Mitolohiyang Pilipino

Philippine Mythology From Wikipedia, the free encyclopedia

Mitolohiyang Pilipino
Remove ads
Remove ads

Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Hanggang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.

Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan.

Remove ads

Kasaysayan at impluwensiya ng mga Asyano

Bago dumating ang mga sina-unang Pilipino ay mayroon na ng mga sariling relihiyon tulad ng Animismo; ang pagsamba sa kalikasan, at Paganismo. Ang mga paniniwala nila ay inipluwensiyahan ng mga banyaga lalo na ang mga Indiyano, Malay at Indones at ibang mga Asyano na lumahok sa pangangalakal sa

  • Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay kilala bilang Maykapal

Pilipinas. Si Bathala ay may pagkakatulad sa diyos ng mga Indones na si Batara Guru at ng mga Indiyano na si Shiva, habang ang Indiyanong Epiko na Ramayana at Mahabharata ay isinalin sa katutubong wika ng Pilipino at maraming salin ito sa iba't ibang relihiyon ng mga katutubong Pilipino. Ang mga impluwensiya na ito ay idinala ng mga nangangalakal mula sa karatig na mga bansa noong nabuhay pa ang Indiyanong kaharian sa Thailand, Malaysia at Indonesia. Ang mga diyos sa mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa pagdating ng mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mga Espanyol ay naging agresibo sa kanilang kampanya laban sa mga katutubong relihiyon na naging resulta sa diskriminasyon sa mga hindi Kristyano. Inutos ng Simbahang Katoliko na isunog at itapon ang mga anito ng mga Pilipino at lahat ang mahuhuli na sumasamba sa mga anito ay susunugin o kaya paparusahan. Sa modernong panahon ngayon marami pa rin ang naniniwala.

Pinagmulan at sangunian ng Mitolohiyang Pilipino

Ang dalawang mahalagang pinagmulan ng mitolohiyang Pilipino ay oral at nakasulat na panitikan.

Berbal na Panitikan

Ang kwentong pasa pasa o beral na panitikan (kilala rin bilang panitikang bayan) ay binubuo ng mga kwentong ipinapasa mula henerasyon hanggang henerasyon sa pamamagitan ng pagsasalita o awitin. Lahat ng mitolohiya ng Pilipinas ay nagmula o nagsimula bilang kwentong pasa pasa o kwentong pinapasa sa pamamagitan ng pag ku-kwento, bilang oral na panitikan. Ang mga kwento ay likas na nagbabago at lumalawak sa paglipas ng panahon. Sa kabila ng maraming pagtatangkang maitala ang mga ito, karamihan ay hindi pa rin lubusang nadodokumento. Ang mga tradisyong ito ay sadyang ginulo ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mitolohiyang Kristiyano noong ika-16 na siglo. Ilang halimbawa nito ay ang Biag ni Lam-ang at ang Alamat ni Bernardo Carpio, kung saan ang ilang tauhan ay binigyan ng pangalang Espanyol at binago ang kanilang pinagmulan upang ipakita ang impluwensya ng mga mananakop. Sa ika-21 siglo, muling lumago ang interes sa oral na panitikan dahil sa sigla ng kabataan, kasama ng mga likhang pampanitikan, telebisyon, radyo, at social media.[1]

Nakasulat na Panitikan

Ipinahayag ng mga kronikang Espanyol na wala umanong nakasulat na relihiyosong panitikan ang katutubong populasyon ng Pilipinas. Gayunpaman, sumasang-ayon ang mga iskolar na ang mga pahayag na ito ay maaaring bunga ng kagustuhan ng mga kolonisador na balewalain ang hindi nila sinasang-ayunan. Halimbawa, sinabi ng kronikang Espanyol na si Chirino na walang relihiyosong sulatin ang mga katutubo, ngunit sa parehong ulat, inilarawan niya ang isang katutubo na may hawak na isang aklat ng katutubong tula. Ginamit ito ng mga katutubo upang ipahayag ang isang "sinadyang kasunduan" sa isang nilalang na itinuring ng mga Espanyol bilang "demonyo," na sa konteksto ng mga katutubo ay isang diyos at hindi isang demonyo. Iniutos ng mga Espanyol na sunugin ang aklat. Itinala rin ni Beyer ang isang pagkakataon kung saan ipinagmamalaki ng isang paring Espanyol na sinunog niya ang higit sa tatlong daang balumbon ng mga sulatin na nakasulat sa katutubong sistema ng pagsusulat. Maging ang mga lumang tala ng mga Tsino ay nagpapatunay sa pagkakaroon ng mga katutubong relihiyosong teksto mula sa Pilipinas. Noong 1349, isinulat ng Tsino na si Wang Ta-yuan na ang mga biyuda ng mahahalagang pinuno ay ginugugol ang kanilang natitirang buhay sa pagbasa ng mga relihiyosong aklat.

