Ang marijuana o sa Ingles ay cannabis at kilala bilang chongke ay isang preparasyon ng halamang cannabis na ginagamit bilang sikoaktibo at gamot o medisina. Ang pangunahing sikoaktibong sangkap na kompuwesto nito ang tetrahydrocannabinol (THC) na isa sa 483 alam na kompuwesto ng halamang ito.[3] May iba pang mga 84 cannabinoid dito gaya ng cannabidiol (CBD), cannabinol (CBN), tetrahydrocannabivarin (THCV)[4][5] at cannabigerol (CBG).
Agarang impormasyon Pinagmulang halaman, Bahagi ng halaman ...
Afghanistan, Burma, Canada, China, Colombia, India, Jamaica, Laos, Mexico, Netherlands, Pakistan, Paraguay,[2] Thailand, Turkey, United States
Pangunahing konsyumer
Buong mundo
Isara
Ang marijuana o chongke ay kadalasang kinokonsumo dahil sa mga epektong sikoaktibo at pisiolohikal nito na kinabibilangan ng tumaas na mood o pakiramdam o euphoria, relaksasyon [6] at tumaas na gana [7]
Ang marijuana o chongke ay ginagamit bilang drogang panlibangan o gamot gayundin bilang bahagi ng mga ritong pang-relihiyon. Ang pinakamaagang paggamit nito ay mula ika-3 milenyo BCE.[8] Simula ika-20 siglo, ang pagmamay-ari ng marijuana ay ipinagbabawal o ilegal sa maraming mga bansa sa buong daigdig.[9][10] Noong 2004, ang paggamit ng marijuana o chongke sa buong mundo ay tinatayang 4% ng populasyon ng mundo o mga 162 milyong katao at ang tinatayang 0.6% (22.5milyong katao) ay gumagamit nito sa araw-araw.[11]
Ang mekanismo ng marijuana o chongke sa tao ay naunawaan lamang bago matapos ang ika-20 siglo. Ang THC ng marijuana ay umaasal sa dalawang uri ng mga cannabinoid receptor sa tao na CB1 receptor at CB2 receptor na parehong G-Protein coupled receptor. Ang CB1 receptor ay matatagpuan sa utak at sa ilang mga peripheral tissue at ang CB2 receptor ay matatagpuan sa mga peripheral tissue gayundin sa mga selulang neuroglial. Ang mga cannabinoid receptor ay pinapagana ng mga cannabinoid na maaaring nalilikha mula sa loob ng katawan ng tao (endocannabinoid) o ipinakilala sa katawan ng tao gaya ng pagkonsumo ng marijuana o ibang mga sintetiko nito.
Ayon kay Dr. Jack E. Henningfield ng National Institute on Drug Abuse (2010), sa mga nirangguhang anim na sustansiya sa kanilang pagiging adiktibo (marijuana, kapeina, cocaine, alak, heroin at nicotine), ang marijuana o chongke ang pinaka-hindi adiktibo, ang kapeina ang ikalawang pinaka-hindi adiktibo at ang nicotine ang pinaka-adiktibo.[12]
Ang marijuana o chongke ay ginawang legal sa 18 estado ng Estados Unidos at Distrito ng Columbia para sa gamit-medikal. Kabilang sa medikal na paggamit ng marijuana o chongke ang pagpapaginhawa ng pagkahilo at pagsusuka, stimulasyon ng gutom sa kemoterapiya at mga pasyenteng may AIDS, pagbaba ng presyon sa matang intraokular at sa pangkalahatang pagpapaginhawa ng mga kirot sa katawan. Ang kompuwesto ng marijuana ay epektibo rin para gamutin ang schizophrenia ayon sa mga siyentipiko.
