From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang NG [malaking anyo], at Ng [malaking anyo rin], o ng [maliit na anyo] (bagong gawi ng pagbigkas: /endzi/ at /nang/ kung nag-iisa; lumang pagbigkas: /nga/) ay isang digrapo ng alpabetong Latin. Sa wikang Tagalog, ito ang pinagsamang mga titik na na N at G o g (palaging una ang titik na N). Ito ang panlabinlimang titik sa makabagong alpabetong Tagalog, at ang ikalabing-dalawa sa lumang abakadang Tagalog.[1]
Sa Tagalog, Ingles at ilan pang mga palabaybayang Europeo at mula sa Ingles, karaniwang inilalarawan nito ang pang-ngalangalang pailong (velar nasal), na may tunog na ŋ sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (International Phonetic Alphabet).
Sa maraming wikang Austronesyo, tulad ng Maori, Indones at Tagalog, at ng Gales, ang "ng" ay may kurespondensiya sa ŋ. Kasalukuyang ika-16 titik ang "ng" sa alpabetong Filipino.
Orihinal na inilalarawan ng "ng" ang tunog na [ŋg] noong panahon ng mga Espanyol sa Tagalog at iba pang mga wika ng Pilipinas. Inilarawan noon ang pangngalangalang pailong sa iba't ibang anyo, tulad ng "n͠g", "ñg", "gñ" (tulad ng Sagñay), at isang titik "g̃" na sumunod sa isang patinig (at hindi katinig). Noong isinapamantayan ang Tagalog sa unang bahagi ng ika-20 siglo, ginawang "ng" ang [ŋ] habang naging "ngg" ang [ŋg].
Sa balarilang Tagalog, ang "ng" ay isang pang-ukol na henitibong marka kapag ito ay nag-iisa. Madalas, at hindi dapat, itong ipagkamali sa pang-halip na marka na "'nang". Sa paggamit, gumaganap itong katumbas ng salitang "of" sa Ingles, kapag binibigkas na /nang/; halimbawa: "Ang pangalan ng bata." Ginagamit din itong pang-ari (kapag nasa possessive case) o pamalit sa katumbas ng "'s" at "s'" sa Ingles; halimbawa: "Ang panyo ng dalaga" (The maiden's handkerchief). Ang "ng" din ang nagpapakilala sa tuwirang paksa o bagay na kaugnay (direct object) ng pandiwang transitibo (transitive verb) sa loob ng isang pangungusap - halimbawa ang "Nagtitinda siya ng palay." At, ang ng din ang nagpapakilala sa gumagawa o gumaganap ng kilos (katumbas ng by sa Ingles), halimbawa ang: "Hinabol ng pusa ang daga."[1]
Magkaiba ang paggamit ng nang at ng. Ang "nang" ay ginagamit na kasingkahulugan ng "noong" o "upang"; para pagsamahin ang "na" at "ang"; para pagsamahin ang "na" at "ng"; para pagsamahin ang "na" at "na"; para magsaad ng paraan; at bilang pang-angkop ng pandiwang inuulit.
Mga halimbawa:
Ang "ng" naman ay ginagamit kung sinusundan ng pangngalan, pang-uri, o pamilang.
Mga halimbawa:
May mga pagkakataon na parehong tama ang paggamit ng "nang" at "ng" sa pangungusap o tama sa balarila ngunit magkaiba ng pakahulugan at kagamitan.
Halimbawa:
Parehong tama ang dalawang pangungusap ngunit magkaiba ng pakahulugan. Ang unang pangungusap ay nagbibigay ng diin na dapat ngayon na o sa sandaling ito dapat ng kumuha na ng papel ang inuutusan. Maaaring isulat ito na "Kumuha ka na ng papel". Samantalang ang ikalawang pangungusap ay naguutos lang na kumuha ng papel.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.