Ayon sa mga ulat ng mga Espanyol, ang mga katutubo ay sumusulat sa mga dahon at tambo gamit ang bakal na panulat at iba pang lokal na gamit, katulad ng pagsusulat sa papyrus. Ang mga ito ay inaayos bilang mga balumbon o aklat, at ang ilan ay itinatala rin sa kawayan.[2]

Isinulat ni Juan de Plasencia ang Relacion de las Costumbres de Los Tagalos noong 1589, na nagdodokumento sa mga kaugalian ng mga Tagalog. Sinundan ito ni Miguel de Loarca sa kanyang akdang Relacion de las Yslas Filipinas, at ni Pedro Chirino sa Relacion de las Yslas Filipinas (1604). Ang mga aklat tungkol sa Anitismo ay inilathala ng iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, tulad ng Mindanao State University, University of San Carlos, University of the Philippines, Ateneo Universities, Silliman University, at University of the Cordilleras, pati na rin ng iba pang publisher tulad ng Anvil Publishing. Ang mga publikasyong ito ay sumasaklaw mula ika-16 hanggang ika-21 siglo. Mayroon ding mga nakalimbag ngunit hindi naipapublish na mga sanggunian, kabilang ang mga tesis sa kolehiyo at gradwadong paaralan.

Ang nakasulat na panitikan ay hindi nagbibigay ng tiyak na salaysay ng isang partikular na kwento, dahil ang mga bersyon nito ay nag-iiba-iba sa bawat bayan, kahit na sa loob ng iisang pangkat-etniko. Ilang halimbawa nito ay ang Bakunawa at ang Pitong Buwan at Ang Tambanokano, na may iba’t ibang detalye depende sa lokasyon, pangkat-etniko, pinagmulan ng kwento, at pag-usbong ng kultura.[3][4][5][6]

Remove ads

Mga Anito, diwata at bathala

Anito o Anitu sa mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga espiritu ng mga ninuno,[7] mga kaluluwa ng namatay, mga masasamang espiritu, at mga kahoy na idolong sumasagisag o pinananahanan ng mga ito.[8] Ang pag-anito ay isang ritwal kung saan ang mga babaylan o shaman ay nakikipag-ugnayan sa mga espiritu ng mga namatay at mga espiritu ng ninuno, pati na rin sa masasamang espiritu.[7][9]

Ang mga Diwata sa mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga engkantada, espiritu ng kalikasan, nilalang ng langit, at mitolohikal na mga diyos.[10][11] Ang pagdiwata ay isang ritwal ng pagbibigay-pugay, paggalang, at pagsamba sa mga diyos at espiritu ng kalikasan.[7]

Thumb
Isang simbolo ni Bathala, ang kataas-taasang diyos ng mga Tagalog. Ang simbolo ay nagpapakita rin ng isang tapat na anito sa ibabang bahagi at isang ibong tigmamanukan, na minsan ay maling inilalarawan bilang isang sarimanok.
Thumb
Ang Bulkang Mayon, na nasa loob ng Albay UNESCO biosphere reserve, ay pinaniniwalaang sumibol mula sa pinaglibingan ng magkasintahang sina Magayon at Pangaronon. Nang maglaon, pinili ito ng kataas-taasang diyos ng mga Bicolano, si Gugurang, bilang kanyang tirahan at imbakan ng sagradong apoy ng Ibalon.
Thumb
Si Namtogan, isang diyos na may paraplegia, ay sinasabing nagturo sa mga Ifugao kung paano lumikha ng mga Bulul na estatwa. Ang mga ito ay nagsisilbing sagisag ng mga diyos ng palay. Binabanyusan ang mga ito ng dugo ng hayop at minsan ay binibigyan ng alak sa mga ritwal na ginaganap ng isang mumbaki (shaman ng Ifugao).

Bawat pangkat-etniko ay may kanya-kanyang hanay ng mga diyos. Ang ilan ay may kataas-taasang diyos, habang ang iba naman ay sumasamba sa mga espiritu ng ninuno at/o espiritu ng kalikasan. Ang paggamit ng salitang "diwata" ay karaniwang matatagpuan sa Gitnang at Katimugang Pilipinas, samantalang ang "anito" ay mas ginagamit sa Hilagang Pilipinas. Sa ilang lugar na nasa pagitan ng mga rehiyon, parehong ginagamit ang dalawang termino.

Ang salitang diwata ay maaaring nagmula sa salitang Sanskrit na devata (diyos), samantalang ang anito ay maaaring hinango mula sa sinaunang salitang Malayo-Polinesyo na qanitu at ang Proto-Austronesian na qanicu, na parehong nangangahulugang espiritu ng mga ninuno. Parehong diwata at anito ay walang tiyak na kasarian at maaaring tumukoy sa mga diyos, espiritu ng ninuno, at/o mga tagapangalaga, depende sa pangkat-etniko.

