Ang mga marsopa, porpoise o mereswine ang mga maliliit na mga cetacean ng pamilyang Phocoenidae. Sila ay nauugnay sa mga balyena at mga dolphin. Sila ay natatangi mula sa mga dolphin bagaman ang salitang "porpoise" ay ginamit upang tukuyin ang anumang maliit na dolphin lalo sa mga mangingisda. Ang pinamakikitang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat ay ang mga porpoise ay may mas maliit na mga tuka at patag na tulad na spade na mga ngiping natatangi mula sa mga konikal na ngiping mga dolphin. Ang salitang porpoise ay hinango sa wikang Pranses na pourpois na posibleng mula sa Medieval Latin porcopiscis (porcus baboy + piscis isda; cf. classical porcus marīnus ("sea hog").[1] Ang mga porpoise ay nahahati sa mga 6 na species na nakatira lahat sa mga karagatan at halos malapit sa baybayin. Ang mga populasyong tubig-sariwa ng mga walang fin na porpoise ay umiiral rin. Tulad ng lahat ng mga may ngiping mga balyena,ang mga porpoise ay mga predator gamit ang mga ekolokasyon ng mga tunog sa anyong sonar upang matagpuan ang mga prey at upang ikoordina ang iba. Kanilang kinakain ang isda, pusit at mga crustacean.
Porpoises | |
---|---|
Phocoena phocoena, harbour porpoise near Denmark | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Artiodactyla |
Infraorden: | Cetacea |
Superpamilya: | Delphinoidea |
Pamilya: | Phocoenidae Gray, 1825 |
Genera | |
See text |
Taksonomiya at ebolusyon
Ang mga porpoise kasama ng mga balyena at mga dolphin ay mga inapo ng mga ungguladong mga tumira sa lupaing hayop na unang pumunta sa mga karagatan noong mga 50 milyong taong nakakaraan. Ang ebidensiyang fossil ay nagmumungkahing ang mga porpoise at mga dolphin ay naghiwalay mula sa kanilang huling karaniwang ninuno noong 15 milyong taong nakakaraan.[2]
Suborder Odontoceti mga balyenang may ngipin
- Infraorder Delphinida
- Superfamily Delphinoidea
- Family Phocoenidae - mga porpoise
- Genus †Haborophocoena[3]
- H. toyoshimai
- Genus Neophocaena
- N. phocaeniodes - mga porpoise na walang palikpik
- Genus †Numataphocoena[4]
- N. yamashitai
- Genus Phocoena
- P. phocoena - harbour porpoise
- P. sinus - vaquita
- P. dioptrica - spectacled porpoise
- P. spinipinnis - Burmeister's porpoise
- Genus Phocoenoides
- P. dalli - Dall's porpoise
- Genus †Septemriocetus[5]
- S. bosselaersii
- Genus †Haborophocoena[3]
- Family Phocoenidae - mga porpoise
- Superfamily Delphinoidea
- Genus †Piscolithax
- P. aenigmaticus
- P. longirostris
- P. boreios
- P. tedfordi
- Genus †Piscolithax
Ang kamakailang natuklasang hybrid sa pagitan ng mga lalakeng harbour porpoise at mga babaeng Dall's porpoise ay nagpapakitang ang dalawang species ay aktuwal na kasapi ng parehong henus.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.