From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Nirmal "Nims" Purja MBE (Nepali: निर्मल पुर्जा; ipinanganak noong Hulyo 25, 1983[1]) ay isang namumundok mula sa Nepal na may lahing Magar[2][3] at may hawak ng tala sa mundo ng maramihang pamumundok. Bago siya namundok, nagsilbi siya sa Hukbong Sandatahang Britaniko bilang isang Gurkha mula sa Nepal, at isang kasapi ng Special Boat Service (SBS), ang natatanging yunit ng puwersa ng Real na Hukbong-dagat. Kilala si Purja sa kanyang pag-akyat sa lahat ng 14 na walong-libubuhin (mga bundok na may tutok na higit sa 8,000 metro o 26,000 talampakan) sa Daigdig sa tala na 6 na buwan at anim na araw sa tulong ng nakaboteng oksiheno.[4] Siya rin ang unang nakaabot ng tuktok ng Bundok Everest, Lhotse at Makalu sa loob ng 48 oras. Noong 2021, si Purja, kasama ang isang pangkat ng siyam na iba pang namumundok na taga-Nepal, ang matagumpay na natapos ang kauna-unahang pag-akyat sa K2 ng Pakistan sa panahon ng taglamig.[5][6][7]
Ipinanganak si Nirmal Purja sa Distrito ng Myagdi[1] malapit sa Dhaulagiri, sa 1,600 m sa ibabaw ng antas ng dagat at lumaki sa Distrito ng Chitwan.[8] Sumali siya Brigada ng mga Gurkha noong 2003 at sa Special Boat Service noong 2009.[9] Nagsilbi siya sa natatanging puwersa bilang espesyalista sa pakikidigma sa panahong malamig.[10] Umalis siya sa militar noong 2018 bilang isang Soldado de Primera o Lance Corporal[11] upang ituon ang sarili sa pamumundok.
Nagawa niya ang kanyang pangunahing pag-akyat noong 2012, na inabot ang tuktok ng Silangang Lobuche na walang nakaraang karanasan bilang isang namumundok. Noong Mayo 18, 2014, nagawa niya ang unang pag-akyat sa isang walong-libubuhin sa pag-abot ng tuktok ng Dhaulagiri (8,167 metro) sa loob ng isang pabalik na paglalakbay na 15 araw lamang.[12]
Noong Mayo 13, 2016, naabot ni Purja ang Bundok Everest, ang kanyang ikalawang walong-libubuhin.[12] Noong Mayo 15, 2017,[12] pinamunuan ni Purja ang Ekspedisyong Gurkha na "G200E", na naabot ang tuktok ng Everest kasama ang 13 Gurkha upang alalahanin ang 200 taon ng serbisyo ng Gurkha sa Hukbong Britaniko.[13] Noong Hunyo 9, 2018, hinirang siya bilang Kasapi ng Orden ng Imperyong Britaniko (Member of the Order of the British Empire o MBE) ni Reyna Elizabeth II[11] para sa kanyang namumukod-tanging gawa sa mataas na altitud na pamumundok.
Kasama ang isang plano na makumpleto ang 14 na tuktok sa pitong buwan, nagawa ni Purja abg kanyang unang walong-libubuhin na tuktok noong Abril 23, 2019 at nakumpleto ang unang yugto ng anim na tuktok sa kanyang "Project Possible 14/7" (Posibleng Proyekto 14/7"[8] noong Mayo 24, 2019: Annapurna, Dhaulagiri, Kanchenjunga, Bundok Everest, Lhotse at Makalu.[8] Umakyat siya kasama ang mga Sherpa na sina Mingma Gyabu “David” Sherpa, Lakpa Dendi (Zekson Son), Geljen Sherpa at Tensi Kasang, na kabilang sa ibang namumundok. Naakyat ang huling limang tuktok sa 12 araw lamang. Nabasag niya ang narakaan niyang Pandaigdigang Tala ng Guinness sa pag-akyat ng Bundok Everest, Lhotse, at Makalu sa loob 2 araw at 30 minuto.[12][14][15][16][17][18]
Nakumpleto ni Purja ang ikalawang yugto noong Hulyo 2019, na inakyat ang Nanga Parbat (8126 m, Hulyo 6), Gasherbrum I (8080 m, Hulyo 15), Gasherbrum II (8034 m, Hulyo 18), K2 (8611 metro, Hulyo 24) at Tuktok ng Broad (8047 m, Hulyo 26), na lahat sa Pakistan.[19][20] Nagsimula ang ikatlo at huling yugto noong Setyembre 2019. Naabot niya ang tuktok ng Cho Oyu (8188 m, Tibet, Tsina) noong Setyembre 23 at Manaslu (8163 m, Nepal) noong September 27. Noong Oktubre 1, 2019, pumayag ang mga awtoridad na mga Tsino na bigyan si Purja at kanyang pangkat na akyatin ang Shishapangma (8027 m, Tibet, China) noong panahon ng taglagas, sa hiling ng pamahalaan ng Nepal.[21] Umalis si Purja sa Nepal tungo sa Tibet noong Oktubre 18, 2019, na pinamunuan ang ekspedisyon na may limang kasapi upang akyatin ang bundok[22] at nakumpleto ang Project Possible 14/7 sa matagumpay na pag-akyat sa tuktok noong Oktubre 29 gamit ang suplementong oksiheno.[23][24]
Si Nirmal Purja, kasama ang siyam pa na iba sa mga namumundok na taga-Nepal, ay gumawa ng kasaysayan noong Enero 16, 2021 bilang ang unang umakyat sa K2 sa malupit na kondisyon ng panahon ng tag-niyebe. Ang kanyang pangkat na binubuo nina Mingma David Sherpa, Mingma Tenzi Sherpa, Geljen Sherpa, Pem Chiri Sherpa, Dawa Temba Sherpa at si Nirmal mismo, ay umanib sa pangkat nina Mingma Gyalje Sherpa (Mingma G), Dawa Tenjin Sherpa at Kilu Pemba Sherpa, at Sona Sherpa mula sa Seven Summits Treks at matagumpay na umakyat sa K2 sa ganap na 16:58 lokal na oras sa Pakistan.[25][5][6][7] Ito ang unang matagumpay na ekspedisyon sa panahon ng taglamig sa K2 pagkatapos ng ilang beses na pagsubok simula noong 1987. Si Purja lamang ang tanging kasapi ng pangkat ang umakyat sa tuktok na walang gamit na suplementong oksiheno,[2][26] na naging unang indibiduwal na nakagawa na ito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.