Ang konsepto ng diwata at anito ay maihahalintulad sa mga kami ng Shinto sa Japan. Subalit, noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, sadyang binago ang kahulugan ng mga salitang ito upang umayon sa paniniwala ng Kristiyanismo. Pinalitan ng mga Espanyol ang kahulugan ng diwata upang maging "engkantada" o "lambana", habang ang anito ay nanatili bilang "mga ninuno at espiritu"at ang iba ay "masamang espiritu". Sinang-ayunan at pinalawig ng mga Amerikano ang pagbabagong ito noong ika-20 siglo.[12][13]

Sa mga lugar na hindi nasakop ng Espanya, nananatili ang orihinal na kahulugan ng mga salitang ito.[14][15][16][17]


Remove ads

Anito - Mga Masamang Espiritu

Ang mga masasamang anito o mga diyos-dyosan ay klase ng masasamang espiritu o demonyo sila ang mga yawa, pati na rin mga supernatural na nilalang, na karaniwang kilala bilang aswang, yawa, o mangalo (o mangalok, mangangalek, o magalo) sa mga Tagalog at Bisaya. Maraming uri ng aswang na may partikular na kakayahan, ugali, o hitsura. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sigbin, wakwak, tiyanak, at manananggal.Itinuturing silang kampon ng kadiliman, at hindi katulad ng mga karaniwang anito na maaaring lapitan gamit ang mga alay o dasal, ang mga diyos-diyosan na ito ay walang awa at hindi tumatanggap ng anumang sakripisyo o handog. Dahil dito, ang mga kaugnay na gawain patungkol sa kanila ay kadalasang nakatuon sa pagtataboy, pagpapaalis, o pagsira sa kanila. Hindi sila binabanggit o kinikilala sa mga seremonyang relihiyoso, sapagkat hindi sila sinasamba kundi kinatatakutan. Sa ilang kuwentong-bayan, sinasabi na ang mga ito ay dating anito o mga sinaunang diyos na inabandona o isinumpa. Dahil dito, sila ay naging mga diyos-diyosan ng lahing aswang, na tila ba may sariling mundo o lipi sa dilim. Sinasabing may mga lahi o pamilya ng mga aswang na may sariling paniniwala at pinamumunuan ng makapangyarihang espiritu o "anito" na nagbibigay ng kapangyarihan kapalit ng kaluluwa o kabutihan ng tao.[18][19][20][21][22][23]

Diwata at Anito sa Kasalukyang Paniniwala at Mitolohiyang Pilipino

Ang makabagong pang-unawa ng mga Pilipino sa diwata ay sumasaklaw sa mga kahulugan tulad ng engkantado, musa, nimpa, diyosa ng kalikasan, o maging mga diyos at diyosa. Pinaniniwalaang nagmula ang salitang ito sa Sanskrit na devata (diyos o diyosa).[12][13][24][25]

Katulad nito, ang terminong Anito—na malawakang nauunawaan ngayon bilang mga kahoy na idolo[26][27], mga espiritu ng ninuno, masasamang espiritu[28][29], at mga espiritu ng namatay—ay maaaring nagmula sa proto-Malayo-Polynesian na qanitu at proto-Austronesian na qanicu, na parehong nangangahulugang espiritu ng ninuno, espiritu ng patay, masasamang espiritu, at mga kahoy na idolo na kumakatawan sa kanila.[30][31][32][33][34][35]

Remove ads

Si Bathala at ang mga bathala o mga diwata ng kaitaasan

Sa katutubong relihiyon ng mga sinaunang Tagalog, si Bathalà/Maykapál ang kataas-taasang Diyos, ang diwata ng mga diwata, diwata ng mga anito at ang bathala ng mga tao at mortal. Si Bathala ang tagapaglikagapamahala ng sansinukob. Bathala[36] Siya ang pinakamakapangyarihang diyos at kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal (maylikha). Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tagalog na siya ang hari ng mga diwata at punong diyos o pinaka-ama ng lahat ng mga mas mababang diyos katulad nina Maria Makiling, Minukawa, Kabunian at iba pang mga anito. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila: pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong ngayon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino ngayon.


Ang mga diyos at diyosa, o mga bathala at marami pang ibang banal, mga kalahating bathala, at mahahalagang tauhan mula sa klasikal na mitolohiya ng Pilipinas at mga katutubong relihiyon sa Pilipinas na sama-samang tinutukoy bilang Diwata na ang mga malalawak na kwento ay sumasaklaw mula sa isang daang taon na ang nakalilipas hanggang sa marahil ay libu-libong taon mula sa modernong panahon. Ang terminong Bathala sa kalaunan ay pinalitan ang "Diwata" bilang pangunahing salita para sa "mga diyos" at naging kahulugan ng anumang supernatural na nilalang na sinasamba para sa pagkontrol sa mga aspeto ng buhay o kalikasan. Sa paglipas ng panahon, si Bathala (o Bathalà/Maykapál) ay naging nauugnay sa Kristiyanong Diyos at naging kasingkahulugan ng Diyós . [37] [38] [39] [40]

