From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Pseudogene ang mga walang silbi o hindi gumaganang kamag-anak ng mga gene na nawalan ng kanilang kakayahan sa pagkokodigo ng protina o kundi ay hindi na maihahayag sa selula. [1] Ang mga pseudogene ay kadalasang resulta mula sa pagtitipon ng maraming mga mutasyon sa loob ng isang gene na ang produkto ay hindi na kailangan para sa patuloy na pag-iral ng organismo. Bagaman ang ilan sa mga ito ay walang mga intron o mga promotor(ang mga pseudogene na ito ay kinokopya mula sa mRNA at sinasama sa kromosoma at tinatawag na mga pinrosesong pseudogene),[2] ang karamihan sa mga ito ay may ilang tulad ng gene na mga katangian gaya ng mga promotor, mga islang CpG, at mga lugar ng splice. Gayunpaman, ang mga ito ay itinuturing na hindi na gumagana dahil sa kawalan ng kakayahan na magkodigo ng protina na nagreresulta mula sa iba ibang mga hindi nagpapaganang mga mutasyon(halimbawa mga maagang hintong codon o mga frameshift), isang kawalan ng transkripsiyon o kawalang kakayahan na magkodigo ng RNA gaya ng sa mga rRNA pseudogene. Ang katagang ito ay inimbento noong 1977 nina Jacq et al.[3] Dahil ang mga pseudogene ay pangakalahatang pinaniniwalaang ang huling paghinto para sa materyal na henomiko na aalisin mula sa genome,[4] ang mga ito ay kadalasang tinatawag na basurang DNA. Maaaring ilarawan ang isang pseudogene sa operasyon bilang isang pragmento ng nucleotide sequence na kahawig ng isang alam na mga dominyo ng protina ngunit may mga hintong codon o mga frameshift mid-domain. Gayunpaman, ang mga pseudogene ay naglalaman ng mga kasaysayang biyolohikal at ebolusyonaryo sa loob ng kanilang mga sekwensiya. Ito ay dahil sa pinagsasaluhang ninuno ng isang pseudogene sa isang gumaganang gene. Sa parehong paraan na naisip ni Charles Darwin ang dalawang species na nagsasalo ng isang karaniwang ninuno na sinundan ng mga milyon milyong taon ng paghihiwalay na ebolusyonaryo, ang isang pseudogene at mga nauugnay na gene dito ay nagsasalo rin ng isang karaniwang ninuno at naghiwalay bilang mga hiwalay na entidad na henetiko sa loob ng mga milyong milyong taon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.