Bochum
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bochum ( /ˈboʊxʊm/ BOHKH-uum, US din EU /ʔəm/ --əm,[2][3][4][5] Aleman: [ˈboːxʊm] ( pakinggan); Padron:Lang-wep), na may populasyon na 364,920 (2016), ay ang ikaanim na pinakamalaking lungsod (pagkatapos ng Colonia, Düsseldorf, Dortmund, Essen, at Duisburg) ng pinakamataong Aleman na federal na estado ng Hilagang Renania-Westfalia at ang ika16 na pinakamalaking lungsod ng Aleman. Sa Ruhr Heights (Ruhrhöhen) kaburulan, sa pagitan ng mga ilog Ruhr sa timog at Emscher sa hilaga (mga tributaryoributin ng Rin), ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Westfalia pagkatapos ng Dortmund, at ang ikaapat na pinakamalaking lungsod ng Ruhr pagkatapos ng Dortmund, Essen, at Duisburg. Ito ay nasa gitna ng Ruhr, ang pinakamalaking urbanong pook ng Alemanya, sa Kalakhang Rehiyon ng Rin-Ruhr, at kabilang sa rehiyon ng Arnsberg. Ang Bochum ay ang ikaanim na pinakamalaki at isa sa pinakatimog na lungsod sa diyalektong pook ng Mababang Aleman. Mayroong siyam na institusyon ng mas mataas na edukasyon sa lungsod, lalo na ang Unibersidad ng Ruhr, Bochum (Ruhr-Universität Bochum), isa sa sampung pinakamalaking unibersidad sa Alemanya, at ang Bochum University of Applied Sciences (Hochschule Bochum).
Bochum Baukem (Westphalian) | |||
---|---|---|---|
City | |||
Tanawin ng Bochum, Museong Pangminang Aleman, Zeiss Planetarium Bochum, Schauspielhaus Bochum, Bochum Kammerspiele | |||
| |||
Mga koordinado: 51°28′55″N 07°12′57″E | |||
Bansa | Alemanya | ||
Estado | Hilagang Renania-Westfalia | ||
Admin. region | Arnsberg | ||
District | Urban district | ||
Pamahalaan | |||
• Lord mayor (2020–25) | Thomas Eiskirch[1] (SPD) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 145.4 km2 (56.1 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (31 Disyembre 2022) | |||
• Kabuuan | 365,742 | ||
• Kapal | 2,500/km2 (6,500/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+02:00 (CEST) | ||
Postal codes | 44701-44894 | ||
Dialling codes | 0234, 02327 | ||
Plaka ng sasakyan | BO, WAT | ||
Websayt | www.bochum.de |
Matatagpuan ang lungsod sa mabababang burol ng Bochum kalupaang tagaytay (Bochumer Landrücken), bahagi ng Ruhrhöhen (pinakamataas na punto) sa pagitan ng mga ilog ng Ruhr at Emscher sa hangganan ng timog at hilagang rehiyon ng karbon ng Ruhr. Ang pinakamataas na punto ng lungsod ay sa Kemnader Straße (Kalye Kemnader) sa Stiepel sa 196 metro (643 tal) sa itaas ng antas ng dagat; ang pinakamababang punto ay 43 metro (141 tal) sa Blumenkamp sa Hordel.
Napapaligiran ito ng mga lungsod ng (sa direksyon ng orasan) Herne, Castrop-Rauxel, Dortmund, Witten, Hattingen, Essen, at Gelsenkirchen.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.