Ang mga Diwata Sa mitolohiya ng Pilipinas ay tumutukoy sa mga diwata, mga espiritu ng kalikasan, mga nilalang sa langit, at mga mitolohikal na bathala. Sa katutubong relihiyon, partikular itong tumutukoy sa mga celestial na nilalang at mga espiritu ng kalikasan na hindi kailanman naging tao. Ang mga espiritung ito ay maaaring mula sa mga tagapag-alaga ng mga bagay, halaman, o hayop hanggang sa mga diyos na kumakatawan sa mga natural na puwersa, abstract na konsepto, o kahit na mga diyos sa isang pantheon. [41] [42] [43] [7] Ang Pag-Diwata ay isang ritwal na nagbibigay ng papuri, pagsamba at pagsamba sa mga diyos at espiritu ng kalikasan. [44]

Anito, o anitu Sa mitolohiya ng Pilipinas, ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng mga patay, masasamang espiritu at mga diyus-diyosang kahoy na kumakatawan o tahanan sa kanila. [44] [45] [46] [30] Ang Pag-anito ay kapag nakikipag-usap ang mga shaman sa mga espiritu ng mga patay at mga espiritu ng ninuno, [44] at maging sa mga masasamang espiritu [47] [48]

Ang mitolohiya ng Pilipinas at relihiyong bayan ay magkaugnay, magkakapatong at sangaysangay [49] habang magkakaugnay, sa panimula ay magkaiba. Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga kuwento na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mundo, mga natural na phenomena, at mga aksyon ng mga diyos, espiritu, at mga bayani. Ito ay nagsisilbing isang kultural na salaysay, kadalasang nakatali sa mga paniniwala ng isang komunidad. Ang relihiyong bayan, sa kabilang banda, ay sumasaklaw sa mga espirituwal na gawain, ritwal, sistemang moral, at teolohiya na nakaugat sa mga paniniwalang iyon. [50] Ang mitolohiya ay isang bahagi ng relihiyon, habang ang relihiyon ay isang mas malawak na sistema na kinabibilangan ng pagsamba, ritwal, at mga etikal na code. Ang bawat pangkat etniko ay may kanya-kanyang pangkalahatang termino na ginagamit upang tumukoy sa lahat ng diyos o isang sub-set ng mga diyos, kung saan ang pinakalaganap na termino sa pangkat etniko Sa Pilipinas, ang mitolohiya bago ang kolonyal ay malalim na nakatali sa relihiyong bayan, kung saan ang bawat pangkat etniko ay may sariling panteon ng mga diyos, espiritu ng mga ninuno, at espiritu ng kalikasan. Halimbawa, ang "diwata" ay tumutukoy sa mga diyos, diyosa, mga lambana at mga celestial na nilalang, habang ang "anito" ay kadalasang naglalarawan ng mga espiritu ng ninuno o di kaya ay mga masamang espiritu. Ang mga terminong ito at ang kanilang mga kahulugan ay iba-iba sa iba't ibang rehiyon at pangkat etniko. [30]


Thumb
Naniniwala ang mga Sambal at Dumagat na ang mabahong amoy ng takang demonyo o kalumpang (Sterculia foetida) ay umaakit sa dalawang lahi ng mga kabayong nilalang: ang tulung, na mala-tikbalang na halimaw, at ang binangunan, mga kabayong apoy.[51]
Thumb
Isang kolago/kagwang, Cynocephalus volans. Naniniwala ang mga Waray at Bisaya na kapag malakas ang iyak ng nilalang na ito sa madaling araw, walang ulan sa buong araw.[51]
Remove ads

Panteong Pilipino

  • Lakapati - ang diyosa ng pagkamayabong.
  • Pati - ang diyos ng ulan.
  • Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.
  • Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay at pangangalakal.
  • Mayari - ang diyosa ng buwan.
  • Lakambini - ang diyos ng pagkain.
  • Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat at pagkamayabong.
  • Mangkukutod - ang diyos ng isang partikular na grupo ng mga Tagalog.
  • Anitong Tao - ang diyos ng ulan at hangin.
  • Agawe - diyos ng tubig
  • hayo - diyos ng dagat
  • idionale - diyosa ng pagsasaka
  • Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa

Mga Sinaunang diwata at bathala ng mga Tagalog


Bathala - Si Bathalà o Maykapál ang kataas-taasang Diyos, ang tagapaglikagapamahala ng sansinukob. Siya ang pinakamakapangyarihang diyos at kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal (maylikha). Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tagalog na siya ang hari ng mga diwata at punong diyos o pinaka-ama ng lahat ng mga mas mababang diyos[52][53] Si Bathala ay kilala rin sa tawag na Abba[54] at Diwatà (Dioata, Diuata) - Hango sa salitang Sanskrit na deva at devata, na nangangahulugang "diyos" o "taga langit"[55]

