Nadym
lungsod sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia
lungsod sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nadym (Ruso: Нады́м) ay isang lungsod sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug, Russia. Ito ay nasa Ilog Nadym.
Nadym Надым | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 65°32′N 72°31′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Yamalo-Nenets Autonomous Okrug[1] | ||
Itinatag | 1598 (unang binanggit), 1968 (muling itinatag) | ||
Katayuang lungsod mula noong | Marso 9, 1972 | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Leonid Dyachenko | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 307 km2 (119 milya kuwadrado) | ||
Taas | 6 m (20 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 46,611 | ||
• Kapal | 150/km2 (390/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng kahalagahang okrug ng Nadym[1] | ||
• Kabisera ng | Nadymsky District[1], Lungsod ng kahalagahang okrug ng Nadym[1] | ||
• Distritong munisipal | Nadymsky Municipal District[3] | ||
• Urbanong kapookan | Nadym Urban Settlement[3] | ||
• Kabisera ng | Nadymsky Municipal District[3], Nadym Urban Settlement[3] | ||
Sona ng oras | UTC+5 ([4]) | ||
(Mga) kodigong postal[5] | 629730 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 3499 | ||
OKTMO ID | 71936000001 | ||
Websayt | gorod-nadym.ru |
Dumadaan sa lungsod ang 1,524 milimetro (5 talampakang) malapad na gauge na Daambakal ng Salekhard–Igarka (tinatawag ding "The Dead Road").
May tatlong mga pagsasalin mula sa wikang Nenets:
Ang unang pagbanggut ng pangalan ng lungsod ay noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon.[6] Lumilitaw ang pangalang "Nadym" sa mga mapang Ruso mula sa huling bahagi ng ika-17 dantaon, at palathalang nakatala ang Ilog Nadym sa pasimula ng ika-18 dantaon sa "Drawing Book of Siberia" ng heograpo, kartograpo, at topograpong Ruso ng Semyon Remezov and sons, na ginuhit noong 1699–1701. Sa mapa ng lalawigan ng Tobolsk noong 1802, nakatanda na ang Nadym na may malaking populasyon. Sa kasalukuyan, ito ay nasa 32 kilometro mula sa bukana ng Ilog Nadym na tinukoy bilang bunton ng Nadym.[7]
Itinatag noong 1929 ang isang kabukirang reyndir na "Nadym" sa kanang pampang ng ilog. Ngunit binuwag ito 1934 at ginawa itong pabrika.
Noong taglagas ng 1967, pinili ang sityo bilang reperensiyang balangkas para sa pagpapaunlad ng isang panrehiyon na depositong nagtataglay ng gas. Dahil sa napapaligiran ito ng maraming mga lawa at nasa mataas na tuyong lugar, pinili ito para sa isang patakbuhan para sa industriya ng kompanyang panghimpapawid. May kaliitan ito at nasa layong 12 kilometro mula sa Ilog Nadym kung saang hinango ang pangalan nito. Pagsapit ng mga dekada-1950 at 1960, sinimulang tawagin ang nayon na "Bagong Nadym" ("New Nadym").
Kalinya ng mabilis na hakbang ng pagpapaunlad nito, naglikha ang kompanya ng gas ng Medvezhye gas field, na may layong gawing isang sentrong panlipunan at pangkalinangan ng Hilaga ng Tyumen ang Nadym. Noong Agosto 1971, idinaos ang groundbreaking ceremony para sa unang pangunahing gusali, at noong Marso 9, 1972 sa pamamagitan ng kautusan ng Unang Kalihim ng Unyong Sobyet sinapi ang pamayanang industriyal ng Nadym sa loob ng Distritong Munisipal ng Nadymsky bilang Nadym Urban Settlement.[3][8]
Ang pangunahing negosyo sa lungsod ay ang "Nadymgazprom". Isa ito sa mga sangay ng kompanyang gas na Gazprom na bumubuo sa humigit-kumulang 11% ng pinanggagalingang gas sa Rusya. Gayon din, nasa lungsod ang pinakamalaki sa nagsasariling mga naglilikha ng gas, ang "NOVATEK" (Yurkharovskoye field).
