Novy Urengoy
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Novy Urengoy (Ruso: Но́вый Уренго́й) ay isang lungsod sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug, Rusya.
Novy Urengoy Новый Уренгой | |||
---|---|---|---|
Gitnang liwasan ng Novy Urengoy sa taglamig | |||
| |||
Mga koordinado: 66°05′N 76°41′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Yamalo-Nenets Autonomous Okrug[1] | ||
Itinatag | 1975 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1980 | ||
Pamahalaan | |||
• Pinuno | Ivan Kostogriz | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 111 km2 (43 milya kuwadrado) | ||
Taas | 40 m (130 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 104,107 | ||
• Ranggo | 155th in 2010 | ||
• Kapal | 940/km2 (2,400/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng kahalagahang okrug ng Novy Urengoy[1] | ||
• Kabisera ng | Lungsod ng kahalagahang okrug ng Novy Urengoy[1] | ||
• Urbanong okrug | Novy Urengoy Urban Okrug[3] | ||
• Kabisera ng | Novy Urengoy Urban Okrug[3] | ||
Sona ng oras | UTC+5 ([4]) | ||
(Mga) kodigong postal[5] | |||
(Mga) kodigong pantawag | +7 3494 | ||
OKTMO ID | 71956000001 | ||
Websayt | newurengoy.ru |
Itinatag ito noong 1975 kasunod ng pagkakatuklas ng Urengoy gas field na isa sa pinakamalaki sa Rusya. Binigyan ito ng katayuang panlungsod noong 1980.
Ang Novy Urengoy ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Lubhang napakaginaw at napakahaba ang mga taglamig kalakip ng katamtamang mga temperatura mula −30 °C (−22 °F) hanggang −22 °C (−8 °F) sa Enero. Banayad at maigsi naman ang mga tag-iniy kalakip ng katamtamang mga temperatura mula +10 °C (50 °F) hanggang +18 °C (64 °F) sa Hulyo. Katamtaman ang pag-uulan ngunit mas-mabigat sa tag-init kaysa ibang mga bahagi ng taon.
Datos ng klima para sa Novy Urengoy | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | −22 (−8) |
−21 (−6) |
−13 (9) |
−6 (21) |
1 (34) |
11 (52) |
18 (64) |
15 (59) |
8 (46) |
−3 (27) |
−13 (9) |
−18 (0) |
−3.6 (25.6) |
Katamtamang baba °S (°P) | −30 (−22) |
−30 (−22) |
−23 (−9) |
−17 (1) |
−7 (19) |
4 (39) |
10 (50) |
8 (46) |
2 (36) |
−9 (16) |
−20 (−4) |
−26 (−15) |
−11.5 (11.3) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 27 (1.06) |
20 (0.79) |
24 (0.94) |
25 (0.98) |
34 (1.34) |
48 (1.89) |
57 (2.24) |
64 (2.52) |
61 (2.4) |
45 (1.77) |
36 (1.42) |
30 (1.18) |
471 (18.53) |
Sanggunian: World Climate Guide[6] |
Isang pangunahing industriya sa Novy Urengoy ang produksiyon ng langis at gas. Malapit sa lungsod ang isa sa pinakamalaking mga gas field sa mundo, at may maraming mga pag-aasam para sa karagdagang panggangalugad. Pangunahing pampook na may patrabaho ang kompanyang Gazprom, na pag-aari ng pamahalaan.
Matatagpuan ang lungsod sa linyang daambakal ng Tyumen–Novy Urengoy. Pagbiyahe pahilaga mula Tyumen, ang Novy Urengoy ay ang pinakahuling mahalagang estasyon. Dating mahalagang estasyon ang Noyabrsk.
Nasa kahabaan ng Daambakal ng Salekhard–Igarka (o "Dead Road") ang lungsod. Ginagamit ang bahaging Novy Urengoy papuntang Stary Nadym bilang isang mahalagang pangkargamentong daambakal.
Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Novy Urengoy.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.