From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pagsisiwalat, nagmula sa salitang siwalat, o rebelasyon ay ang pagpapakita ng katotohanan, katulad ng mga itinatadhana ng Diyos.[1] Isa rin itong pagpapakita o pagsasabi sa isang tao ng isang bagay na hindi dating nalalaman ng pinagpakitaan o pinagsabihan.[2] Kaugnay din ito ng pagpapahayag ng mga hula o ang tinatawag na apokalipsis katulad ng nasa Bagong Tipan ng Bibliya.[1] Kakabit pa rin ng Bibliya, ipinahayag ng Diyos ang katotohanan hinggil sa tao at kanilang daigdig sa pamamagitan ng mga sinasaad sa Bibliya, kaugnay ng pagpapakita ng Diyos ng kanyang kapangyarihan at pagmamahal sa tao, na isinagawa niya sa pamamagitan ng kanyang mga "dakilang gawain ng pagliligtas" sa mga ito. Kung minsan, isinisiwalat ng Diyos ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng partikular na mga tao, katulad ng mga propeta at mga alagad o apostol niya. Isang halimbawa ng propeta ng Diyos ang anak niyang si Hesus na nagsiwalat ng kung sino ang Diyos at kung gaano kamahal ng Diyos ang tao.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.