Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paskuwa[1] o Paskua[2][3] (Ingles: Passover[4]) ay isang kapistahang Kristiyano. Ipinagdiriwang nito ang pagkakaligtas ng mga Ebreo mula sa Ehipto. Nagmula ang pangalan nitong Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa pagsasagawa ng hindi paggamit ng pampaalsa o lebadura sa paggawa ng tinapay sa loob ng linggong ito. Isinasagawa ito mula ika-15 hanggang ika-22 araw sa buwan ng Nisan, na nasa unang mga linggo ng Abril.[5] Sa Bibliya, matatagpuan ito sa Kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo.[6]
Kabilang sa oras ng pagkain o selebrasyong ito ang Kordero ng Paskuwa o Batang Tupa[7] ng Paskuwa (kilalá sa Ingles bílang Passover Lamb). Batay sa kasaysayan, pumatay ng isang batang tupa, ang kordero[7], ang mga Hudyo noong unang Paskuwa at inilagay o ipinahid ang dugo nito sa salalayan o balangkas (palibot na patigas) ng mga pintuan ng mga bahay ng mga tao upang "dumaan sa ibabaw" (pariralang "pass over" sa Ingles) ng tahanan ng mga tao ang Diyos at masagip, maligtas, o hindi masali sa kukuhaning mga búhay ng Diyos ang kanilang mga panganay na anak na laláki.[8] Pinatay ng Anghel ng Kamatayan ang lahat ng mga panganay sa mga tahanan ng mga Ehipsiyo, subalit dumaan lámang ito sa ibabaw at hindi kinuha o pinaslang ang mga nasa tahanang Ebreo.[5]
Ayon sa Bagong Tipan ng Bibliya, si Hesus ang naging "Kordero ng Paskuwa" para sa lahat ng mga tao ng Diyos. Inialay si Hesus upang maligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan.[8] Si Hesus ang Kordero ng Diyos.[8][9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.