Ruhr

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ruhrmap

Ang Ruhr ( /ˈrʊər/ ROOR; Aleman: Ruhrgebiet [ˈʁuːɐ̯ɡəˌbiːt]  ( pakinggan)), na tinutukoy din bilang ang pook Ruhr, minsan distriton Ruhr, rehiyon ng Ruhr, o lambak Ruhr, ay isang polisentrikong urbanong pook sa Hilagang Renania-Westfalia, Alemanya. Sa densidad ng populasyon na 2,800/km 2 at populasyong higit sa 5 milyon (2017),[2] ito ang pinakamalaking urbanong pook sa Alemanya. Binubuo ito ng ilang malalaking lungsod na napapaligiran ng mga ilog Ruhr sa timog, Rin sa kanluran, at Lippe sa hilaga. Sa timog-kanluran ito ay hangganan ng Bergisches Land. Ito ay itinuturing na bahagi ng mas malaking kalakhang rehiyon ng Rin-Ruhr ng higit sa 10 milyong tao, na kabilang sa pinakamalaki sa Europa, sa likod lamang ng London at Paris.

Agarang impormasyon Ruhr Ruhrgebiet, Bansa ...
Ruhr

Ruhrgebiet
Kalakhang Ruhr
Metropole Ruhr
Thumb
Sagisag
Thumb
Mapa ng Ruhr sa loob ng Alemanya
Mga koordinado: 51°30′N 7°30′E
Bansa Germany
Estado North Rhine-Westphalia
Mga pinakamalaking lungsod
Pamahalaan
  KonsehoRegionalverband Ruhr
Lawak
  Metro
4,435 km2 (1,712 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
441 m (1,447 tal)
Pinakamababang pook
13 m (43 tal)
Populasyon
  Urban
5,118,681
  Densidad sa urban1,646/km2 (4,260/milya kuwadrado)
  Metro
10,680,783
Sona ng orasUTC+01:00 (CET)
GRP161 bilyon[1]
Websaytmetropoleruhr.de
Isara

Ang mga lungsod ng Ruhr ay, mula kanluran hanggang silangan: Duisburg, Oberhausen, Bottrop, Mülheim an der Ruhr, Essen, Gelsenkirchen, Bochum, Herne, Hagen, Dortmund, Lünen, Bergkamen, Hamm at ang mga distrito ng Wesel, Recklinghausen, Unna, at Ennepe-Ruhr-Kreis. Ang mga pinakamataong lungsod[3] ay ang Dortmund (na may populasyon na humigit-kumulang 588,000), Essen (mga 583,000), at Duisburg (mga 497,000).

Ang pook ng Ruhr ay walang sentrong pampangasiwaan bawat lungsod sa lugar ay may sariling administrasyon, bagaman mayroong suprakomunal na "Regionalverband Ruhr" na institusyon sa Essen. Para sa 2010, ang rehiyon ng Ruhr ay isa sa mga Europeong Kabesera ng Kultura.[4][5]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.