Ang malaking mga kompanya sa konstruksiyon ay "Arktikneftegazstroy", "Severgazstroi", at "Nadymdorstroy." Kasama dati ang kompanyang "Severtruboprovodstroy," subalit idineklara itong bangkarote noong Abril 2011.
Sa produksiyon ng langis at gas na nakabase sa Nadym, ang "RITEKNadymneft" (isang sangay ng JSC "RITEK") ay namuno sa pagpapausbong ng mga minahan ng langis ng Sandibinskogo at Mid-Khulymsk.
Nakararanas ang Nadym ng klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Matindi ang klima, kalakip ng mga temperaturang kasingbaba ng −57.7 °C (−71.9 °F) at kasingtaas ng +34.7 °C (94.5 °F). Ngunit karaniwang napakalamig ang rehiyon, na may katamtamang temperatura ng −5.4 °C (22.3 °F). Likas na mababa ang presipitasyon; 496 millimetro (19.5 pul) sa bawat taon. Mas-mabigat ang pag-ulan sa tag-init kaysa sa taglamig.
Datos ng klima para sa Nadym (1959-2012) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 1.7 (35.1) |
1.0 (33.8) |
10.6 (51.1) |
20.7 (69.3) |
29.6 (85.3) |
34.2 (93.6) |
34.7 (94.5) |
32.6 (90.7) |
25.7 (78.3) |
17.0 (62.6) |
7.0 (44.6) |
10.1 (50.2) |
34.7 (94.5) |
Katamtamang taas °S (°P) | −19.4 (−2.9) |
−18.0 (−0.4) |
−9.0 (15.8) |
−2.8 (27) |
4.5 (40.1) |
15.2 (59.4) |
20.9 (69.6) |
16.3 (61.3) |
9.4 (48.9) |
−1.0 (30.2) |
−11.9 (10.6) |
−16.5 (2.3) |
−0.9 (30.4) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −23.7 (−10.7) |
−22.6 (−8.7) |
−14.6 (5.7) |
−8.2 (17.2) |
−0.1 (31.8) |
10.0 (50) |
15.7 (60.3) |
11.8 (53.2) |
5.8 (42.4) |
−4.0 (24.8) |
−15.8 (3.6) |
−20.9 (−5.6) |
−5.4 (22.3) |
Katamtamang baba °S (°P) | −28.3 (−18.9) |
−27.3 (−17.1) |
−20.0 (−4) |
−13.7 (7.3) |
−4.2 (24.4) |
5.4 (41.7) |
10.4 (50.7) |
7.8 (46) |
2.8 (37) |
−7.0 (19.4) |
−20.0 (−4) |
−25.5 (−13.9) |
−9.8 (14.4) |
Sukdulang baba °S (°P) | −57.7 (−71.9) |
−52.2 (−62) |
−47.1 (−52.8) |
−39.2 (−38.6) |
−25.6 (−14.1) |
−8.1 (17.4) |
−0.9 (30.4) |
−5.0 (23) |
−9.7 (14.5) |
−34.7 (−30.5) |
−47.5 (−53.5) |
−50.4 (−58.7) |
−57.7 (−71.9) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 24.3 (0.957) |
19.2 (0.756) |
23.0 (0.906) |
27.3 (1.075) |
36.6 (1.441) |
57.1 (2.248) |
68.6 (2.701) |
70.5 (2.776) |
57.0 (2.244) |
51.3 (2.02) |
33.8 (1.331) |
27.6 (1.087) |
496.3 (19.539) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 18.6 | 15.5 | 15.8 | 13.4 | 14.3 | 13.6 | 12.7 | 15.9 | 16.0 | 20.0 | 18.9 | 19.1 | 193.8 |
Sanggunian: climatebase.ru |
Magkakambal ang Nadym sa:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.