
Ruminantia
- May limang pamilya: pilandok, usa, giraffe, pronghorn, at mga wangis-baka (ang mga kapong baka, buffalo, bison, antelope ng Matandang Mundo, tupa, at kambing)
May di-pantay na bilang ng mga kuko
Kasama sa mga ito ang kabayo, tapir, at rinosero, na bumubuo sa mga orden ng Perissodactyla, ang "pamilya ng mga kabayo".[4]
Kahalagahang pantao
Karamihan sa mga unggulado ang naging mga alagain o domestikado, katulad ng mga kabayo, baka, asno, baboy, tupa, kambing, kamelyo, at lyama na ginagamit ng mga tao bilang pagkain, sa transportasyon, at pag-aararo ng taniman.[4]
Sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.