Ang marijuanang o chongke pang medikal ay natagpuang nagpaginhawa ng mga ilang sintomas ng multiple sclerosis[13] at spinal cord injuries[14][15][16][17][18]
Natagpuan ng isang pag-aaral ng Universidad Complutense de Madrid na ang mga kemikal sa marijuana o chongke ay nagsanhi ng kamatayan ng mga selulang kanser ng utak ng tao. Sa mga selulang kanser ng utak ng tao na nilagay sa mga daga na ginamot ng kemikal ng marijuana o chongke, ang tumor ay lumiit. Natagpuan ng pag-aaral nila na ang THC ay nag-alis ng mga selulang kanser nang walang masamang epekto sa mga malulusog na selula.[54]
Ayon sa pag-aaral ng California Pacific Medical Center Research Institute noong 2007 at 2010, ang cannabidiol ay nagpahinto sa kanser sa suso na kumalat na sa buong katawan sa pamamagitan ng downregulation ng isang gene na tinatawag na ID1.[55]
"Spinal Cord Injury and Disease". Therapeutic Uses of Marijuana. Medical Marijuana Information Resource Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2007. Nakuha noong 9 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maurer M, Henn V, Dittrich A, Hofmann A (1990). "Delta-9-tetrahydrocannabinol shows antispastic and analgesic effects in a single case double-blind trial". European Archives of Psychiatry and Clinical Neuroscience. 240 (1): 1–4. doi:10.1007/BF02190083. PMID2175265.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Kogel RW, Johnson PB, Chintam R, Robinson CJ, Nemchausky BA (1995). "Treatment of Spasticity in Spinal Cord Injury with Dronabinol, a Tetrahydrocannabinol Derivative". American Journal of Therapeutics. 2 (10): 799–805. doi:10.1097/00045391-199510000-00012. PMID11854790.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Carter GT, Rosen BS (2001). "Marijuana in the management of amyotrophic lateral sclerosis". The American Journal of Hospice & Palliative Care. 18 (4): 264–70. doi:10.1177/104990910101800411. PMID11467101.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Weydt P, Hong S, Witting A, Möller T, Stella N, Kliot M (2005). "Cannabinol delays symptom onset in SOD1 (G93A) transgenic mice without affecting survival". Amyotrophic Lateral Sclerosis and Other Motor Neuron Disorders. 6 (3): 182–4. doi:10.1080/14660820510030149. PMID16183560.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Ashton CH, Moore PB, Gallagher P, Young AH (2005). "Cannabinoids in bipolar affective disorder: a review and discussion of their therapeutic potential". Journal of Psychopharmacology. 19 (3): 293–300. doi:10.1177/0269881105051541. PMID15888515.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Fox SH, Kellett M, Moore AP, Crossman AR, Brotchie JM (2002). "Randomised, double-blind, placebo-controlled trial to assess the potential of cannabinoid receptor stimulation in the treatment of dystonia". Movement Disorders. 17 (1): 145–9. doi:10.1002/mds.1280. PMID11835452.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Di Carlo G, Izzo AA (2003). "Cannabinoids for gastrointestinal diseases: potential therapeutic applications". Expert Opinion on Investigational Drugs. 12 (1): 39–49. doi:10.1517/13543784.12.1.39. PMID12517253.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ramer R, Hinz B (2008). "Inhibition of cancer cell invasion by cannabinoids via increased expression of tissue inhibitor of matrix metalloproteinases-1". Journal of the National Cancer Institute. 100 (1): 59–69. doi:10.1093/jnci/djm268. PMID18159069.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sylvestre DL, Clements BJ, Malibu Y (2006). "Cannabis use improves retention and virological outcomes in patients treated for hepatitis C". European Journal of Gastroenterology & Hepatology. 18 (10): 1057–63. doi:10.1097/01.meg.0000216934.22114.51. PMID16957511.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Szepietowski JC, Szepietowski T, Reich A (2005). "Efficacy and tolerance of the cream containing structured physiological lipids with endocannabinoids in the treatment of uremic pruritus: a preliminary study". Acta Dermatovenerologica Croatica. 13 (2): 97–103. PMID16324422.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Ganon-Elazar E, Akirav I (2009). "Cannabinoid receptor activation in the basolateral amygdala blocks the effects of stress on the conditioning and extinction of inhibitory avoidance". J. Neurosci. 29 (36): 11078–88. doi:10.1523/JNEUROSCI.1223-09.2009. PMID19741114.{{cite journal}}: Unknown parameter |laydate= ignored (tulong); Unknown parameter |laysource= ignored (tulong); Unknown parameter |laysummary= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Grotenhermen, Russo (2002) "Review of Therapeutic Effects." Chapter 11, p. 128 in Cannabis and Cannabinoids: Pharmacology, Toxicology, and Therapeutic Potential, Routledge, ISBN 0789015080.