From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga halamang namumulaklak, na tinatawag ding Angilperma, Angiospermae o Magnoliophyta ay ang nangingibabaw na mga halamang panlupa sa kasalukuyan. Kasama ng mga gymnosperm, binubuo nila ang mga halamang may buto. Kaiba sila mula sa mga gymnosperm dahil ang mga angiosperma ay nagkakaroon ng mga bulaklak, at may nakalakip o nakasarang mga obyul. Ang mga gymnosperm ay nagkakaroon ng hubad na mga buto sa ibabaw ng mga alimusod (balisungsong) o sa mga kayariang bukas.
Mga halamang namumulaklak | |
---|---|
Magnolia virginiana Sweet Bay | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Spermatophytes |
Klado: | Angiosperms Lindley[1] [P.D. Cantino & M.J. Donoghue][2] |
Mga clade | |
Amborellaceae
| |
Kasingkahulugan | |
Anthophyta |
Ang mga halamang namumulaklak ang pinaka iba't iba na pangkat ng mga embryophyte (halamang panlupa). Dahil sa nagkakaroon sila ng mga buto, tinatawag silang mga spermatophyte, katulad nga ng mga gymnosperm. Subalit kaiba nga sila mula sa mga gymnosperm dahil sa isang serye ng mga sinapomorpiya (mga hinangong mga katangian). Ang mga katangiang ito kinabibilangan ng mga bulaklak, endosperma sa loob ng mga buto, at ang pamumunga ng mga prutas na naglalaman ng mga buto. Sa pang-etimolohiya, ang angiosperma ay nangangahulugang isang halaman na nakagagawa ng mga buto sa loob ng isang lakipan; sila ay mga halamang namumunga (mga halamang may bunga o prutas), bagaman mas pangkaraniwan silang tinatawag bilang mga halamang namumulaklak.
Ang mga ninuno ng mga halamang namumulaklak ay humiwalay magmula sa mga gymnosperm noong bandang 245 hanggang 202 milyong mga taon na ang nakararaan, at unang mga halamang namumulaklak na nalalamang umiral ay magmula sa 140 milyong mga taon na ang nakalilipas. Malakihan ang naging pagkakasari-sari nila noong panahon ng Mas Mababang Cretaceo at naging laganap noong nasa tinatayang 100 milyong mga taon na ang nakararaan, subalit pumalit sa mga conifer bilang nangingibabaw na mga puno noong bandang 60 hanggang 100 milyong mga taon lamang ang nakalilipas.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.