Lakapati - Lakanpati Siya rin ang pangunahing diyos ng kasaganahan at pagkamayabong, na inilalarawan bilang may katangian ng pinagsamang lalaki at babae na magkasama (androgyne), na sumisimbolo sa kapangyarihang mamunga o pumunla sa na pagsasama.[56][57]

Buan - Si Buan ang diwata ng buwan at ang dalagang nasa buwan.[58] Ang mga Tagalog mula sa Laguna ay tinatawag si Buan bilang "Dalágañg nása Buwán" (Dalagang Nasa Buwan) "Dalágañg Binúbúkot" (Dalagang Tinatago)[59][60] Ayon sa mga kronikang Espanyol, ang mga sinaunang Tagalog ay iginagalang ang buwan (Buan) bilang isang diyos, lalo na kapag ito ay bago pa lamang lumilitaw (ang unang silahis ng buwan). Sa panahong ito, sila ay nagdiriwang nang malaki, sinasamba ito at malugod na tinatanggap, hinihiling dito ang kanilang mga nais: ang iba ay humihiling ng maraming ginto; ang iba naman ay maraming bigas; ang iba ay isang magandang asawa o isang marangal, mayaman, at mabuting asal na kabiyak; at ang iba naman ay kalusugan at mahabang buhay. Sa madaling salita, bawat isa ay humihiling ng kanilang pinakanais sapagkat naniniwala sila na kayang ipagkaloob ito ng buwan sa kanila nang sagana.[61][62][63]

Lakan Bini - si Lakan Bini ay kilala rin bilang Lakang Daitan (Panginoon ng Pagtatali o Pagsasama) – Siya ang tagapangalaga ng lalamunan at ang tagapagtanggol sa kaso ng anumang sakit sa lalamunan. [64][65] May ilang may-akda na maling nagtala ng kanyang pangalan bilang Lacambui at ayon sa kanila, siya ang diyos ng mga sinaunang Tagalog na nagpapakain.[66]

Araw - Si Araw o Haring Araw ay ang sinaunang diwata o diyos ng araw.Ayon kay Juan de Plasencia, sinasamba ng mga sinaunang Tagalog ang araw dahil sa kariktan at kakisigan nito.[67] Kapag umuulan habang may sikat ng araw at ang langit ay may bahagyang pulang kulay, sinasabi nila na nagtitipon ang mga anito upang magdala ng digmaan sa kanila. Dahil dito, sila ay natatakot nang labis, at hindi pinapayagan ang mga kababaihan at bata na bumaba mula sa kanilang mga bahay hangga’t hindi ito tumitila at muling nagiging maaliwalas ang kalangitan.[68]

Balangao - Si Balangao o Balangaw ang diwata o diyos ng bahaghari ng mga sinaunang tagalog.[69][70]Sa klasikong Tagalog, Ang tamang pangalan ng bahaghari ay Balangaw, habang ang bahaghari ay isang makatang na termino na tumutukoy sa Balangaw.Naniniwala ang mga sinaunang tagalog na ang bahaghari ay tulay papuntang langit ng mga espirtu at yumao sa pakikipaglaban o di kaya mga nakain o napatay ng mga buwaya.[71][72][73] Katunog at kahawig ni Balangaw ang ngalan ng diwata ng bahaghari at digmaan ng mga Bisaya na si Varangaw (Barangao)[74][75]

Bibit - Si Bibit ay isang anito na inuugnay sa mga sakit, na ipagaalayan kapag may sakit ang isang tao. Kapag ang isang tao ay nagkasakit, maghahandog sila ng pagkain kay Bibit. Kinakailangan muna ng catalona na pagalingin si Bibit bago siya makapagsimula ng paggamot sa pasyente upang ito'y gumaling.[76][77]

Tawong Damo – Ang Tawong damo ay pangkalahatang tawag sa mga masasamang anito o masasamang espirtu ng kabundukan na pinaniniwalaang responsable sa pagpapalaglag ng sanggol.[30] Ayon kay Blumentritt, ang mga masasamang anito na labis na kinatatakutan ng mga Tagalog, tulad ng mga naninirahan sa kagubatan, ay tila mga anito ng mga dating may-ari o katutubong naninirahan sa mga lupain na kalaunan ay sinakop ng mga Tagalog na nandayuhan[30][78][79]

