From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa Klasikong Antikwidad, ang isang orakulo ay isang taon o ahensiyang itinuturing na nakikipag-ugnayan ng mga matatalinong payo o mga hula o mga prekognisyon ng hinaharap na napukaw ng mga diyos. Sa gayon, ito ay isang anyo ng dibinasyon. Ang orakulo ay nagmula sa pandiwang wikang Latin na ōrāre "na magsalita" at tumutukoy sa saserdote o saserdotisa na bumibigkas ng hula. Ito ay maaari ring tumukoy sa lugar ng orakulo o sa mga mismong pahayag na orakular na tinatawag sa Griyegong khrēsmoi (χρησμοί). Ang mga orakulo ay pinaniniwalang mga portal kung saan ang mga diyos ay direktang nangungusap sa mga tao. Sa kahulugang ito, sila ay iba sa mga seer (manteis, μάντεις) na nagpakahulugan sa mga tandang ipinadala ng mga diyos sa pamamagitan ng mga tanda ng ibon, mga lamang loob ng mga hayop at iba't ibang mga paraan.[1]
Ang pinakamahalagang mga orakulo ng Sinaunang Gresya ang Pythia na saserdotisa ni Apollo sa Delphi at orakulo ni Dione at Zeus at Dodona sa Epirus. Ang ibang mga templo ni Apollo ay natagpuan sa Didyma sa baybayin ng Asya menor sa Sinaunang Corinto at Bassae sa Peloponneses at sa mga kapuluan ng Delos at Aegina sa Dagat Egeo. Ang mga orakulong sibilina ay isang kalipunan ng mga pahayag na orakular na isinulat sa mga heksametrong Griyego na itinuturo sa mga Sybil na mga propetisa na naghayag ng mga pahayag ng diyos sa isang estadong kabaliwan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.