Palarong Pambansa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Pambansa ay isang taunang paligsahang pampalakasan kung saan nagtutungalian ang mga estudyanteng manlalaro mula sa labing pitong rehiyon sa bansa. Ang palaro ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang mga estudyanteng manlalaro mula sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa mababa at mataas na antas ay maaring makilahok kapag naipanalo nila ang mga palaro sa kani-kanilang mga rehiyon. Para sa mga batang Filpinong estudyateng-manlalaro, ang Palarong Pambansa ay ang pagtatapos ng mga paligsahan ng pampaaralang pampalakasan, na nagsisimula sa lokal na pampaaralang paligsahan, na sinusundan ng paligsahan sa kongresyonal na distrito, panlalawigan, at pangrehiyon na pagkikita ng mga manlalaro. Ang layunin ng Palaro ay ang mga sumusunod:
- Upang isulong ang edukasyong pampisikal at pampalakasan bilang mahalagang bahagi ng pangunahing kurikulum sa edukasyon para sa magkakaugnay na pagunlad ng kabataan;
- Itanim ang diwa ng disipilina, pagtutulungan, kahusayan, patas nalaro, pakikiisa, pakikipagpalakasan, at iba pang mga pagpapahalaga kaugnay ang pampalaksan;
- Isulong at makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pampalaksan;
- Palawigin ang batayan sa pagkikilala sa talento, pagpili, pangangalap, pagsasanay at paglalahad ng mga estudyante sa mababa at mataas na antas upang magsilbing kinatawan sa Pambansang Samahan sa Pampalakasan (NSA) para sa pandaigdigang mga paligsahan; at
- Magtakda ng isang saligan para sa tama at pangkalahatang batayan upang higit pang pagbutihin ang mga palatuntunan sa pagpapalago ng pampaaralang pampalakasan.
Ang legal na bbatayan ng Palarong Pambansa ay nakatala sa pagkakaloob ng 1987 Konstituyong Pilipino Artikulo XIV, Seksyon 19.
Mga kalahok na rehiyon
Code | Region | Pangalan | Mga kulay | Mga tala |
---|---|---|---|---|
BARMMAA | BARMM | Bangsamoro Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao |
Dating Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao. | |
CARAA | CAR | Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera | ||
NCRAA | NCR | Kalakhang Maynila Pambansang Punong Rehiyon |
||
IRAA | Rehiyon I | Ilocos | ||
CAVRAA | Rehiyon II | Lambak ng Cagayan | ||
CLRAA | Rehiyon III | Gitnang Luzon | ||
STCAA | Rehiyon IV-A | Calabarzon | Dating bumubuo sa Rehiyon IV - Timog Katagalugan. | |
MRAA (MIMAROPAA) |
Rehiyon IV-B | MIMAROPA | Dating bumubuo sa Rehiyon IV - Timog Katagalugan. | |
BRAA | Rehiyon V | Bicol | ||
WVRAA | Rehiyon VI | Kanlurang Kabisayaan | ||
CVRAA | Rehiyon VII | Gitnang Kabisayaan | Kabilang ang Negros Oriental na bumubo sa dating Rehiyon ng Pulo ng Negros. | |
EVRAA | Rehiyon VIII | Silangang Kabisayaan | Kabilang ang Negros Occidental na bumubo sa dating Rehiyon ng Pulo ng Negros. | |
ZPRAA | Rehiyon IX | Tangway ng Zamboanga | ||
NMRAA | Rehiyon X | Hilagang Mindanao | ||
DAVRAA | Rehiyon XI | Rehiyon ng Davao | ||
SRAA | Rehiyon XII | Soccsksargen | ||
CARAGA | Rehiyon XIII | Caraga | ||
Mga edisyon sa bawat taon
Talaan ng mga punong-abalang lungsod
Punong-abalang lalawigan | Bilang ng mga pinagunahang palaro |
---|---|
Negros Occidental | 5 |
Kalakhang Maynila | 5 |
Misamis Oriental | 4 |
Camarines Sur | 4 |
Ilolio | 3 |
Leyte | 3 |
Pangasinan | 3 |
Ilocos Sur | 3 |
Kabite | 2 |
Cagayan | 2 |
Quezon | 2 |
Zamboanga del Sur | 2 |
Cebu | 2 |
Timog Cotabato | 2 |
Zamboanga del Norte | 2 |
Albay | 2 |
Davao del Sur | 2 |
Batangas | 1 |
Bohol | 1 |
Misamis Occidental | 1 |
Capiz | 1 |
Ilocos Norte | 1 |
Surigao del Norte | 1 |
Pampanga | 1 |
Isabela | 1 |
Lanao del Norte | 1 |
Palawan | 1 |
Tarlac | 1 |
Negros Oriental | 1 |
Laguna | 1 |
Davao del Norte | 1 |
Antique | 1 |
Punong-abalang lalawigan | Bilang ng mga pinagunahang palaro |
---|---|
Bicol | 10 |
Kanlurang Kabisayaan | 10 |
Ilocos | 7 |
Hilagang Mindanao | 6 |
Calabarzon | 6 |
Kalakhang Maynila | 5 |
Gitnang Kabisayaan | 4 |
Tangway ng Zamboanga | 4 |
Lambak ng Cagayan | 3 |
Silangang Kabisayaan | 3 |
Rehiyon ng Davao | 3 |
Soccsksargen | 2 |
Gitnang Luzon | 2 |
Caraga | 1 |
MIMAROPA | 1 |
Punong-abalang pulo | Bilang ng mga pinagunahang palaro |
---|---|
Luzon (Kalakhang Maynila) | 29 (5) |
Kabisayaan | 17 |
Mindanao | 15 |
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.