Ibang mga Nilalang sa Mitolohiya

  • Bernardo Carpio – Ang taong anyo ng sinaunang higanteng buwaya ng kailaliman na sanhi ng lindol sa mitolohiyang Tagalog bago dumating ang mga Kastila, at ng Palangíyi, ang maalamat na Hari ng mga Tagalog. Ayon sa alamat, may isang higanteng hari ang mga Tagalog—isang mesyanikong pigura—na nagngangalang Bernardo Carpio, naipit sa pagitan ng dalawang bundok o dalawang dambuhalang bato sa Kabundukan ng Montalban, at nagdudulot ng lindol tuwing sinusubukan niyang palayain ang kanyang sarili. Kapag naputol ang huling tanikala na gumagapos sa kanya, ang pang-aalipin at pang-aapi sa kanyang bayan ay mapapalitan ng kalayaan at kasiyahan. Sinasabing nagbigay-pugay sa alamat ni Bernardo Carpio ang mga rebolusyonaryong bayani ng Pilipinas na sina Jose Rizal at Andres Bonifacio—ang una sa pamamagitan ng paglalakbay sa Montalban, at ang huli sa pamamagitan ng paggawa sa mga kuweba ng Montalban bilang lihim na tagpuan ng kilusang Katipunan.[80][81][82]
  • Palangíyi (mula sa Malay Palángi = bahaghari) – Ang maalamat na hari ng mga Tagalog.[83][81]
  • Balitóc (Balitók = ginto) – Isang huwarang mangkukulam (manggagaway) ng sinaunang Tagalog.[84] Marahil siya ay espiritu ng isang tanyag na babaylan o isang kilalang mangkukulam, maaaring maalamat, hal. Si Balitók ang gumáway sa bátang yarí = Si Balitók ang bumarang sa batang ito [SB 1613: 284].[85]
  • Bulan-hari – Isa sa mga diyos na ipinadala ni Bathala upang tulungan ang mga tao ng Pinak; may kakayahang utusan ang ulan na bumagsak; asawa ni Bitu-in.[86]
  • Bitu-in – Asawa ni Bulan hari, Isa sa mga diyosa na ipinadala ni Bathala upang tulungan ang mga tao ng Pinak.[86]
  • Alitaptap – Anak nina Bulan-hari at Bitu-in; may bituin sa kanyang noo, na tinamaan ni Bulan-hari, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay; ang kanyang natamong bituin ay naging alitaptap.[86]
  • Sidapa – Diyos ng digmaan na nagpapasiya sa mga pagtatalo ng mga mortal.[87] Lumitaw rin siya sa kuwentong Tagalog na "Bakit Tumatilaok ang Manok sa Umaga."
  • Amansinaya – Diyosa ng mga mangingisda.[87]
  • Amihan – Isang pangunahing diyos na namagitan nang si Bathala at Amansinaya ay naglalaban.[88] Siya rin ay isang mahinhing diyos ng hangin, anak ni Bathala, na naglalaro sa kalahati ng taon, sapagkat kung magkasabay silang maglaro ng kanyang kapatid na si Habagat, masyado itong malakas para sa mundo.[89]
  • Habagat – Isang masiglang diyos ng hangin, anak ni Bathala, na naglalaro sa kalahati ng taon.[89]
  • Ulilangkalulua – Isang dambuhalang ahas na may kakayahang lumipad; kalaban ni Bathala, na napatay sa kanilang labanan.[90][91]
  • Galangkalulua – Isang diyos na may pakpak at mahilig maglakbay; kasama ni Bathala na namatay dahil sa isang sakit, kung saan ang kanyang ulo ay inilibing sa libingan ni Ulilangkalulua, na naging sanhi ng pagsibol ng unang puno ng niyog, na ginamit ni Bathala sa paglikha ng unang mga tao.[90][91]
  • Bighari – Ang diyosa ng bahaghari na mahilig sa mga bulaklak; anak ni Bathala.[92]
  • Rajo – Isang higanteng nagnakaw ng pormula sa paggawa ng alak mula sa mga diyos; isinuplong ng bantay sa gabi na siya ang buwan; ang kanyang alitan sa buwan ay naging sanhi ng eklipse.[93]
  • Rizal – Isang bayani ng kultura na namuno sa paghahanap ng Gintong Guya ng Banahaw; ayon sa alamat, kapag sumiklab ang isang pandaigdigang digmaan, siya at ang Doce Pares ay bababa mula sa bundok kasama ang Gintong Guya upang tulungan ang kanyang bayan sa kanilang pakikibaka; isang bersyon ang nagsasaad na siya ay darating sa pamamagitan ng isang barko.[94]
  • Nuno – Ang nagmamay-ari ng bundok ng Taal, na hindi pinayagang bungkalin ang tuktok ng Taal.[95]
Remove ads

Panteong Bisaya

  • Makaptan - diyos ng langit at himpapawid
  • Magwayan - dyosa ng katubigan at dagat espiritu
  • Liadlao - diyos ng Araw
  • Libulan - diyos ng Buwan
  • Lisuga - diyosa ng mga bituin
  • Lihangin - diyos ng hangin
  • Lidagat - diyosa ng karagatan
  • Sidapa - diyos ng kamatayan
  • Nagined - dyosa ng digmaan at lason
  • Malandok - diyos ng digmaan at mga mangangatang
  • Balangaw - diyos ng digmaa at bahaghari
  • Lalahon -diyosa ng apoy at bulkan

