From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ribosomal ribonucleic acid (rRNA) ang bahaging RNA ng ribosome at mahalaga para sa sintesis ng protina sa lahat ng mga nabubuhay na organismo. Ito ay binubuo ng predominanteng materyal sa loob ng ribosome na ca. 60% rRNA at 40% protina sa timbang. Ang mga ribosome ay naglalaman ng dalawang mga pangunahing rRNA at 50 o higit pang mga protina. Ang mga LSU at SSU rRNA ay matatagpuan sa loob ng mga respektibong malalaki at maliliit na subunit na ribosomal. Ang LSU rRNA ay nagsisilbing ribozyme na nagkakatalisa ng peptide bond formation. Ang mga sekwensiyang rRNA ay malawakang ginagamit sa mga pagsisiyasat na pilohenetiko na pag-aaral ng mga ugnayang pang-ebolusyon ng mga organismo dahil ang mga ito ay may pinagmulang sinaunang panahon at matatagpuan sa lahat ng mga alam na anyo ng buhay. Ang rRNA ang isa sa tanging ilang mga produkto ng gene na umiiral sa lahat ng mga selula.[1] Dahil dito, ang mga gene na nagkokodigo ng rRNA (rDNA) ay sinisikwensiya upang tukuyin ang pangkat taksonomiko ng isang organismo, kwentahin ang mga nauugnay na pangkat at tantiyahan ang mga rate ng diberhensiya ng species. Bilang resulta, maraming mga libong mga sekwensiyang rRNA ay alam at nakalagay sa mga espesyalisadong database gaya ng RDP-II[2] at SILVA.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.