rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang MIMAROPA ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan: Mindoro(Occidental Mindoro at Oriental Mindoro), Marinduque, Romblon at Palawan. Ang mga lalawigang ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-B na mga isla sa karagatan ng Kanlurang Dagat Pilipinas. Dalawa lamang ang lungsod sa buong rehiyon na ito: ang Lungsod ng Calapan na matatagpuan sa Oriental Mindoro at ang Puerto Princesa City sa Palawan.
Rehiyon IV-B | |
Sentro ng rehiyon | {{{center}}} |
Populasyon
– Densidad |
2,963,360 {{{density_km2}}} bawat km² |
Lawak | 29621 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
5 2 71 1458 7 |
Wika | Tagalog, Romblomanon, Bantoanon o Asi, Onhan, Cuyonon at mga wikang sinasalita ng mga Mangyan at Palawan. |
Ang Palawan ay naging bahagi ng Rehiyon VI noong 5 Hunyo 2005. Ito ay inilipat sa Kanlurang Visayas mula sa dating "MIMAROPA", sa bisa ng Executive Order No. 429, na nilagdaan noong 23 Mayo 2005.
Kasunod nito ay inilabas naman ang Administrative Order No. 129 noong 19 Agosto 2005, upang bigyang pansin ang anumang epektong idudulot ng naunang kautusan at bilang pag-alalay na rin sa maayos na paraan ng paglilipat ng Palawan mula sa Kanlurang Visayas sa ilalim ng MIMAROPA.
Ang MIMAROPA o Rehiyon IV-B ay isang rehiyon sa bahagi ng Luzon, na may kabuung sukat na 27,455.9 kilometro kwadrado. Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.