Mga Walang Kamatayan, Mga Diwata at bathala ng mga Sinaunang Bisaya

  • Kaptan: ang kataas-taasan at diyos ng langit na lumaban kay Magauayan sa loob ng mahabang panahon hanggang sa namagitan si Manaul; pinuno ng Kahilwayan, ang kaharian sa langit; may kapangyarihan sa hangin at kidlat;[96] sa ilang mga alamat, asawa ni Maguyaen;[97] tinatawag ding Bathala sa isang alamat;[98] tinawag ding Abba sa isang kronika[99]
  • Maguayan: diyos ng mga katubigan; ama ni Lidagat; kapatid ni Kaptan[100]
  • Mga Sugo ni Kaptan
    • Dalagan: ang pinakamabilis na higanteng may pakpak, may sandatang mahahabang sibat at matutulis na espada[100]
    • Guidala: ang pinakamatapang na higanteng may pakpak, may hawak ding mahahabang sibat at matutulis na espada[100]
    • Sinogo: ang pinakamakisig na higanteng may pakpak, paboritong lingkod ni Kaptan ngunit nagkanulo sa kanya kaya't ikinulong sa ilalim ng dagat[100]
  • Maguyaen: diyosa ng hanging-dagat[97]
  • Magauayan: lumaban kay Kaptan sa loob ng mahabang panahon hanggang sa mamagitan si Manaul[96]
  • Manaul: ang dakilang ibon na naghulog ng malalaking bato sa labanan nina Kaptan at Magauayan, na naging sanhi ng pagbuo ng mga isla[96]
  • Mga Katulong ni Manaul
  • Lidagat: diyosa ng dagat; asawa ng hangin; anak ni Maguayan[100]
  • Lihangin: diyos ng hangin; asawa ng dagat; anak ni Kaptan[100]
  • Licalibutan: anak nina Lidagat at Lihangin na may katawang bato; nagmana ng kapangyarihan sa hangin mula sa kanyang ama; nag-alsa laban kay Kaptan at pinatay ng galit ng kanyang lolo; naging lupa ang kanyang katawan[100]
  • Liadlao: anak nina Lidagat at Lihangin na may gintong katawan; pinatay ng galit ni Kaptan sa panahon ng paghihimagsik; naging araw ang kanyang katawan[100]
  • Libulan: anak nina Lidagat at Lihangin na may katawang tanso; pinatay ng galit ni Kaptan sa panahon ng paghihimagsik; naging buwan ang kanyang katawan[100]
  • Lisuga: anak nina Lidagat at Lihangin na may pilak na katawan; di sinasadyang napatay ni Kaptan sa kanyang galit; naging mga bituin ang kanyang katawan[100]
  • Adlaw: diyos ng araw na sinasamba ng mga mabubuti[98]
  • Bulan: diyos ng buwan na nagbibigay-liwanag sa mga makasalanan at gumagabay sa gabi[98]
  • Bakunawa: diyos ng serpiyente na kayang pumalupot sa mundo; naghangad na lamunin ang pitong buwan, at matagumpay na nilamon ang anim; ang huli ay binantayan ng kawayan[98]
  • Mga Diyos sa Ilalim ng Pamumuno ni Kaptan
    • Makilum-sa-twan: diyos ng mga kapatagan at lambak[97]
    • Makilum-sa-bagidan: diyos ng apoy[97]
    • Makilum-sa-tubig: diyos ng dagat[97]
    • Kasaray-sarayan-sa-silgan: diyos ng mga batis[97]
    • Magdan-durunoon: diyos ng mga nakatagong lawa[97]
    • Sarangan-sa-bagtiw: diyos ng bagyo[97]
    • Suklang-malaon: diyosa ng masayang tahanan[97]
    • Alunsina: diyosa ng langit[97]
    • Abyang: isa pang diyos sa ilalim ni Kaptan[97]
  • Maka-ako: tinatawag ding Laon; lumikha ng sansinukob[87]
  • Linok: diyos ng lindol[87]
  • Makabosog: pinayukod na pinuno na nagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom[87]
  • Sidapa: Mataas na diwata at diyos ng kamatayan; kasamang namumuno sa gitnang mundo, Kamaritaan, halos sing lakas ni Makaptan [97]
  • Makaptan: diyos ng sakit; kasamang namumuno sa Kamaritaan, kasama si Sidapa; kapatid nina Magyan at Sumpoy[97]
  • Lalahon: diyosa ng apoy, bulkan, at ani;[101] tinatawag ding Laon[99]
  • Santonilyo: diyos na nagpapadala ng ulan kapag inilulubog ang kanyang imahen sa dagat; tinawag ding diyos ng mga Kastila[99]
  • Cacao: diwata ng Bundok Lantoy na nagbebenta ng kanyang produkto sa pamamagitan ng gintong barko na kayang bumaha sa mga ilog[102]
  • Mangao: asawa ni Cacao[102]
Remove ads

