Pantelleria
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pantelleria (bigkas sa Italyano: [pantelleˈɾiːa];[3] Siciliano: Pantiḍḍirìa [pandɪɖɖɪˈɾiːa]), ang sinaunang Cossyra o Cossura, ay isang pulo at comune (komuna o munisipalidad) na nasa Kipot ng Sicilia sa Dagat Mediteraneo, na nasa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Trapani, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, 100 kilometro (54 nmi) timog-kanluran ng Sicilia at 60 kilometro (32 nmi) silangan ng baybayin ng Tunisia. Sa maaliwalas na araw ay makikita ang Tunisia mula sa isla.
Pantelleria Pantelleria | |
---|---|
Comune di Pantelleria | |
Panorama ng Pantelleria | |
Mga koordinado: 36°47′15″N 11°59′33″E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Trapani (TP) |
Mga frazione | Kamma, Pantelleria Aeroporto, Scauri, Bagno Dell'Acqua, Bonsulton, Buccaram Di Sopra, Bugeber, Campobello, Contrada Venedise, Cufurà, Gadir, Garitte Karuscia, Khaddiuggia, Khamma Fuori, Località Cimillia, Località Mursia, Località Punta Fram, Località Roncone - Salerno, Località Ziton, Madonna Delle Grazie, Martingana, Mordomo, Penna, San Michele, San Vito, Santa Chiara, Scauri I, Siba - Roncone, Villaggio Tre Pietre |
Pamahalaan | |
• Mayor | Vincenzo Vittorio Campo |
Lawak | |
• Kabuuan | 84.53 km2 (32.64 milya kuwadrado) |
Taas | 836 m (2,743 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 7,759 |
• Kapal | 92/km2 (240/milya kuwadrado) |
Demonym | Panteschi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 91017 |
Kodigo sa pagpihit | 0923 |
Santong Patron | San Fortunato |
Saint day | Oktubre 16 |
Websayt | Opisyal na website |
Ayon sa Italian National Institute of Statistics, ang populasyon ng Pantelleria ay 7,335 noong 2022.[4]
May lawak na 83 km2 (32 mi kuw), ang Pantelleria ay ang pinakamalaking bulkan na pulong satelite ng Sicilia. Ang huling pagsabog ay nangyari sa ibaba ng antas ng dagat noong 1891, at ngayon ay naroroon ang mga phenomena na nauugnay sa aktibidad ng bulkan, tulad ng mga bukal na mainit at mga fumarola. Ang pinakamataas na tuktok, ang Montagna Grande, ay umaabot sa 836 m (2,743 tal) sa itaas ng antas ng dagat. Ang mga taga-isla ay nagsasalita ng Pantesco, isang diyalekto ng Siciliano na naiimpluwensiyahan ng Arabe.
Ang pinakaunang katibayan ng aktibidad ng tao ay nagmula sa panahong Neolitiko na nakikilala sa paggamit nito ng mga kasangkapang obsidio at pagtatayo ng mga estrukturang bato at mga libingan na kilala sa lokal bilang "Sese".[5][6][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.