Panteong Bicolano

  • Gugurang - Supremong diyos ng mga Bicolano
  • Asuan - diyos ng kasamaan
  • Adlaw - diyos ng Araw, masaganang ani
  • Bulan - diyos ng Buwan , pangingisda at proteksyon sa gabi
  • Bituoon - diyosa ng mga bituin
  • Haliya - diyosa ng liwanag ng Buwan at kalaban ng Bakunawa
  • Bakunawa - dating magandang diwata naging diyosang mala-hitong dragon ng kailaliman
  • Okot - diyos ng kagubatan at pangangaso
  • Magindang - diyos ng dagat at pangingisada
  • Kalapitnan - diyos ng mga paniki
  • Batala - diyos na namamahalan sa mga anito at lambana
  • Linti - diyos ng kidlat at kaparusahan
  • Dalogdog - diyos ng kulog at ulap
  • Onos - diyos ng bagyo at baha
  • Kanlaon - diyos ng bulkan at pagkawasak
  • Oryol - kalahating engkantada na ang pangibabang bahagi ng katawan ay higanteng ahas

Mga Walang Kamatayan, Mga Diwata at bathala ng mga Bicolano

Remove ads

Mga mortal at bayani sa alamat


  • Baltog: Si Baltog ang unang puting tao o tawong-lipod na dumating sa Bikol. Ipinanganak sa India (na tinawag na "Boltavara" sa epiko) mula sa matatapang na angkan ng Lipod, ipinakilala niya ang pagsasaka sa Bikol sa pamamagitan ng pagtatanim ng linsa o apay, na isang katangian ng mga maagang mananakop mula sa India. Pinatay niya ang mabangis na baboy na si Tandayag sa isang matinding labanan.[111]
  • Magayon - isang magandang na dalaga mula sa alamat ng Bulkang Mayon. Si Pagtuga ay isang mayabang na mang-uugpo at pinuno ng tribong Iriga, na sinubukang manalo ng pag-ibig ni Magayon ngunit tinanggihan. Si Panganoron ay ang diyos ng ulap na nagligtas kay Magayon mula sa pagkalunod at naging tunay niyang pag-ibig. Ang Bulkang Mayon, na ipinangalan kay Magayon, ay sinasabing siya ang naging bulkan, habang si Panganoron naman ay naging mga ulap na yumayakap dito.[30][12]
  • Panganoron - ay ang prinsipe ng mga ulap nagmula sa lipi ng tawong lipod nagligtas kay Magayon at naging tunay niyang pag-ibig.[30][12]
  • Bantong: Si Bantong ay isang matapang at tusong mandirigma na mag-isang pumatay sa kalahating-tao at kalahating-hayop na si Rabot, kahit na binigyan siya ni Handyong ng 1,000 mandirigma upang tulungan siya.[111]
  • Dinahong: Ang pangalang Dinahong ay nangangahulugang "binalot ng dahon". Siya ang orihinal na Bikolanong magpapalayok na pinaniniwalaang isang Agta (Negrito) o pigmiy. Tinuruan niya ang mga tao sa pagluluto, paggawa ng mga palayok na tinatawag na coron, kalan, banga, at iba pang gamit sa kusina.[111]
  • Ginantong: Siya ang gumawa ng araro, suyod, at iba pang kasangkapan sa pagsasaka.[12]
  • Hablom: Mula sa salitang hablon na nangangahulugang “maghabi”, siya ang lumikha ng unang habihan at mga panggulong sinulid sa rehiyon ng Bikol, lalo na sa paghahabi ng damit mula sa abaka.[111]
  • Handyong: Si Handyong ang pangunahing tauhan sa epiko. Dumating siya sa Bikol kasunod ni Baltog at naging pinakatanyag sa mga tawong-lipod. Nilinis niya ang lupain mula sa mababangis na halimaw, hinikayat ang iba't ibang imbensyon, muling ipinakilala ang pagsasaka, nagtayo ng mga bahay sa puno kung saan iniingatan ang mga anito na tinatawag na moog, at nagpatupad ng batas na nagdala ng ginintuang panahon sa kanyang kapanahunan.[111] Kilala rin siya bilang gumawa ng unang bangka at nagpaunlad ng pagtatanim ng palay sa binabahang lugar.[112]
  • Kimantong: Siya ang unang Bikolanong gumawa ng timon para sa bangka, layag, araro, suyod, at iba pang kasangkapang pang-agrikultura. May isang barangay sa Daraga, Albay na ipinangalan sa kanya.[111]
  • Sural: Mula sa salitang surat na nangangahulugang “magsulat” o “sulat”, siya ang unang Bikolanong nakaisip ng isang sistema ng pagsusulat. Inukit niya ito sa isang puting batong slab mula sa Libong, na pinakinis naman ni Gapon.[111]
  • Takay: Si Takay ay isang magandang dalaga na, ayon sa alamat, nalunod sa malaking baha sa epiko. Pinaniniwalaang naging halamang-tubig na tinatawag na water hyacinth sa kasalukuyang Lawa ng Bato.[111]
Remove ads
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads